Nana sa gilagid at ngipin: Sanhi, sintomas at lunas

Ano nga ba ang dahilan ng pananakit ng ngipin at paano ito maaring iwasan?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nana sa gilagid at sa ngipin ang kadalasang nabubuo kapag hindi tayo nag-practice ng good oral hygiene.

Ngunit paano nga ba nagkakaroon nito? Ano ang sintomas na dapat bantayan? At ano-ano ang maari mong gawin para malunasan ito.

Ano ang nana sa gilagid ng ngipin? 

Ang nana o abscess sa gilagid ng ngipin ay para bang bulsa ng mga nana na maaaring mag-develop sa iyong katawan, kasama na rito ang iyong bibig. 

Kadalasan nagkakaroon ang isang tao ng nana sa gilagid at ngipin ay dahil may sira ang ngipin nito. Tinatawag itong periodontal abscess, masakit kapag nagkaroon ka ng ganitong kundisyon at maaari itong humantong sa mga seryosong kumplikasyon kapag hindi nagamot agad. Kaya naman mahalaga na malaman din ang mga sintomas nito. 

Sanhi ng nana sa gilagid at ngipin

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang tooth abscess ay ang pagkakaroon ng nana sa ngipin dulot ng bacterial infection. Ito ang kadalasang dahilan ng pananakit ng ngipin na madalas na nauuwi sa pagkakabunot nito.

Ang tooth abscess ay nangyayari sa magkakaibang regions o parte ng ngipin. Ito ay maaring mabuo sa mismong ngipin na kung tawagin ay periapical abscess. At puwede rin sa gilagid na kung tawagin ay periodontal abscess.

Madalas ang periapical tooth abscess ay resulta ng hindi nagamot na dental cavity o kaya naman ay dala ng injury sa naunang dental operation o activity na pinagdaanan.

Samantalang ang periodontal abscess o nana sa gilagid ay dulot naman ng infection at bacteria dahil sa poor dental hygiene.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa poor dental hygiene, ang pagkain rin ng matatamis at pag-inom ng mga gamot na nagdudulot ng panunuyo ng bibig ay maari ring magdulot ng periodontal at periapical abscess sa ngipin.

Kapag hindi nalunasan ang nana sa gilagid at ngipin, bagamat mukhang maliit ngunit lubhang masakit ay maaring magdulot ng life-threating complications.

Mga sintomas at lunas

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para makaiwas sa mas malalang kondisyon ay kailangang maging aware sa mga sintomas ng pagkakaroon ng nana sa gilagid at ngipin. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Pabalik-balik at sobrang na pananakit ng ngipin na maaring umabot hanggang sa panga, leeg o tenga
  • Pagiging sensitive sa mainit at malamig na pagkain o inumin ng ngipin
  • Sensitivity ng ngipin sa pag-nguya o pagkagat
  • Lagnat
  • Kulani sa ilalim ng panga o leeg
  • Pagkakaroon ng mabaho na may hindi kaaya-ayang lasa na fluid o likido sa bibig
  • Hirap sa paghinga o paglunok

Kapag nakaramdam ng mga nasabing sintomas ay dapat komunsulta agad sa dentista para malunasan.

Sa ilang pagkakataon ay maaring malunasan ang tooth abscess sa pamamagitan ng pagde-drain dito at pag-gagamot sa infection. Para maligtas ang iyong ngipin ay maaring sumailalim sa root canal treatment. Pero minsan ang natitirang solusyon ay ang bunutin ang ngipin na apektado.

Paano makakaiwas sa pagkakaroon ng nana sa gilagid at ngipin? 

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para makaiwas sa pagkakaroon ng nana sa gilagid at ngipin ay dapat umiwas sa pagkakaroon ng tooth decay na magagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Pag-inom ng fluoridated drinking water
  • Pagsisipilyo ng ngipin ng hindi bababa sa dalawang beses araw-araw gamit ang fluoride toothpaste
  • Pag-gamit ng dental floss o interdental cleaner para malinis ang pagitan ng mga ngipin araw-araw
  • Pagpapalit ng toothbrush kada tatlo o apat na buwan o kaya naman kapag pudpod na ang mga bristles
  • Pagkain ng masusustansiyang pagkain at pag-iwas sa matatamis
  • Pagbisita sa dentista para sa regular check-ups at pagpapalinis ng ngipin
  • Paggamit ng fluoride mouth rinse para sa dagdag na proteksyon laban sa tooth decay

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement