X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sinasaktan ka? 7 signs na maaaring hindi pala ideal ang partner mo katulad ng inaakala mo

7 min read

Lahat tayo ang gustong magkaroon ng masayang pagsasama lalo sa ating marriage o buhay mag-asawa. Pero hindi maiiwasan na magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa o partner.

Mababasa sa artikulong ito:

  • TAP Moms nagbahagi ng kanilang kahulugan sa red flags sa relasyon
  • 7 na senyales ng red flags sa isang relasyon

Pero ano nga ba ang kahulugan ng red flags sa isang relasyon at paano mo masasabi na hindi pala ideal ang partner mo katulad ng inaakala mo? Alamin ito dito!

TAP Moms nagbahagi ng kanilang kahulugan sa red flags sa relasyon

Sa isang forum ng ating mga moms sa theAsianparent Philippines Community app, nagbahagi sila kung ano ba ang kahulugan o ano para sa kanila ang red flags sa isang relasyon.

Ayon sa isang mom, kawalan ng respesto para sa kaniya ang red flags sa kaniyang partner, pagbabahagi niya,

“Una, ‘yong walang respeto sa ‘yo. Kung paano ka niya kausapin o tratuhin, kung napagsasalitaan ka niya ng masama or namumura ka niya. You should run from him. Sakit sa ulo yarn.”

red flags relasyon kahulugan

Screen capture mula sa theAsianparent Community app

Para naman sa isang mommy, ang isa sa mga red flags niya sa kaniyang karelasyon ay ‘yong taong walang pangarap sa buhay, makasarili at mapanakit, emotional o physical man.

Isang nagbahagi ng kahulugan ng red flags sa isang relasyon ay kung wala ring respeto ang iyong asawa o partner sa iyo, pati na sa kaniyang mga magulang, bata at pati na rin sa mga hayop. Ito pa ang sabi ng mommy na ito,

red flags relasyon kahulugan

Screen capture mula sa theAsianparent Community app

Dagdag pa ng isang mommy,

“Una sa lahat ‘di mo masasabing ideal partner ang kasama mo ‘pag wala siyang pangarap sa buhay lalo na may anak na kayo.

Masasabi mo rin na hindi ideal pag hindi ka tinutulungan sa gawaing bahay at pag-aalaga. Lagi kang inaaway o sinasaktan.

Hindi naghahanap ng trabaho para sa maraming gastusin lalo na sa gastusin ng anak. Walang pakialam sa nagyayari, laging lumalabas para magbarkada pag uwi lasing.

Most specially pag unfaithful and di siya loyal sayo. Para di umabot na maging broken family, at walang lakihang tatay ang baby.

Kaya dapat siguraduhin natin na siya ay ideal partner para walang pasisi sa huli. I pray that all of you to have an ideal partner in life.

I’m just so thankful dahil I have my ideal partner. Most especially he is God-fearing and Loyal. Ramdam ko kung gaano kami kamahal ng baby namin.”

Pero ano nga ba ang mga red flags, ano ang kahulugan nito?

Ano ang red flags sa relasyon?

red flags relasyon kahulugan

Larawan mula sa Shutterstock

Ayon sa VeryWellMind, ang “red flag” ay isang simbolo nang pagtigil o stop. Halimbawa na lamang sa sports, kinukunsidera ito na foul. Isa pang halimbawa rito ay ang red light sa traffic lights, na nagsi-signal rin sa atin nang stop o paghinto.

Ayon kay Dr. Wendy Walsh, isang clinical psychologist na espesyalita sa mga relationship, ang red flags ay mga senyales na hindi kayang magkaroon ng isang healthy na relasyon ang dalawang tao.

Pagpapaliwanag niya,

“In relationships, red flags are signs that the person probably can’t have a healthy relationship and proceeding down the road together would be emotionally dangerous.”

Paalala rin na hindi lahat ng red flags sa isang relasyon ay obvious o halata. Minsan hindi tayo aware dito, lalo na kung hindi natin alam ang kahulugan ng red flags at mga signs nito. Kaya naman narito ang 10 senyales ng red flags sa isang pagsasama o relasyon.

BASAHIN:

6 mistakes na ‘di mo alam na nagagawa mo kaya nagiging boring ang pagtatalik niyong mag-asawa

10 senyales na hindi healthy ang relationship niyong mag-asawa

STUDY: Ito ang top 10 na pinag-aawayan ng mga mag-asawa

7 na senyales ng red flags sa isang relasyon

Kung ang iyong partner ay ginagawa ang mga red flags na ito sa inyong relasyon isa lamang ang kahulugan nito, kailangan niyo ng pag-uusap. Para na rin sa inyong relasyon upang maging healthy ito.

Inilista namin para sa inyo ang ilan sa mga senyales ng red flags sa isang relasyon, ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagiging lasinggero o mayroong drug addiction

Ayon kay Amber Trueblood, LMFT, ang pag-inom ng alak nang madalas ay isang red flag para sa isang relasyon. Lalo na kung nagkakaroon ito ng impact sa iyong partner at sa inyong pagsasamang dalawa.

2. Kapag sinasaktan ka ng iyong asawa o partner

Ang isang taong nagpapakita ng violence sa iyo, sa kanilang pamilya, kaibigan, at kahit na sa mga hayop ay isa na ring red flag na maituturing.

Indikasyon kasi ito na hindi sila marunong ipakita ang kanilang emosyon ng maayos. Sa ilang pagkakataon ang pag-lack sa empathy rin ay senyales din ng red flags.

Halimbawa na rito ang pananakit sa ‘yo ng isang karelasyon, pisikal, verbal, o emotional man ay isa talagang red flag na maituturing.

red flags relasyon kahulugan
Partner Stories
Take this quiz to find out if your child’s BRAIN development is on the right track. Most mums will be surprised to see the result!
Take this quiz to find out if your child’s BRAIN development is on the right track. Most mums will be surprised to see the result!
The power of storytelling in raising smart, compassionate kids
The power of storytelling in raising smart, compassionate kids
#StayHealthy in the New Normal: How to Keep Your Family Safe at Home
#StayHealthy in the New Normal: How to Keep Your Family Safe at Home
Work and Parenthood as Told by Lazada’s Ray Alimurung
Work and Parenthood as Told by Lazada’s Ray Alimurung

Larawan mula sa Shutterstock

3. Hindi tugma ang inyong relationship goals.

Ayon kay Dr. Walsh, kung kayong dalawang makarelasyon ay hindi iisa ang relationship goals isa na itong maituturing na senyales ng red flag sa relasyon.

Kapag ganito ang sitwasyon ninyo kailangan niyo nang pag-uusap na dalawa. Kasi kung hindi kayo parehas ng end goal sa huli ay baka magkaroon ng mga pagtatalo sa hinaharap na hindi maganda sa isang pagsasama.

4. Walang respeto sa iyo at sa inyong relasyon

Siyempre kapag tayo ay may karelasyon inaasahan natin na may respeto sila sa atin, pero kung sa simula pa lang ay nagpapakita na siya na walang respeto sa iyo at inyong relasyon isa na itong maituturing na red flag na dapat mong i-address sa iyong partner.

Sapagkat ang hindi pagrespeto sa iyo ay walang magandang idudulot sa inyong relasyon at maaari pa itong mauwi sa verbal abuse at emotional abuse sa hinaharap.

5. Walang tiwala at matindi ang pagseselos

Kung wala ang tiwala sa isang relasyon ay hindi magiging matagumpay ang pagsasama. Maglilikha lamang ito nang hindi pagkakaunawaan at kung minsan ay sakitan pa.

Kaya naman kung ikaw ay may pagdududa o ang iyong partner kinakailangan niyo mag-usap na dalawa upang hindi kayo magkaroon ng problema sa inyong relasyon.

red flags relasyon kahulugan

Larawan mula sa Shutterstock

6. May history na ng cheating

Kung ang iyong karelasyon ang may history na ng pangangaliwa o cheating ay isa na ‘yang red flag. Maaaring gawin niya ulit ang panloloko sa ‘yo sa inyong pagsasama.

Kung nagsisimula pa lamang kayo tanungin ang iyong sarili na nais mo pa bang magpatuloy ang iyong relasyon? Ang ibang tao ay hindi naman bothered patungkol rito, pero kung bothered ka sa ganitong sitwasyon i-recognize ang factor na ito.

Maaari kasing makaapekto ito sa pagtitiwala mo sa iyong partner na hindi maganda sa isang pagsasama.

7. Kung siya ay may controlling nature

Ang isang partner na controlling ay kadalasang may mga deep personal issues. Pag-isipang mabuti kung ipagpapatuloy mo pa ang inyong relasyon kung nagpapakita siya ng ganitong nature.

Isa na sa mga halimbawa nito, ay kung kinokontrol niya ang mga bagay na ginagawa o sinusuot mo. Pati kung sino lamang ang dapat mong kausapin.

Kapag napansin ang mga red flag na ito ay agad na kausapin ang iyong partner, pag-usapan kung ano ang kailangan niyong gawin para maging healthy ang inyong pagsasama.

 

Source:

theAsianparent Philippines Community App, VeryWellMind

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Sinasaktan ka? 7 signs na maaaring hindi pala ideal ang partner mo katulad ng inaakala mo
Share:
  • 20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

    20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

  • REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

    REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

  • STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

    STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

  • 20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

    20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon

  • REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

    REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

  • STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

    STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.