X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Toddler, patay matapos isubo ang nakasaksak na phone charger

2 min read
Toddler, patay matapos isubo ang nakasaksak na phone charger

Paalala sa mga magulang, maging maingat sa paggamit ng electrical devices sa inyong bahay. Ilayo ang kahit anumang linya ng kuryente o electrical appliances sa lugar na hindi maabot ng inyong anak.

Nakuryente at binawian ng buhay ang ka-awa-awang sinapit ng isang bata mula sa bansang India dahil sa naiwang phone charger na nakasaksak pa.

Batang nakuryente dahil sa phone charger

Ayon sa mga reports, ang insidente ay naganap habang nagbabakasyon ang bata at kaniyang ina sa bahay ng kaniyang mga lolo at lola.

Matapos ang 100 kilometers na biyahe papunta sa bahay ng kaniyang mga grandparents ay iniwan umano muna ng ina ng bata na naglalaro itong mag-isa sa loob ng bahay.

Ayon sa report ng The Times of India, matapos mag-charge ay naiwan umano ng ina ng bata na nakasaksak pa ang phone charger sa electrical outlet. Nakita ito ng bata, pinaglaruan at sinubo. Dito na umano nakuryente ang bata.

Isa pang local newspaper, ang The Hindustan Times, ang nagsabing naisugod pa sa ospital ang bata ngunit hindi na ito umabot at agad na binawian ng buhay. Siya ay idineklarang dead on arrival sa ospital.

Ayon naman sa mga pulis mula sa Jahangirabad, India na kung saan nangyari ang insidente, sa ngayon ay hindi pa nagfi-file ng reklamo ang pamilya ng bata. Ngunit kung sakali daw na may lumapit sa kanila at mag-file ng complaint laban sa nangyari ay tutugunan nila ito ng ayon sa batas.

Walang malinaw na report kung ilang taon ang bata o kung babae man ito o lalaki.

Ngunit ang insidente ay isang paalala sa mga magulang na ingatan ang kanilang mga anak. At maging mas mapanuri at maingat sa paggamit ng mga electrical devices at appliances. Ito ay para maiwasan mangyari ang trahedyang kumitil sa buhay ng isang walang muwang na bata.

batang nakuryente sa phone charger

Image from Pexels

Para sa kaligtasan ng inyong mga anak, narito ang electrical safety tips na dapat ninyong tandaan at gawin sa inyong bahay:

  • Huwag hayaang magsaksak ng kahit anumang electrical appliances ang mga bata.
  • Takpan din o lagyan ng covers ang mga electrical outlet sa inyong bahay para hindi ito mapaglaruan o kalikutin ng mga bata.
  • Huwag ding hayaang magswitch-on ng ilaw ang mga bata lalo na kung basa ang kanilang mga kamay.
  • Ipaliwanag sa kanila ang maaring mangyari kung sila ay maglalaro ng mga gamit na may kuryente.
  • Turuan silang huwag gumamit ng appliances na basa ang kamay o paa.
  • Bilang magulang, siguraduhing walang maiiwang nakasaksak na appliances na maabot ng iyong mga anak.

 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: News.com.au , TheAsianParent, Sun

Basahin: Grade 5 student, namatay matapos makuryente ng extension cord

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Toddler, patay matapos isubo ang nakasaksak na phone charger
Share:
  • Babala ng isang magulang tungkol sa panganib na dulot ng cell phone charger

    Babala ng isang magulang tungkol sa panganib na dulot ng cell phone charger

  • 6-year-old dies by electrocution through mobile phone charger

    6-year-old dies by electrocution through mobile phone charger

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Babala ng isang magulang tungkol sa panganib na dulot ng cell phone charger

    Babala ng isang magulang tungkol sa panganib na dulot ng cell phone charger

  • 6-year-old dies by electrocution through mobile phone charger

    6-year-old dies by electrocution through mobile phone charger

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.