Nagpapasuso ka ba at umaasang bumalik sa dating katawan?
Maraming bagong panganak na nanay ang nagtatanong: “Nakakatulong ba talaga ang breastfeeding sa pagpapapayat?”
Sa dami ng advice at sabi-sabi, nakakalito kung ano ang totoo.
Sa article na ito, tatalakayin natin kung totoo nga bang nakakapayat ang pagpapasuso, paano ito nangyayari, at anong mga tips ang makakatulong sa ligtas at epektibong pagbawas ng timbang habang inaalagaan si baby.
Paano Nakatutulong ang Breastfeeding sa Weight Loss?
Nakakapayat Ba Ang Pagpapasuso Ng Mga Nanay?
Habang buntis, nag-iipon ng fat ang katawan bilang “reserba” para sa breastfeeding stage. Kapag nagsimula ka nang magpadede, ang mga fat cells na ito, pati na ang calories mula sa pagkain, ay ginagamit para sa gatas.
Kung susundin mo ang recommended additional 300–500 calories per day, puwede ka pa ring pumayat habang nasusustentuhan ang milk supply mo. Sa unang anim na buwan, pwedeng magbawas ng 0.45–0.9 kg (1–2 pounds) kada buwan.
Pero tandaan: normal lang din kung tumatagal ng 6 hanggang 9 na buwan bago mawala ang pregnancy weight.
Puwede ba Mag-diet o Mag-exercise Habang Nagpapasuso?
Oo! Pero dapat ay dahan-dahan at ligtas.
-
Kumain ng whole grains (oatmeal, brown rice, whole wheat bread)
-
Dagdagan ang prutas at gulay
-
Uminom ng maraming tubig
-
Iwasan ang soft drinks, matatabang pagkain, at matatamis
Safe Exercises While Breastfeeding:
-
Mag-walking o low-impact exercises sa bahay o barangay
-
Subukan ang pelvic tilts at Kegel exercises
-
Magpadede o magpump muna bago mag-work out
-
Iwasan ang biglaan; simulan nang dahan-dahan at i-consult ang OB lalo kung C-section o may komplikasyon
Ang light to moderate exercise ay hindi nakakaapekto sa gatas, maliban na lang sa ilang rare cases kung saan nagkakaroon ng temporary na asim sa lasa ng gatas mula sa lactic acid.
Paano Mapaparami ang Gatas Habang Nagpapasuso
Nakakapayat Ba Ang Pagpapasuso Ng Mga Nanay?
Kung gusto mong masulit ang benefits ng breastfeeding kasama na ang posibleng weight loss, mahalagang mapanatiling sapat ang milk supply. Heto ang ilang tips:
- Magpadede nang madalas.
Mas madalas na dinede si baby, mas naii-stimulate ang katawan mong gumawa ng mas maraming gatas.
- I-empty ang breasts kada feeding.
Siguraduhing nauubos ni baby ang gatas sa parehong suso bago lumipat sa kabila, para mapanatili ang good milk flow.
- Uminom ng maraming tubig.
Hydration is key! Ang kakulangan sa tubig ay maaaring makaapekto sa milk production.
- Kumain ng balanced meals.
Piliin ang masustansiyang pagkain na may healthy fats, protein, whole grains, at leafy greens. May mga pagkain ding tinatawag na galactagogues tulad ng malunggay, oats, at fenugreek.
- Magpahinga kapag kaya.
Ang puyat at pagod ay maaaring magpababa ng milk supply. Humingi ng tulong sa partner o pamilya kung kailangan mo ng pahinga.
- Practice skin-to-skin contact.
Ang paghawak sa baby ng direkta sa balat ay nakakatulong mag-release ng hormones na nagpapalakas ng milk production.
The Bottom Line
Oo, nakakatulong ang pagpapasuso sa pagpayat, pero hindi ito guaranteed. Iba-iba ang katawan ng bawat nanay, at may iba pang factors tulad ng diet, genetics, at physical activity. Ang pinakamahalaga, manatiling healthy, huwag magmadali, at unahin ang recovery at bonding mo kay baby.
Dahan-dahan lang, mommy. Ang pagbalik sa iyong dating katawan ay journey, hindi race. Habang ginagawa mo ang lahat para sa anak mo, huwag kalimutang alagaan din ang sarili mo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!