Matagal na tayong ginugulo ng katanungang ‘Namamana ba ang talino?’ Don’t worry dahil masasagot na ang iyong katanungan!
Kanino ba namamana ang talino ng bata?
Mommies! Mukhang masasagot na ng science ang matagal na debate kung kanino ba nakukuha ni baby ang katalinuhan nito! At dahil sa sa pag-aaral na ito, masasabi ko talaga na, “Mother knows best!”
Matagal nang suspetsa ng karamihan kung kanino ba talaga nakukuha ng isang bata ang talino nito. Pero okay lang na ipagmalaki na ngayon dahil papatunayan ito ng research at science.
Ayon sa pag-aaral sa Psychology Spot , ang katalinuhan ng isang ina ay napapasa talaga mula sa kanilang mga nanay. Ito ay dahil sa gene na tinatawag na chromosome X na syang dahilan ng talino na naipasa sa bata. Ang mga babae ay may dalawang X chromosomes kaya naipapamana niya ito sa kanyang magiging anak. Samantala, kapag namana naman ng bata ang gene sa tatay, ito ay wala pa ring magiging bisa dahil mas malakas ang gene ng nanay.
Senyales na matalino ang bata | Image from Freepik
Nabubuo ang AF genes na ito sa celebral cortex kung saan ang talino, isip, salita at planning ay nadedevelop.
Bilang isang babae, naniniwala ako na magkakaroon ng magandang epekto ang pag-aaral na ito sa mga tao at paniniwala nila sa talino ng kababaihan. Isa rin itong paraan para matigil ang paniniwala na mas matalino ang mga lalaki kesa sa babae.
Namamana ba ang talino ng bata kay mommy?
Isa akong nanay na may dalawang maipagmamalaking babaeng anak. Ang panganay ko ay 3 years old na at hindi ko maitatangging makakausap mo na agad siya sa mura pa lang niyang edad. Kapag umiiyak siya o nag t-tantrums, nakikita ko na pilit niyang sinasabi kung ano ang kanyang opinyon o kung ano ang kanyang nararamdaman. Ang mga characteristics na ito ay kapareho ng sa akin. Responsable ako sa pagiging emosyonal nila kapag hindi na kayang pigilan ang emosyon o kaya naman hindi mapigilang magsalita kapag hindi sumasangayon. Ang lahat ng ito ay dahil naman nila sa akin.
Kanino ba namamana ang talino ng bata? | Image from Freepik
Pero ano ang explanation sa mabilis na response o pag-adapt niya sa mga bagay na ilang beses pa lang niyang narinig katulad ng vocabulary words? O kaya naman sa 9 month old kong anak na sobrang busy sa pagbuo ng LEGO? Saan nanggaling ang talent na ito?
Marami ang nagsasabi na ang talent na katulad nito ay dahil sa kanilang tatay. Ito ay dahil sinasabi na ang mga lalaki ay kilala bilang ‘superior‘ at ‘experts’ sa problem-solving at iba pa.
Iba pang pag-aaral sa talino ng bata
Isa pang pag-aaral ang magpapatunay dito.
Ayon sa 1994 study ng the Medical Research Council Social and Public Health Sciences Unit sa Scotland, napag-alaman na ang mga nanay ang pinagmumulan ng IQ ng kanilang mga anak. Ang ratio ng talino ng mga kabataan ay nasa average 15 points na nagmula sa kanilang nanay.
Dahil sa mga pag-aaral na ito, hindi mo na maririnig na “Namana mo ang ganda ng mommy mo.” kundi simula ngayon, maririnig na natin ang “Namana mo ang ganda at talino ng mommy mo!”
Syempre, hindi rin natin makakalimutan ang mga daddy. Salamat sa kanila dahil ang paternal genes sa “emotional brain” o mas kilala bilang limbic system ay responsable sa survival. Ito rin ay may koneksyon sa function ng sex, food at aggression.
Malaki ang naitutulong ng dalawang ito sa pagbuo ng matalinong bata.
Kanino ba namamana ang talino ng bata? | Image from Freepik
Masasabi ko talagang “mom-knows-best”. Especially sa full time at exclusively breastfeeding mom na katulad ko. Naniniwala ako na may patunay ang pag-aaral na ito. Ang oras na ginugugol ko sa pagkanta, pagbabasa, paglalaro, pagpapaligo sa kanila ay alam kong nakakatulong sa pagiging matalino nila. So, daddy Jaze, and all the dads out there reading this blog, sorry but we are just keeping it real. Hihi.
Panoorin ang 2 years old kong anak na si Amaria na magbilang sa 7 different languages!
Still, ang nanay ang responsable sa intelligence characteristics na maipapamana sa anak. Mahalaga pa rin ang partnership ng cognitive and limbic systems influence sa inyong magiging anak. Genes pa rin natin ang dahilan kung bakit tayo may adorable na anak!
Pero, tandaan, ‘Science doesn’t lie.’ *wink*
Love,
Momma Nish
Translated with permission from Dyosa The Momma
About the author:
Hi, I’m Nish Ching! A wife, a mom of two beautiful girls, a home-based Social Media Manager and an events host. Half Filipina and half Egyptian. Bubbly, outdoorsy and loves to talk a lot. In this busy, millennial mom life, family travels, Netflix and coffee are what make me happy and keep me sane! Writing has always been my passion and now that I am a full time, hands on momma, sharing my thoughts & experiences on this space called blog makes me happy.
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!