Open letter ng isang ina sa mga chismosang mahilig makialam sa buhay ng iba

Ikaw mayroon ka rin bang mensahe para sa kanila?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang isang open letter ng isang ina para sa mga taong nakikialam sa buhay ng iba kahit wala namang kinalaman o kaugnayan sa kanila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Open letter ng isang ina sa mga chismosa
  • Mensahe ng ina sa mga chismosa

Para sa mga mahilig na nakikialam sa buhay ng iba

Dear mga chismosang kapitbahay,

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ito sisimulan. Kasi hindi ko rin alam kung paano nagsimula na ako ang naging paborito ninyong pag-usapan. Iniisip ko na lang na sa pamamagitan ng pagkukuwentuhan ninyo tungkol sa buhay ko ay nai-entertain kayo.

Parang true to life telenovela na inyong nai-enjoy at sinusubaybayan. Hindi ko naman kayo masisisi kasi artistahin naman talaga ang looks ko. Please lang huwag ninyo ng ipagkalat dahil baka madagdagan pa ang fans ko. Medyo na-coconcious kasi ako sa tuwing may nakatingin at nakasunod sa mga kilos ko.

Tulad ninyo na maaga pa lang nagtutumpukan na parang akala mo mga hurado. Kung makatingin wagas mula paa hanggang ulo. Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko at higit sa lahat napaka-kulay ng buhay ko.

Biruin mo pati kilay ko pinapakialaman ninyo? Pasensya naman sa hindi na nasusuklay na buhok ko. Masyado kasi akong busy sa mga gawaing bahay at mga anak ko. Kaya ultimo pag-aayos ng sarili ko nalilimutan ko. Pero take note hindi ako nagpapabaya, sadya lang na alam ko sa sarili ko na wala akong dapat ika-insecure tulad ninyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iniisip ko na lang baka boring ang buhay ninyo

People photo created by standret – www.freepik.com 

Sa tuwing lumalabas ako at nakikita ko kayo, napapaisip ako. Wala bang mga dumi ang bahay ninyo? Wala ba kayong pamilya na dapat paghandaan? Ayaw bang mag-spend ng oras ng mga anak ninyo sa inyo? O hindi ba kayo namimiss ng mister ninyo?

Kasi ako ang daming responsibilidad at tungkulin sa loob ng bahay. Halos ayaw rin akong paalisin ng mga anak ko. Higit sa lahat gusto ng mister ko na lagi akong katabi. Kaya naman wala na akong oras makialam sa buhay ng iba. Sapagkat sa buhay ko pa lang solve na ako at masaya.

Hindi ko rin ma-gets kung bakit affected kayo na ako sa amin ng asawa ko ang nagta-atrabaho. Bakit kayo ba ang nagpapasuweldo? Hindi rin naman kayo ang amo ko at higit sa lahat hindi naman kami umaasa sa inyo. Pero sige ok isipin nalang natin na concern kayo. Salamat ha, nakaka-appreciate naman ako.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Na-appreciate ko naman ang concern ninyo, pero parang sobra na

Kaso parang nitong nakaraang araw medyo sumobra na ata ang concern ninyo sa pamilya ko. Biruin ninyo pati pagpapalaki sa anak ko pinakialaman ninyo na. Paalala lang po ha. Ako po ang magulang ng aking anak at wala akong ibang ginusto kung hindi ang ikabubuti niya

. Kung dinidisiplina ko siya, iyon ay dahil gusto kong mapabuti siya. Siguro naman ikaw bilang isang magulang ay nais mo ring lumaking nasa tamang landas ang anak mo di ba?

Pero grabe, hindi ko kayo kinakaya. Siguro, best in story making kayo ng kabataan ninyo ano? Sapagkat ibang level ang paggawa ninyo ng kuwento. Tapos tinalo ninyo pa nga si Mike Enriquez sa paghahatid ng balita. Pati na sa pagkuha ng dagdag na balitang ikakalat ninyo.

Talagang hindi ninyo tatantanan hanggang sa hindi ninyo naikakalat ang nalalaman ninyo. Pero wala naman akong problema doon. Kalayaan ninyong magsalita. Kaya iniisip ko ginagamit o ini-exercise ninyo lang ang karapatan ninyo. Yun nga lang sumusobra at hindi ninyo napapansin kayo na ay nakakasira.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Real Stories: “I’m so sorry mommy! PAALAM na po, PAALAM!”

Ayaw makipagtalik ng iyong asawa? Basahin ang open letter na ito ng isang ina

#TAPMomAsks: “Paano ‘pag nahuli mo ang partner mo na may ka-chat na mga babae sa dating apps?”

Woman photo created by freepik – www.freepik.com 

Hindi ninyo namamalayan nakakasira na kayo

Alam ninyo bang muntik na kaming maghiwalay ng asawa ko dahil sa pakikialam ninyo? Siguro naman may oras kayong malaman ang tungkol rito bilang concern na concern kayo sa buhay ko.

Halos ma-depress kasi siya ng malaman niya ang kumakalat ng kuwento na sa akin daw siya umaasa. Sapagkat siya ang walang trabaho tapos ako wala. Sigurado ako na hindi pa kayo nakakapasok sa loob ng bahay namin. Kaya sigurado rin ako na hindi ninyo alam ang nangyayari sa loob nito.

Nagtutulungan kami, nag-aalalayan at hindi totoong walang kuwenta ang asawa ko. Siya ang pinaka-maasasahan ko sa lahat. Pinapagaan niya ang buhay ko. Ibinibigay ang pangangalaga sa mga anak ko na hindi ko nagagawa dahil busy ako sa trabaho.

Teka, bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa inyo? Pero magandan na rin ito para at least alam ninyo yung first hand info. Hindi iyong puro ikinakalat ninyo ay gawa-gawang kuwento.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Positive naman please…

Photo by Sam Lion from Pexels

Malamang bukas nasa sunod na episode na kayo ng “nakikialam sa buhay ng iba story ninyo”. Sana bukas medyo nag-level up ‘yung kuwento. Sana naman ‘yung positive side naman ng story ang kuwento ninyo. ‘Yung tipong magpapaganda ng mood ng iba kapag narinig nila. O kaya naman bakit hindi ninyo subukang mag-concentrate sa mga buhay ninyo?

Ang sarap kaya ng magkaroon ng oras kasama ng inyong pamilya. Kaysa makialam sa buhay ng iba. O yung gumawa ng mga bagay na kinasasaya ninyo at makakatulong sa iba. Magmahalan tayo at huwag magsiraan. Makialam kung kinakailangan at manahimik nalang kung hindi naman.

Hay naku, sige na. Tinatawag na ako ng mga anak ko at asawa. Higit kasing mas mahalaga ang magkaroon ako ng oras sa kanila. Alam ninyo na hindi ko naman hilig ang mag-aksaya ng oras sa buhay ng iba. Hanggang sa susunod na kabanata nalang na kabanata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement