Maayos naman ang unang mga buwan ng pag-sasama namin ng partner ko bilang mag-asawa. Nagkakaroon man kami ng mga problema ay nagagawan naman namin ito ng solusyon kaagad. Bukas kami sa isa’t isa at napag-uusapan namin ang maraming bagay kasama na dito ang pagtatalik.
Bilang baguhang ina, takot ako na masundan bigla ang anak ko. 19 months na siya ngayon at pakiramdam ko, sa pagdaan ng mga araw ay mas nagiging challenging dahil lumalaki na siya.
Dito ay kinausap ko ng masinsinan ang asawa ko na hinay-hinay lamang kami at mag-ingat. Pareho naman naming gusto na makapag-ipon muna, mapalaki at makapag-focus kay Gien, ang anak namin.
Marami kaming plano na gusto munang gawin, lalo na ang pagkakaroon ng sarili naming bahay at makabukod na. Naging maayos naman ang usapan namin patungkol rito hanggang sa ‘di ko namamalayan ay hindi na ako komportable sa sex
“Hindi na ako komportable makipag-sex sa asawa ko.”
Pansin din niya ito at alam ko na iniiwasan niya akong tanungin kung bakit at ano nga ba ang dahilan ko, kung bakit naging ganoon bigla ang pakikitungo ko sa kaniya, sa pakikipagtalik.
Nakikita ko sa kanya ang disappointment at lungkot dahil nga pakiramdam niya ay hindi na ako masaya. Kitang kita kasi sa akin ang hindi ko pagiging komportable at hindi ko nga ipagkakaila iyon.
Hindi na komportable sa sex. | Larawan mula sa iStock
Ang hindi ko pagiging komportable sa kanya ay nagdulot ng malaking pagbabago sa relasyon at pakikikitungo namin sa isa’t isa. Nagiging dahilan na rin ito ng madalas naming pag-aaway, hindi pagkakaintindihan at parang nagiging dahilan ng mabilis naming pagkairita sa mga bagay-bagay.
Nagiging madalang na lang kami kung mag-usap ng masinsinan o magkwento man lang ng mga ganap sa isang araw. Madalas ay wala naring kibuan bago matulog.
O kaya naman ay kapag gumugising ng umaga. Madalas tutok nalang kami sa kanya kanya naming mga gawain. Hudyat nga iyon ng pagkaroon ng gap sa pagitan naming mag-asawa.
Nakakalungkot isipin na dahil rito, naibubuntong ko sa aking anak ang nararamdaman ko na hindi ko naman maintindihan. Minsan ay nasisigawan ko na siya at para bang nagiging masamang ina na rin ako sa paningin niya.
Napapadalas ang pagkainis ko
Pero madalas na pagbuntungan ko ng galit o inis ay ang mga simpleng bagay na nagagawa ng asawa ko. Gaya na lamang ng kapag kukuha siya ng damit sa kabinet ay magugulo na naman lahat ng natupi kong damit.
O ‘di kaya’y ang hindi niya maayos na paglagay sa basket ng marumi niyang damit. Idagdag mo pa rito na lagi siyang tutok sa cellphone niya, at tyaka lang niya bibitawan kapag ka pagod na siya at matutulog na ako.
Hindi komportable sa sex. | Larawan mula sa iStock
Dito naramdaman ko ang pagbawas ng interes niya na kausapin o kamustahin man lang ang araw ko. Umabot din sa puntong pakiramdam ko ay hindi na niya iniisip yung nararamdaman ko.
Pakiramdam ko ay pakikipagtalik nalang ang makakapagpapasaya sa kanya na maaari kung ibigay bago matapos ang araw. Pakiramdam ko ay mag-isa nalang ako sa pag-aalaga sa anak ko dahil nababawasa na rin ang oras naming bilang isang pamilya.
Minsan, sa kanila na lang din siya umuuwi at pakiramdam ko, hindi na ako mahalaga sa kanya. Dahil rito, mas naging matigas ako na hindi siya pagbigyan at tulugan nalang siya.
Madalas, pinapagod ko ang sarili ko maghapon nang sa ganun ay maaga akong makatulog sa gabi. Tinatamad na rin akong gumising ng maaga at ipaghanda siya ng almusal.
Sinasabihan ko na lang siya ng gabi ng lulutuin niya at kung nasaan yung titimplahan niyang kape. Madalang ko na rin ayusin at ihanda ang mga gagamitin niya bago pumasok sa trabaho. At parang naiirita ako kapag magtatangka siyang lambingin ako dahilan upang mabigo siya lalo.
BASAHIN:
Mom confession: “Multiple O’s after two babies”
Magkaiba ba ang hilig ninyo ni mister pagdating sa sex? Hindi ito dapat maging problema!
5 Ways to Spice Up Sexy Time—the Responsible Way
Naging magkasundo na lamang kami dahil sa aming anak
Sa pakikitungo naming sa isa’t isa ay hindi ko maipagkakaila na para kaming estranghero at nagkakasundo nalang sa resposibilidad bilang magulang sa anak naming.
Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit kami nagkaganito. Lagi kong hinahanap kung anong punot dulo kung bakit sa ganito kami humantong. Dito naisip ko, napabayaan ko na nga ang asawa ko.
Pareho naming napabayaan ang relasyon namin at hindi na nga kami nagtangkang ayusin kaagad ito. Dahilan kung bakit nag-sanga ito sa maraming hindi pagkakaintindihan at pag-aaway.
Napabayaan naming alagaan ang isa’tisa at bigyang pansin ang pangangailangan namin bilang mag-asawa. Kaya naman imbes na pilitin kong ibalik sa kung ano kami sa umpisa at bigyan ng solusyon at aksyon ito mag-isa.
Nagkaroon ako ng mga paraan upang sa ganoon ay maayos naming ang gap sa pagitan naming at masalba ang mahal na mahal naming pamilya.
4 na paraan na aking ginawa para maayos ang gap sa pagitan naming dalawang mag-asawa
1. Pagkakaroon ng komunikasyon
Mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa mag-asawa kaya naglakas loob akong kausapin siya. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko at mga namuong pagdududa ko sa kaniya na naging dahilan kung bakit ko siya nababalewala.
Hinayaan ko rin siya na sabihin ng malaya ang kanyang saloobin. Nakinig kami sa isa’t isa at nagkaroon ng mga ideya kung paano namin aayusin paisa-isa.
Dito ay naramdaman ko na wala na akong ibang sasandalan at magiging kakampi sa lahat kung hindi siya lang. Kaya naman malaking tulong ang pag-uusap namin ulit at nabigyan ng kalayaan ang isa’t isa upang ipahayag ang kaniyang mga naging hinanakit.
2. Bigyan ng oras ang isa’t isa
Larawan mula sa iStock
Mahalaga na hindi mawala ang oras naming sa isa’t isa bilang mag-asawa. Napag-usapan namin na kahit hindi sa paraan ng pagtatalik ay maraming mga bagay na maaari naming gawin upang mabigyan ng oras at makapgbonding kaming mag-asawa.
Kapag tapos na kami sa aming mgatrabaho ay nagkakaroon na kami ng oras na makanood ng mga maiikling videos na nakakatawa. O ‘di kaya’y nagkakape kami at nagkukuwentuhan.
Bumabalik kami sa goal naming na gusto pa naming gawin, kaya nagkaroon na kami ng maayos na usapan patungkol sa pakikipag-sex.
3. Magkaroon ng pahinga
Mahalaga ang magpahinga at tumigil rin saglit sa kung ano ang ginagawa. Dito naisip naming na masyado naming pinuno ng trabaho ang isip naming at masyadong nagpapagod dahilan upang mas lalo kaming mastress at ma-overload.
Hindi kami robot kaya naman ay nagkakaroon na kami ng break time at tamang pahinga sa pamamagitan ng pag-idlip saglit sa tanghali o ‘di kaya’y tamang bonding lang ng buong pamilya.
Ihiwalay ang personal na bagay sa trabaho. Madalas ay napagsasama dahilan ng pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan minsan.
4. Binalikan namin ang dahilan kung bakit ba namin minahal ang isa’t isa
Larawan mula sa iStock
Bumalik kami sa kung bakit mahal naming ang isa’t isa. Kabilang na dito na sa bawat aksyon ay maaring makaapekto sa paglaki ng anak namin.
Maaari itong magdulot ng hindi magandang karanasan sa kanya at bilang magulang ay ayaw naming mangyari sa kanya o kamulatan niya sa paglaki niya.
Masaya ako na nalagpasan namin ang bagay na ito na talaga naming nag-iwan ng malaking leksyon sa amin. Naging dahilan din ito sa mas malalim naming samahan bilang mag-asawa. Marami pa kaming pagdadaanan ngunit isa lang ang ngayon ay sigurado kami – ito ay ang meron kami ang isa’t isa upang harapin ang kahit na ano sa buhay.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!