32-anyos na misis, nahuli ng mister kasama ang 58-anyos na kalaguyo sa hotel

Nahuli ng mismong mister ng nangangaliwang asawa ang kaniyang misis na mayroong kinakasamang lalaki sa isang hotel, na parehas rin daw kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung mahuli mo ang iyong asawa na mayroong kasamang iba sa loob ng isang hotel, ano ang gagawin mo? Siguro ay hindi ka makakapaniwala sa iyong nakita, o kaya ay magagalit ka sa iyong nangangaliwang asawa.

Ating alamin kung ano ang naging reaksyon ng isang mister nang mahuli niya na mayroong kasamang ibang lalake ang kaniyang asawa. 

Nangangaliwang asawa, nahuli ng mister kasama ang kalaguyo

Ayon sa ulat, arestado ang isang ginang pati na ang kaniyang kalaguyo sa isinagawang operasyon ng mga pulis. Napag-alaman ang mga suspek na sina Librado Dulay, 58, at Ma. Cecilia Tubiera, 32.

Nalaman ng mister ni Cecilia ang nangyayaring panloloko nang malaman niyang may tinatagpo ang kaniyang misis sa isang hotel. Dahil dito, humingi siya ng tulong sa mga pulis, at nahuli pa nila sa akto ang dalawa sa loob ng hotel.

Nagtago pa raw sa CR ang lalake, at nakita nilang nakahubad ang misis sa loob ng kwarto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napag-alaman din na kapitan pala ng barangay si Dulay, at mayroon din itong asawa. Kakasuhan silang dalawa ng kasong adultery dahil sa nangyari.

Ano ang mga dahilan ng pangangaliwa ng isang asawa?

Ang pangangaliwa na siguro ang pinakamatinding kasalanan na puwedeng gawin ng isang may-asawa. Malaki itong paninira ng pagtitiwala, at kawalan rin ito ng respeto sa iyong asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya’t para sa karamihan, nakakatakot isipin na posibleng nangangaliwa, o niloloko ka na pala ng iyong asawa. Kaya importante na habang maaga pa lang, ay alamin ang mga posibleng sanhi ng pangangaliwa. Heto ang mga dapat mong alamin:

Para sa mga kababaihan:

  • Hindi sila nasisiyahan sa pakikipagtalik sa asawa
  • Nakakakilala sila ng mas kanais-nais na katuwang sa kanilang trabaho
  • Hindi nila nararamdaman na sila ay pinahahalagahan ng kanilang asawa
  • Nagkakaroon muli sila ng koneksyon sa kanilang mga ex at nakakakilala sila ng iba pang mga lalaki sa internet
  • Nahuhulog ang loob nila sa ibang lalaki

Para sa mga kalalakihan:

  • Immaturity o kakulangan ng karanasan
  • Pagkakaroon ng bisyo
  • Insecurity o kawalan ng kumpyansa sa sarili
  • Pagkabagot o bored sa karelasyon
  • Pagbabago pisikal na itsura ng asawa
  • Pagbabago sa pakikitungo ng asawa
  • Hindi pagkakasunduan o pagkakaintindihan ng partner na babae
  • Pagtanggi ng partner sa pakikipagtalik

 

 

Source: Inquirer

Basahin: Aiko Melendez mariing itinanggi, “Hindi po ako kabit.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara