Nag-viral kamakailan ang post ng isang ina kung saan ibinahagi nya ang kanyang karanasan nang siya ay nanganak sa kotse!
Dagdag pa niya na ang matinding traffic raw sa EDSA ang naging dahilan kung bakit hindi na sila umabot sa ospital.
Isang ina, nanganak sa kotse!
Ayon kay Cheoui de Leon, nasa baby shower sila ng kaniyang fiancé na si Luis nang makaramdam siya ng contractions. Mahina daw sa simula, ngunit di rin nagtagal at sumasakit na ito.
Dali dali niyang pinadalhan ng text ang kaniyang OB, at tinapos na nila ang baby shower dahil alam niya na malapit na siyang manganak.
Magkasama na sila sa sasakyan ng kaniyang fiancé, at papunta na sila sa ospital. Yun nga lang, inabot sila ng napakatinding traffic sa EDSA!
Dagdag pa niya na naramdaman na niyang lumalabas ang baby. “Luis, lalabas na siya!! Di ko na kaya talaga,” ang sabi niya sa kanyang partner.
Nagmamadali namang magmaneho si Luis, at pilit sinasabi kay Cheoui na huwag muna umiri. Ngunit kahit gaano kabilis pa magmaneho si Luis, nahirapan pa rin sila dahil sa mga bus at sasakyan na patigil-tigil sa EDSA.
Sa wakas, umabot rin sila sa E.R. ramp ng ospital. Ngunit pagdating nila roon ay nailabas na ni Cheoui ang kaniyang anak na sinalo ni Luis!
Sa kabutihang palad, maayos namang naipanganak ang bata, at wala namang naging problema.
Nabigla sila at nasiyahan sa mga pangyayari
Dagdag pa ni Cheoui na hindi niya inasahan na bigla na lang siya manganganak. Mas lalo ring hindi niya inasahan na sa sasakyan pa siya manganganak!
Buti na lang, kasama niya ang kaniyang fiancé na sinusuportahan siya habang siya ay nanganganak.
Nakakatuwa rin na nag-post pa si Cheoui at nagpasalamat sa gumawa ng kaniyang makeup! Ito ay dahil mula raw sa baby shower, hanggang matapos niyang manganak, eh hindi natanggal ang makeup niya.
Basahin ang kaniyang post sa Facebook:
Source: Facebook
Basahin: Liz Uy nagsalita na tungkol sa pagiging nanay niya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!