Nasaktan ka na ng pisikal ng asawa mo? Ito ang dapat mong gawin kapag nangyari ito!

Kung may nananakit ka na asawa, huwag matakot at mahiyang humingi ng tulong sa mga inuukulan o sa pamilya o kaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nananakit ba ang asawa mo ng pisikal? Kung nararanasan mo ito mommy, alamin ang mga dapat mong gawin kapag nangyari sa ‘yo ito.

Ang pisikal na pananakit ay isa sa pinakadelikadong kinahaharap ng maraming kababaihan sa ating lipunan. Marami kasi ang mga babaeng nakakaranas nito subalit hindi naman nila ito nare-report agad.

Kung minsan takot din ang ilang mga babae na iwan ang kanilang asawa sapagkat iniisip nilang hindi nila kayang suportahan ang kanilang anak kapag wala ang kanilang asawa.

Kaya naman dapat alamin natin kung ano ang mga dapat mong malaman kapag nananakit na ang iyong asawa. Ano ang mga dapat mong gawin kapag nangyari ito sa ‘yo.

Domestic violence sa Kababaihan

Ang domestic violence ay tinatawag ding intimate partner violence. Ito ay nangyayari sa dalawang taong nasa isang relasyon. Katulad na lamang ng mag-asawa, o mag-partner. Maraming uri ng domestic violence. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Emosyunal na pang-aabuso
  • Sekswal na pang-aabuso
  • Pisikal na pang-aabuso
  • Pagbabanta sa pang-aabuso sa partner

Maaaring mangyari ang ganitong bagay sa lahat ng uri ng relasyon. Ang pagkakaroon ng abusive relationship ay may kasama laging imbalance of power. Kumbaga, may kontrol o dominant ang isa sa magkarelasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang isang nananakit o mapang-abusong partner ay intimidating, nagsasabi ng masasakit na salita, at kinokontrol niya ang kaniyang asawa o partner sa kaniyang nais.

Hindi madaling alamin kung nakakaranas ka na nga ng pang-aabuso. Sapagkat minsan hindi mo ito napapansin dahil akala mo’y normal lang ito. Dala na rin ng pagkontrol ng iyong partner sa ‘yo.

Narito ang ilang mga signs kapag nasa pang-abusong relasyon ka.

  • Iniinsulto ka.
  • Hindi ka pinapayagan na lumubas kasama ang kaibigan o pamilya mo.
  • Kinokontrol ang pananamit mo.
  • Sobra ang pagseselos sa mga kaibigan mo o kasama mo sa trabaho.
  • Inaakusahan kang may iba.
  • Nagagalit sa ‘yo tuwing nakakainom.
  • Binabantaan kang sasaktan ka o aabang babatuhin ka ng isang bagay o tutukan ka ng kutsilyo.
  • Pinipilit kang makipag-sex o talik kahit ayaw mo.

Kapag nararanasan mo ito hindi magtatagal ay masasaktan ka na niya ng pisikal. Maraming uri ng pisikal na pang-aabuso. Ang ilan diyan ay ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Paninipa
  • Pagsampal
  • Pagsuntol
  • Pagtulak
  • Pangangagat
  • Pananakal
  • Pagbato sa ‘yo ng mga bagay
  • Panunutok ng kutsilyo o bagay para masaktan ka
  • Pagre-restrain sa ‘yo

Sapagkat mas may kapangyarihan siya sa inyong relasyon sisihin ka niya kapag nasasaktan ka niya at sasabihin deserve mong masaktan. Ganito kadalasan ang ginagawa ng mapang-abusong asawa.

Epekto ng pisikal na pang-aabuso sa mental health

Ang mga babaeng nakakaranas o nakaranas ng domestic violence ay maaaring magkaroon ng mental health issues. Katulad na lamang ng PTSD.

PTSD (Post-traumatic Stress Disorder) 

Isa sa mga sintomas nito ang anxiety, overthinking, pagkakaroon ng nightmares o bangungot, flasback sa mga nararanasang pang-aabuso, pagkakaroon ng panic attacks, at pananakit sa kanilang sarili.

Bukod dito maaaring magkaroon ng malalang anxiety ang mga nakakaranas ng pang-aabuso. Gayundin ang ilaw pananaw nila sa kanilang sarili. Minsan ang mga biktima ng karahasan ay nawawalan na ng self confidence o tiwala sa kanilang sarili. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalagang ma-address ito sa mga biktima ng mga abusadong relasyon. 

Anong gagawin mo kapag nananakit na ang asawa mo?

Kung nananakit na ang asawa mo importanteng humingi ka ng tulong sa iba. Lalo na kung paulit-ulit mo itong nararansan. Maraming mga organisasyon pati na ang pamahalaan na nagbibigay serbisyo para sa mga babaeng inaabuso.

Naririyan ang Women’s Help Desk ng polisya at Volience Against Women and their Children na hotlines na maaari mong mahingan ng tulong bukod sa iyong pamilya o kaibigan.

Ayon sa Philippine National Police Las Piñas, kinakailangan na i-report ang nangyari sa kanilang tanggapan o tumawag sa kanilang hotline para ma-report ito. Magsasawa ng interview ang mga inuukulan sa biktima, nirerekumenda rin nila na magpa-medico legal ang biktima sa mga natamo niyang pisikal na pang-aabuso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinapayuhan din  nilang magdala ng mga dokumento katulad ng ID at medico legal bago pumunta sa pulisya. Saka magpa-file ng cases sa piskalya. Mas maganda rin umano na magsama ng witness sa pangyayaring pang-aabuso. Ganun din kapag nakakaranas ng verbal at psychological abuse.

Kapag nangyari naman ito dadalhin ang biktima sa mental hospital para magsawa ng isang psychological evaluation sa biktima. Mula roon maaari nang mag-sampa ng kaso ang biktima sa kaniyang asawa o partner.

Hotlines na maaari mong tawagan

Larawan mula sa iStock

POLICE/INVESTIGATION ASSISTANCE

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

PNP Hotline: 177
Aleng Pulis Hotline: 0919 777 7377
PNP Women and Children Protection Center
24/7 AVAWCD Office: (02) 8532-6690
Email address: wcpc_pnp@yahoo.com / wcpc_vawcd@yahoo.com / avawcd.wcpc@pnp.gov.ph

 

LEGAL ASSISTANCE

Public Attorney’s Office (PAO)
Hotline: (02) 8929-9436 local 106, 107, or 159 (local “0” for operator)
(+62) 9393233665
Email address: pao_executive@yahoo.com

 

REFERRAL SERVICES

Inter-Agency Council on Violence Against Women and their
Children
Mobile numbers: 09178671907 | 09178748961
Email address: iacvawc@pcw.gov.ph

 

Sinulat ni

Marhiel Garrote