Nakalimutan ng asawa ko ang anniversary namin, dapat ba akong magtampo?

Madalas bang makalimutan ni partner ang anniversary niyo?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagkaroon na ba kayo ng tampuhan ni partner dahil nakalimutan niya ang inyong anniversary? Ano ang una mong naging reaksyon mo?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Okay lang ba na makalimutan ang anniversary namin ng asawa ko?
  • Opinyon ng TAP Community sa usaping ito

Birthday, wedding, at anniversary—ilan lamang ito sa mga special occasion na mahalaga sa atin. Kadalasan, pinaghahandaan pa ito 1 month before the occasion! Ibang usapin din ang anniversary ng mag-asawa lalo na kung ito ay unang taon ng kanilang pag-sasama. Paano kung handang-handa ka na pero nakalimutan pala ng partner mo ang mismong anibersaryo niyo?

Nakalimutan ni partner ang anniversary namin, dapat ba akong magtampo? | Photo by Markus Spiske on Unsplash

Okay lang ba na makalimutan ang anniversary namin ng asawa ko?

Para sa ating topic na “Okay lang ba na makalimutan ang anniversary namin ng asawa ko?” tinanong namin ang TAP Community para sa usaping ito.

Mula sa 984 na poll responses, 18% ang nagsabing okay lang naman na makalimutan ni partner ang kanilang anniversary. Habang 35% naman ang nagsabing, “No, dapat memorize niya!” at 47% ang bumoto ng depende sa sitwasyon.

BASAHIN:

Should couples have separate bank accounts?

3 Rason kung bakit dapat ipagdiwang ang inyong wedding anniversary

STUDY: Mga couples na sabay matulog, mas matatag ang relasyon

Nakalalamang ang choice na “depende sa sitwasyon” sa topic na ito. Pero ano nga ba ang mga pasok na katanggap-tanggap na rason? Maaaring dalawang bagay ‘yan. Una, baka hindi talaga matandain sa petsa ang iyong partner. ‘Yung tipong nasa ugali na niya ito. Pangalawa, masyadong occupied ang isip ni partner o tipong busy siya sa buong araw na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para kay Mommy Grace, okay lang naman na makalimutan ang anniversary sa isang relasyon. Kuwento pa niya, “Call it boring pero kaming mag-partner, we usually celebrate good times and bad times together. So, parang ‘yung anniv samin is a casual thing na lang din,” Dagdag pa niya na, “But if makalimutan niya I understand, ‘di big deal sa’kin ‘yon. As long as we enjoy our company together.”

Para naman kay Mommy Kayin, it’s a big NO! Hindi puwedeng kalimutan ang anniversary.

“For me, no. Kasi hindi pwede makalimutan ‘yun kahit na sabihin na busy parang bday lang ‘yan mahirap kalimutan. Ok lang walang gift ‘wag lang kalimutan ‘yung araw ng anniversary.”

Ganito rin ang sagot ng ibang Mommy sa ating community.

“Not okay. Okay lang walang gift or walang ganap kung walang budget as long as naaalala niya.”

“Once a year lang ‘yun, hindi okay sa’kin ‘yun..monthsary pwede pa makalimutan pero anniversary sad naman ‘yun.”

Ayon sa kanila, hindi puwedeng makalimutan ang special day na ito dahil once a year lang naman kung ganapin ito. Okay lang na walang regalo, basta ay batiin at maalala!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakalimutan ni partner ang anniversary namin, dapat ba akong magtampo? | Photo by tanmay on Unsplash

Ano ba ang mga katanggap-tanggap na rason kapag nakalimutan ang anniversary?

Ayon sa mga sumagot ng “depende sa sitwasyon”, hindi big deal kapag nakalimutan ni partner ang celebration na ito lalo na kung busy ito buong araw.

Ayon kay Mommy Jomarie,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Depende yan. Kasi kung masyadong busy like may importanteng inaasikaso ok lang not a big deal for me. Kasi ako ganun din naman minsan nakakalimutan ko pero oks lng din.”

Ganito rin ang kuwento ni Mommy Mauie. Ayon sa kaniya, madalas din niyang nakalilimutan ang anniversary ng kanilang asawa. “Sa tagal na namen ni hubby madalas na nangyayare ‘yan. Even ako naman nakakalimot na din. Siguro para saken mas importante yung everyday kesa sa special occasions. Basta naman everyday napaparamdam niyo na special yung isa’t-isa ‘yung minsang makalimutan bumali forgiven na ‘yun.”

Nakalimutan ni partner ang anniversary namin, dapat ba akong magtampo? | Photo by Jonathan Borba on Unsplash

Normal bang makalimutan ang special occasion?

Ayon kay Joshua Klapow, Ph.D., isang clinical psychologist, “Forgetting is human.” Bago magalit o pagdudahan ang partner, bakit hindi muna alamin ang rason sa pagkalimot at intindihin ito?

Para sa mga mommy o daddy diyan na nagkaroon ng tampuhan sa kanilang partner dahil nakalimutan ang anniversary o birthday, ‘wag masyadong dibdibin ito. Alamin ang paliwanag ni partner kung bakit niya nakalimutan at subukang intindihin din dahil maaaring hindi naman niya sadyang kalimutan ang special occasion na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Nais mo bang malaman ang diskusyon ni Tito Alex at Malaya sa usaping ito? Pumunta lang sa media section ng app at maaari mo nang mapanood ang episode ng Okay lang ba? Podcast!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano