Nagsasawa na sa sex? Narito ang ilang tips na maaaring gawin para muling manumbalik ang init ng relasyon at pagtatalik ninyong mag-asawa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga pagkakamaling ginagawa ng mag-asawa na nagiging dahilan para maging boring ang sex life nila.
- Tips para mapanatiling hot at exciting ang sex life ninyong mag-asawa.
Nagsasawa na sa sex? Ito ang mga pagkakamaling ginagawa ninyo ni mister kung bakit ito nangyayari
Woman photo created by jcomp – www.freepik.com
Ayon sa sex therapist at clinical psychologist na si Dr. Marianne Brandon, ang pagpapanatili ng init at excitement sa pagtatalik ay isang challenge para sa lahat ng magkakarelasyon. Lalo na sa mga matagal ng magkasama o nakakaramdam na parang nagsasawa na sa sex ang isa sa kanila.
Pero ang pakiramdam na ito ayon kay Dr. Brandon ay hindi lang basta nangyayari. Dahil ito ay epekto o dulot mismo ng ugali o behavior ng magkarelasyon na pangunahing dahilan kung bakit nagiging boring o parang nakakasawa na ang pakikipagtalik sa kanila.
1. Masyado na kayong sanay o kampante sa isa’t isa.
Ayon kay Dr. Brandon, napakahalaga ng vulnerability sa isang relasyon. Halimbawa nito ay ang ipinapakita nating vulnerability sa ating partner sa simula pa lang ng relasyon.
Ito ay ang mga konting tampuhan, mga bago nating natutuklasan sa ating partner na nagreresulta sa mas mainit na pagtatalik. Pero sa oras na masanay o masyado ng maging komportable ang relasyon ay nadi-dictate ninyo na ang ugali ng isa’t isa.
Kaya naman umiiwas kayo sa vulnerability na nakakatulong para mas maging exciting ang pagsasama ninyong dalawa.
Ang dapat ninyong gawin, sumubok ng iba pang paraan para mas maging mainit ang inyong sex life. Gawin ang iba pang sex positions o ng iba paraan para sa mas nakakapanabik na foreplay.
Mag-eksperimento o umalis sa iyong comfort zone. Pero mahalaga na bago gawin ang mga ito ay kausapin o makipag-communicate sa iyong partner tungkol rito. At siguraduhing ang inyong gagawin ay pareho ninyong gusto.
2. Dume-depende na kayo masyado sa sex technology.
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Ang sex technology ay tumutukoy sa mga sex toys at panonood ng porn videos ninyong mag-asawa. Bagama’t ito ay nakakatulong na gawing exciting ang inyong pagtatalik, ang sobrang paggamit ng mga ito ay maaari ring makasama. Dahil mas nagiging dependent kayo sa paggamit nito at nababawasan ang koneksyon at vulnerability ninyo sa isa’t-isa.
Kaya naman kung gumagamit ng mga sex toys ay mabuting itigil na muna ito. Mag-spend ng time sa iyong partner, mas maging clingy at subukang ma-reach ang orgasm gamit ang ibang strategy.
Imbis na manood ng porn ay gumawa ng sarili ninyong story na kung saan kayo ang mismong aarte o mag-rorole play.
3. Nag-overthink ka tungkol sa sex at iba pang mga bagay.
Kapag masyado ang maraming iniisip, ay nawawala ka sa focus o concentration mo na makipag-sex. Lalo na kung ito ay tungkol sa pagkakaroon na hindi satisfying na pakikipagtalik.
Kaya payo ni Dr. Brandon, ay huwag masyadong mag-isip at pakinggan na lang ang iyong katawan. Huwag mag-overthink sa kung naliligayahan ba sayo ang partner mo o kung satisfying ang sex performance mo.
I-enjoy ang moment o sexy time ninyong mag-asawa. Maging totoo sa iyong sarili at maging open sa kaniya. Makakatulong ang pagyo-yoga at pagme-meditate para payapain ang iyong isipan. Ganoon din upang makapag-relax ang iyong katawan.
BASAHIN:
Mom confession: Hindi na ako komportable makipag-sex sa asawa ko.
Magkaiba ba ang hilig ninyo ni mister pagdating sa sex? Hindi ito dapat maging problema!
Bakit nangangaliwa ang isang tao – Hindi laging sex ang dahilan!
5. Umiiwas ka sa sex na alam mong hindi ka magaling o hindi nakakapag-perform ng maayos.
Woman photo created by jcomp – www.freepik.com
Bagama’t ito ay ginagawa mo para hindi ma-turnoff ang iyong asawa sa pagtatalik, nakakasama ito para sa inyo sa katagalan. Kung ito ay iyong nararamdaman ay mabuting maging honest sa iyong partner.
Para sabay kayong gumawa ng paraan para maayos mo ito o para ma-improve mo ang aspeto na ito sa pagtatalik ninyo. Makakatulong din na para mas gawing exciting ang inyong sexy time kung magsusuot ka ng mga sexy na kasuotan. O kaya naman ay magpatutog ka ng sexy music at magkaroon ng eye contact sa mister mo.
6. Nalilimutan mo ng magsabi ng “mahal kita” sa iyong asawa.
Sa pagdaan ng panahon, kapag very comfortable na sa iyong asawa ay makakalimutan mo ng sabihin sa kaniya na mahal mo siya. Pagdating sa pagtatalik ay napakahalaga nito.
Dahil ayon sa isang pag-aaral, ang pagsasabi ng “I love you” habang nagtatalik ay daan para magkaroon ng happy sex life at high relationship satisfaction ang magka-relasyon.
Kaya naman, laging sabihin sa iyong asawa kung gaano mo siya kamahal. Huwag isipin na gets niya na ito dahil matagal kayo. Huwag mag-sawang sabihin sa kaniya ang mga salitang “I love you”.
Source:
Psychology Today, Insider
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!