Kahapon nga ng ika-22 ng Disyembre, Linggo, higit na 200 katao ang isinugod di-umano sa ospital dahil umano nalason sa lambanog ang mga ito sa kani-kanilang mga Chirstmas party na dinaluhan sa bayan ng Rizal, Laguna.
Walo na nga ang kinumpirmang patay dahil nga sa pag-inom di-umano ng lambanog na ito.
Kahit na iba-iba ang Christmas party na dinaluhan ng mga isinugod sa ospital, iisa lamang di-umano ang pinagbilhan ng nakakalason umano na lambanog.
Imbestigasyon sa nalason sa lambanog
Ang mga Christmas party celebration daw na dinaluhan halos lahat ng mga kataong isinugod sa ospital ay umaga daw ang mga selebrasyon ayon sa alkalde ng Rizal na si Mayor Vener Muñoz.
Sa Philippine General Hospital (PGH) nga di-umano dinala ang mga biktima ng nalason sa lambanog, at marami pa raw ang isinusugod sa ospital na ito na may parehong sitwasyon.
Nagbigay na nga rin ng pahayag ang gobernador ng Rizal, Laguna na si Laguna Gov. Ramil Hernandez sa kaniyang Facebook na itigil muna o i-ban ang pagbebenta ng di-umano’y nakakalason na lambanog sa kanilang lalawigan habang iniimbestigahan pa ang pangyayari ng kanilang mga kapulisan.
Ang imbestigasyon nga ay pinamumunuan ni Police Staff Seargeant Ronald Balbuena ng Rizal at nakausap na nga nito di-umano ang supplier ng lambanog na lumason umano sa maraming tao sa kanilang bayan.
Aniya nga ang supplier ng lambanog ay nagmula pa sa San Juan, Batangas. Handa naman di-umanong tumulong at makipag-ugnayan ang supplier sa kanilang imbestigasyon.
Ang mga tirang lambanog nga ay dadalhin sa Food and Drug Administration para suriin nga kung ito nga ang dahilan ng di-umano’y mga nalason sa lambanog dahil sa suspected na methanol poisoning.
Paano makakaiwas sa food poisoning?
Importante na siguraduhin ng mga magulang na palaging ligtas ang mga pagkain at inumin sa kanilang tahanan. Mapa-alak man ito o kaya pagkain ng kanilang baby, dapat ay mapagkakatiwalaang ligtas ang mga ito.
Hindi biro ang pagkakaroon ng food poisoning. Ito ay dahil mapa-bata man o matanda ay posibleng malagay sa panganib dahil dito. Kaya importante na alamin ng mga magulang ang kanilang magagawa upang makaiwas dito.
- Siguraduhing maghugas ng kamay bago kumain. Ang mga germs o bacteria ay puwedeng pumunta sa pagkain kapag madumi ang kamay, kaya importante ang paghuhugas.
- Lutuin ng maigi ang mga pagkain, lalong lalo na ang karne.
- Huwag iwan sa labas ang mga pagkain, dahil posible itong mapanis o kaya magkaroon ng bacteria.
- Linisin ang inyong refrigerator dahil kapag hindi ito nalilinis ay posibleng tirhan ng mga bacteria at microorganisms.
Source: ABS-CBN News
Photo: https://philnews.ph/2019/12/23/laguna-declares-state-of-emergency-as-lambanog-deaths-climb/
Basahin: Mga beauty products, madalas na makalason at maka-injure sa mga bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!