Karaniwan na nireresetahan ng duktor ng supplement at vitamin para sa buntis ang mga nagdadalang-tao. Kasama dito ang folic acid, iron, calcium, DHA, iodine, at vitamin D.
Ngunit alam niyo ba na isa sa mga nabanggit ang napag-alaman na nakakatulong para maging matalino ang bata?
Vitamin para sa buntis
Ayon sa pag-aaral na lumabas sa Journal of Nutrition, may epekto ang vitamin D levels ng buntis sa baby. Ito ang napag-alaman nila Melissa Melough ng Seattle Children’s Research Institute.
Ang vitamin D ay isang importanteng bitamina na nakakatulong sa katawan ng tao. Ito ay naipapasa ng buntis sa kaniyang ipinagbubuntis.
Lumalabas na ang mga moms-to-be na nakakuha ng mataas na vitamin D ay nagkaroon ng mga anak na mas matataas ang IQ! Sinasabi rin ng pag-aaral na dahil matataas ang IQ ng mga batang ito ay mas malaki rin ang chance na matataas ang mga grado nito sa eskwelahan.
Ngunit ayon din kay Melissa na karamihan sa mga buntis ay mayroong vitamin D deficiency. Bagaman isa ang vitamin D sa nirerekumenda na vitamin para sa buntis, kadalasang nagkukulang ang buntis nito.
“Even though many pregnant women take a prenatal vitamin, this may not correct an existing vitamin D deficiency.”
Nais ng grupo ng researchers na ito na magkaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa importansya ng vitamin D sa buntis at sa kaniyang baby.
“I hope our work brings greater awareness to this problem, shows the long-lasting implications of prenatal vitamin D for the child and their neurocognitive development, and highlights that there are certain groups providers should be paying closer attention to.”
Pahayag pa niya na ang mga kababaihan na mas mataas ang rate ng vitamin D deficiency katulad ng mga Black women ay kailangan na i-test ang vitamin D levels habang buntis pa lang. Sa ganitong paraan ay mapupunuan ang pagkukulang sa bitaminang ito habang maaga pa.
Bitamina D: vitamin para sa buntis
Ayon pa sa pag-aaral, dahil karamihan talaga ng nagbubuntis ay kulang sa vitamin D, hindi raw sapat na mapunuan ito ng simpleng pagpapa-araw. Natural kasi na nakakakuha ang katawan ng vitamin D mula sa araw.
Ang mga pagkain katulad ng matatabang isda, itlog, at fortified milk ay mayroong taglay na bitamina D. Ngunit hindi rin sapat ang vitamin D mula dito para maging sapat para sa buntis.
Ang sagot daw sa vitamin D deficiency ay simple, ayon kay Melissa.
“The good news is there is a relatively easy solution. It can be difficult to get adequate vitamin D through diet, and not everyone can make up for this gap through sun exposure, so a good solution is to take a supplement.”
Sa pag-inom daw ng supplement na vitamin para sa buntis ay maaaring ma-correct ang problemang ito.
Vitamin para sa buntis: Folic acid, calcium, iodine at iron
Maliban sa healthy eating, ang isa pang laging ipinapaala ng doktor kapag nagdadalang-tao ay ang uminom ng vitamins para sa buntis. Dahil daw ito ay makakatulong sa paglaki ni baby at pagpapanatili ng magandang kalusugan ni Mommy.
- Folic acid: Mahalaga ito dahil tumutulong ito para makaiwas sa neural tube birth defects si baby. Ito ay maaring makaapekto sa kaniyang spinal cord at brain development.
- Calcium: Tinutulungan nito ang isang buntis na mapanatili ang kaniyang bone density. Lalo pa’t ginagamit ng kaniyang baby ang calcium sa kaniyang katawan para sa bone growth nito.
- Iodine: Mahalaga rin ang iodine para sa healthy thyroid function ng buntis.
- Iron: ang iron naman ay mahalaga para kay mommy at baby dahil ito ay tumutulong sa pagsusupply ng oxygen sa dugo.
Bagaman nakakabuti ang mga vitamin para sa buntis, laging tandaan na kailangan pa rin ng reseta nito mula sa iyong OB. Kumonsulta muna sa iyong duktor bago uminom ng kahit na anong gamot, mas lalo na kung ikaw ang nagdadalangtao.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Photos: Derick McKinney on Unsplash, Neal E. Johnson on Unsplash
Sources: Science Daily, National Library of Medicine, The Journal of Nutrition
Read more:
Check-up ng buntis: Mga pagbabago dahil sa COVID-19 pandemic
10 sintomas na dapat mong bantayan kapag ika’y buntis
Discharge ng buntis: Dapat nga bang ikabahala ito?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!