5 katangian ng nanay na malamang na mamamana ng kaniyang anak

undefined

Moms, maaaring maging kambal kayo ng iyong anak! Ayon sa pag-aaral, namamana sa ina ang ilang katangian niya at napapasa sa kaniyang anak. | Lead image from Unsplash

Parents, subukan niyo ngang titigan ang mga anak ninyo. Sa tingin niyo saan nakuha ni baby ang matangos niyang ilong, hubog ng mga braso at istilo kapag tumatawa? Moms, maaaring maging kambal kayo ng iyong anak! Ayon sa pag-aaral, namamana sa ina ang ilang katangian niya at napapasa sa kaniyang anak.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Mga maaaring mapasang katangian sa anak
  • Dahilan sa likod ng mga ito

Namamana sa ina at tatay

Likas na sa mag-asawa ang magtalo kapag pinag-uusapan kung saan nakuha ng kanilang anak ang kaniyang katangian o hilig. Teka, pause muna sa pagtatalo dahil malaki ang maitutulong ng siyensa sa inyong “munting” away.

namamana sa ina

Namamana sa ina | Image from Shutterstock

Ayon sa isang lisensyadong genetic counselor at kasalukuyang director ng Genetic Counseling Graduate Program sa The Ohio State University Wexner Medical Center na si Dawn Allain, “It’s nearly impossible to tease out exactly where each of your traits came from,” Naibahagi rin niya na hindi lang sa magulang ng bata nakukuha ang mga ito kundi pati na rin sa nakapaligid sa bata. “Most traits are influenced by many different genes and you inherit some from each parent.”

Maaaring ang ibang magulang ay nagtataka kung bakit tuwid na tuwid ang buhok ng kanilang anak ngunit sila ni daddy ay parehong curly hair. Ang paliwanag rito ay hindi lahat ng nakukuha ng bata ay galing sa mga magulang. Ito ay maaaring nakuha o naimpluwensyahan siya ng kaniyang kapaligiran.

5 katangian ng nanay na malakas na namamana ng kaniyang anak

Ayon kay Dawn Allain, may tatlong pangunahing dahilan ng pagkamana sa mga magulang.

Una, ito ay ang tinatawag na Dominant Gene, maaaring makuha rito ang kulay ng mata kung magkapareho ng kulay ng mata ang iyong mga magulang.

BASAHIN:

STUDY: Mas matalino ang mga bata kapag mayroong sapat na Vitamin D ang ina habang nagbubuntis

Namamana ng mga anak ang kanilang talino sa nanay, ayon sa pag-aaral

Pinakamatalino sa magkakapatid ang panganay, ayon sa pag-aaral

Pangalawa ay ang Recessive Gene, ang bawat magulang ay may recessive gene na dala-dala. Halimbawa, ikaw ay brown eyes ngunit ang iyong mga magulang ay hindi ganito ang kulay. Ito’y dahil sa recessive gene. Maaaring maipasa sa ‘yo kahit na pisikal na wala sila nito.

Pangatlo ay ang X-linked trait, ito ay nakikita sa X chromosome at tanging nanay lang ang nakakapasa.

Narito ang mga katangian na maaaring napasa sa iyo ng nanay mo.

1. Ang mood

Ayon sa pag-aaral na inilimbag sa The Journal of Neuroscience, malaki ang naiaambag ng mood ng isang nanay sa kanilang anak. Ito’y dahil sa isang function ng utak na kung tawagin ay corticolimbic system. Ito ang kumokontrol sa emosyon at mood ng isang babae. Dito na pumapasok ang depression na maaaring maipasa rin ng mga nanay sa kanilang anak na babae.

namamana sa ina

Namamana sa ina | Image from iStock

2. Ang memorya

Ayon naman sa pag-aaral na inilimbag sa Biological Psychiatry, may kinalaman ang nagiging kondisyon sa memorya ng mga tao dahil sa kanilang nanay. Napagalaman sa pag-aaral na ito na sa mga nanay nagmumula ang mataas na risk sa pagkakaroon ng Alzheimer’s disease. Kaya naman magandang alagaan ang iyong memorya habang bata pa lamang lalo na kung may history ng ganitong kondisyon ang iyong anak.

3. Ang timbang

Ayon sa Nature Communications, may dalawang fat na mayroon ang katawan ng bawat isa. Ito ay ang brown fat, na nakakatulong sa metabolism ng isang tao at kung paano panatilihin ang timbang nito. Habang ang white fat naman ay dahilan ng obesity at ilang sakit. Maaaring namamana sa ina ang pagkakaroon ng brown fat.

4. Mababang seretonin

Ayon sa pag-aaral na inilimbag ng JAMA Psychiatry, kung mababa ang lebel ng serotonin ng iyong nanay, maaaring ikaw ay magkaroon din ng attention-deficit hyperactivity disorder sa pagtanda. Konektado ito sa naipapasang impluwensya sa pag-focus ng iyong nanay.

namamana sa ina

Namamana sa ina | Image from Freepik

5. Mataas na IQ

Sorry dads! Pero mukhang panalo si mommy ngayon. Ito ay dahil ayon sa pag-aaral, ay maaaring maipasa ng nanay ang kaniyang talino sa baby nito. Dahil ito sa dalawang X chromosomes na nagmumula sa nanay habang isa naman sa tatay.

Maliban sa estado ng pag-aaral, bansa kung saan ipinanganak at estado ng pamumuhay, maaari pa ring mamana ni baby ang talino na mayroon ang kaniyang nanay.

 

Source:

Readers Digest, Medpage Today

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!