Makikita ang pagiging romantiko ng mga Pilipino sa isang survey na isinagawa ng Netflix. Ayon dito, ang mga 72% ng mga Pinoy ay naniniwala sa soulmate pagdating sa paghahanap ng mapapang-asawa.
Kahit pa nga ang mga hindi pa nagkakaroon ng kasintahan mula pa nung kapanganakan, o mga No Boyfriend Since Birth (NBSB) at No Girlfriend Since Birth (NGSB), ay kasama sa bilang ng umaasang mayrong natatangi para sa kanila.
Survey ng Netflix
Ang nasabing survey ay isinagawa online sa 800 Pinoy na video streamers na 18-34 years old. Ang mga ito ay mula sa Metro Manila, North at Central Luzon, Visayas at Mindanao.
Nais malaman ng survey kung ano ang tingin ng mga Filipino sa pag-ibig. Ito ang napag-alaman sa survey:
- 85% ng mga lumahok ay nagsasabing “love rules!”
- Nasa 89% naman ang nagsabi na buhay na buhay ang pag-iibigan sa Pilipinas
- Halos 68% ng mga nasa relasyon ang nagsabi na nahanap na nila ang kanilang soulmate.
- Ngunit, isa sa limang mga Filipino na may karelasyon ang umamin na hindi nila nakikita ang kanilang mga kasintahan bilang kanilang “the one”
- 65% ang nagsabi na sila narin ay nasaktan ng mga tao na hindi nila opisyal na naka-relasyon
- Kapag nasasaktan sa mga relasyon, 52% ang kumukuha ng kaginhawaan sa mga pamilya at kaibigan
- Nasa 29% naman ang dinadaan ang sakit na nararamdaman sa panunuod ng mga romantikong pelikula
- Nasa 63% ang mas gustong manood ng mga nakakatawang pelikula upang malimutan ang nararamdamang sakit
- Ang mga kalalakihan ay mas pinipiling ang mga aksyon o sci-fi habang ang mga kababaihan ay romance at drama ang gusto
Mga Pilipino at romance movies
Kahit ano pa man ang pinagdadaanan sa pag-ibig, ang mga Pinoy ay likas na mahilig sa panonood ng romance at kahit anong nakakakilig. 80% ang nagsabi na sila ay napapasaya ng mga romantikong palabas kapag nalulungkot. 71% naman ang umamin na kinikilig habang nanunuod ng mga romantikong pelikula.
53% ang mahilig manuod ng romance at 55% ang sa rom-coms ang nanunuod kasama ang kanilang mga kasintahan. Nakita rin na 2 sa 3 mga Pinoy na nasa-relasyon ang kinukumpara ang kanilang pagsasama sa mga karakter na pinapanood.
Para sa mga rom-coms na handog ng Netflix, ang limang pinaka-gusto ng mga Pinoy ay To All the Boys I’ve Loved Before, The Kissing Booth, The Perfect Date, Isn’t It Romantic, at Set It Up.
Ikaw, sa tingin mo ba soulmate mo na ang napangasawa mo? Narito ang 9 signs na siya na nga ang iyong “the one.”
Source: Philstar
Photo by Crew on Unsplash
Basahin: Ano ang magpapatagal sa pagsasama ng mag-asawa? Ang 8 bagay na ito!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!