X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

8 masamang epekto sa bata sa tuwing sila ay napapahiya

4 min read

Kung napahiya ang anak, dapat lang daw na kinakausap siya upang matulungan na maka-recover sa labis na pagkaramdam ng shame, base sa payo ng experts.

Napahiya ang anak? 3 ways na dapat gawin para hindi siya ma-down

bata na may hawak na candy - napahiya ang anak

Napahiya ang anak? May masamang epekto raw ito sa bata ayon sa mga eksperto | Larawan mula sa Pexels

Naalala mo ba noong nadapa ka at maraming nakakitang tao? O kaya naman ay may natabig kang bagay kaya nagresulta sa pagkasira nito at marami ring nakasaksi? Sa pagbabalik-tanaw mo, sinisi mo rin ba ang batang sarili mo noon? Ang pakiramdam na ito ang tinatawag na shame.

Ang shame o pagkaramdam ng pagkakapahiya ay isang painful na emotion na dulot ng maling kagagawan, hindi sinasadyang bagay o pagkakaroon ng judgement ng ibang tao. Maaaring maranasan ito ng almost lahat ng tao, bata ka man o matanda.

Ayon sa experts, ang labis daw na shame sa mga bata naman ay maaaring mag-iwan ng pangmatagalang marka kung saan mararamdaman nilang sila ang maling tao at laging iisipin ang pagkakamaling ito. Marami raw negative na epekto ito sa bata habang tumagatal.

bata na tinakpan mukha - napahiya ang anak

Posibleng magkaroon ng phobia ang bata dahil sa pagpapakapahiya | Larawan mula sa Pexels

Nakita raw na maaaring maranasan nila ang mga sumusunod:

  • Paghiwalay sa sarili sa mga kalaro, kaibigan, at pamilya o ang tinatawag na isolation.
  • Pagtago sa tuwing mayroong mga tao sa paligid na maaaring makapagpaalala ng kanyang ginawa.
  • Pag-iisip palagi na sila ang mali sa bawat gagawing hakbang.
  • Pagkakaroon ng posttraumatic stress disorder (PTSD) o ng bipolar depression.
  • Pagkaranas ng generalized anxiety disorder.
  • Pagkakaroon ng iba’t ibang phobia tulad ng social phobia.
  • Pagkakaroon ng mental health problem na gaya ng obsessive-compulsive disorder (OCD).
  • Pag-iisip na gumawa ng self-harm.

3 ways na dapat gawin para hindi ma-down ang bata mula sa pagkakapahiya

bata na nakayakap sa nanay - napahiya ang anak

Tulungan ang anak na ma-overcome ang feeling of “shame”

Dapat lang na sa ganitong pagkakataon ay to the rescue ang parents. Alalahanin na bata lang ang mga iyan at hindi pa nila nauunawaana ng maraming bagay kaya nga nariyan ang magulang upang i-explain sa kanila at pakalmahin ang pangyayari.

Kung wala ka namang idea sa kung ano ang dapat mong gawin, maaaring subukan ang mga sumusunod:

Tell them that ‘shame’ is normal.

Una sa lahat, magandang kausapin sila kaagad, ipaaalala na normal lamang ang pakiramdam ng pagkakapahiya. Madalas na hindi nila ibubukas ito kahit pa ikaw ang magulang nila. Natatakot kasi ang bata na ma-judge sila dahil sa ginawang ito.

Kaya nga magandang adult ang unang nag-oopen nito upang malaman nilang mayroon silang karamay. Maaari mo ring i-share ang isang pagkakataon kung saan naramdaman mo ang labis na pagkapahiya. Ipaliwanag sa kanya kung ano ang naramdaman mo upang magkakita siya ng katulad niyang kalagayan. Ikwento rin sa kanya kung paano mo ito nagawang i-overcome upang subukan niya ring gawin.

Ang pag-uusap na ito ay maaaring makapag-encourage ng empathy, vulnerability, at self-compassion. Sa ganitong paraan nahahayaan ang bata na komportableng magbukas sa partikular na bagay. Magiging beneficial din ito para sa future problem na maaaring ma-encounter ng bata dahil kaya na niyang magbukas nang komportable sa kanyang mga magulang.

Make them resilient against shame.

Dahil sa pagkakapahiya, malaking part ng pagkatao ng bata ang maaaring malimitahan. Ang nagiging resulta kasi ito kung minsan sda pagbabago ng kanilang preference o gusto sa buhay. Mararamdaman pa nilang sila ay worthless, hindi angkop ang ginagawa, pagiging critical sa sarili.

Madalas na ganito ang itsura sa mga batang nais i-express ang kanilang sarili. Halimbawa na lang ay nais niyang subukan ng ibang bagay pero hindi pasok sa gender appropriate clothing.

Kung natukso sa school dahil dito maaaring para hindi siya mapahiya muli ay hindi na niya i-express ang sarili through clothing. Nagiging sanhi ito ng pagtanggi sa self-identity at kalayaan niyang ipakita ang kanyang pagkatao.

Dito papasok ang role ng parents na i-guide sila nang mabuti. May pagkakataon na hindi ka magiging aware kung bakit siya nagi-isolate o nag-iiba ang kilos. Iyon pala ay napahiya na siya somewhere kaya ganito ang kanyang naging behavior. Kung may napapansin na kaagad na mali ay tanungin na siya about this upang mapag-usapan at mapayuhan siya kung paano ito ma-overcome.

Always set boundaries.

Boundaries ang isa sa mga mahahalagang itinuturo kaagad sa mga bata upang ma-ensure ang kanialng well-being. May mga bata kasing nagiging violent sa response nila sa shame. Dahil sa labis na pagkakapahiya nauuwi ito sa nagwawala, sumisigaw, o kaya naman nagbabato ng mga bagay-bagay.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Mahalagang naikakalma ang bata upang ipaliwanag na mayroong boundaries ang mga tao. Magset sa pamilya na dapat hindi ginagawa ang ganito sa halip ay pinag-uusapan sa pinakakalmadong paraan.

Psychology Todayb  

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Ange Villanueva

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 8 masamang epekto sa bata sa tuwing sila ay napapahiya
Share:
  • #AskDok: 3 bagay na dapat gawin kapag nabulunan ang bata

    #AskDok: 3 bagay na dapat gawin kapag nabulunan ang bata

  • Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

    Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

  • 11 na life lessons na dapat ituro sa iyong anak

    11 na life lessons na dapat ituro sa iyong anak

  • #AskDok: 3 bagay na dapat gawin kapag nabulunan ang bata

    #AskDok: 3 bagay na dapat gawin kapag nabulunan ang bata

  • Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

    Mahilig bang hindi mamansin ang iyong asawa sa tuwing may hindi kayo pagkakaintidihan? Narito ang dapat mong gawin

  • 11 na life lessons na dapat ituro sa iyong anak

    11 na life lessons na dapat ituro sa iyong anak

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.