5 Napakadaling gawing baon recipes!

5 Napakadaling gawing baon recipes!

Narito ang ilang baon ideas para sa inyong mga school-kids. Healthy at madaling gawin—at kakaiba pa!

Nagsasawa na ba ang mga bata sa baon recipes nila sa araw-araw? Wala na bang choice kundi maglagay na lang ng mga foil-wrapped snacks na binili sa grocery? Paano na ang healthy choices?

Narito ang ilang baon recipes para sa mga Mommy at Daddy na nagmamadali sa umaga. Madaling gawin, at kakaiba pa. Siguradong magugustuhan ng inyong mga school-kids ang makikita nila sa kanilang lunch box pagdating ng Recess.

Baon Recipes Na Super Daling Gawin!
Fruit Pizza Crackers

baon recipes

Imbis na plain na biskwit lang, gawing mas exciting at nutritious ang baon. Konting pahid lang, ilang budbod, at mayron ka nang mini-pizza.

  • Biskwit o crackers na plain
  • 1/2 cup cream Cheese
  • 3 Tbs Honey
  • Strawberries, Blueberries, Kiwi, Raspberries (hindi kailangang lahat)
  • grated cheese

Lagyan ng honey ang cream cheese sa isang bowl. Ipahid sa biskwit o crackers. Hiwain ang mga prutas ng maliliit at ilagay sa ibabaw ng crackers. Budburan din ng keso. Pagpatungin lang sa baunan. Ready to go na!

Nasa sa iyo na kung anong prutas ang ilalagay sa ibabaw. Mas makulay, mas maganda. Kung gusto ng keso lang sa ibang araw, pwede din, para maiba naman.

Apple Oat Balls

baon recipes

  • Apple or apple puree, napakuluan na
  • 3 cups o 300 g rolled oats
  • Butter (o Peanut Butter kung hindi bawal sa eskwelahan at kung walang allergy ang bata)
  • 1/2 cup raisins

Maaari itong gawin sa gabi, para baunin kinaumagahan.

Sa isang food processor, paghaluin ang apples, butter (o peanut butter) at raisins.

Idagdag ang rolled oats hanggang halo nang mabuti.

Kumuha ng isang kutsara at bilugin sa kamay. Basain ang kamay kung masyadong malagkit.

Ilagay sa refrigirator ng 30 mins, o magdamag, at pwedeng manatili dun ng hanggang 4 na araw. Pwede rin siyang ilagay sa freezer nang mas matagal.

Turkey and Cheese Rolls

baon recipes

Kayang kaya itong gawin ng mga bata.

Kailangan lang ng tinapay (loaf bread). Gumamit ng iba’t ibang uri sa iba’t ibang araw para maiba-iba ang baon: may white milk bread, brown bread, multi-grain. Tanggaling ang tabi o sides ng tinapay. Kumuha ng rolling pin at daanan ang tinapay para ma-flat.

Ilatag ang turkey ham o sweet ham sa ibabaw, at budburan ng grated cheese. Irolyo at lagyan ng toothpick para hindi maalis ang pagkarolyo. Pahiran ng melted butter gamit ang pastry brush. Pwede ring gumamit ng butter knife, basta’t maingant lamang.

Ilagay sa oven toaster ng 3 minuto at bantayan ito para hindi masunog. Kung gagamit ng microwave oven, ilagay lamang sa 1 minuto.

Palamigin ng kaunti bago ibalot o bago ilagay sa baunan.

Sweet Potato, Kamote o Apple Chips

Gawin ito sa hapon o gabi para handa na sa umaga.

Gamit ang kalahati hanggang isang malaking sweet potato.

Painitin ang oven hanggang 200 degrees F. Balatan ang sweet potato at hiwain ng maninipis. Ilatag isa isa sa baking sheets o parchment paper na nakalagay sa baking trays. Baligtarin ang mga chips pagkalipas ng bawat 30 minuto para pantay ang lutong. Lutuin ng hanggang 90 minutes (o mas matagal ng kaunti) hanggang tuyot na, at kumukulot ang mga tabi o edge nito. Ilabas sa oven at hayaan munang lumamig ng kaunti. Ilagay sa isang airtight container at room temperature para handa na siya kinabukasan. Lagyan ng konting asin at paminta kung kaya ng bata.

Pwede ring gumamit ng kamote o mansanas.

larawan mula sa www,yummytoddlerfood.com.

Yogurt Parfait

baon recipes

Baunan ng power food ang iyong bulilit. Sa isang lalagyan, mag-layer ng full fat yogurt, berries, diced mango, kiwi, saging, at granola. Samahan ng kaniyang paboritong gulay  tulad ng cucumber, peas, carrot, o celery cuts sa tabi. Kung may Graham Crackers, durugin ang ilang piraso at ibudbod sa ibabaw para madagdagan ang sarap sa panlasa ng mga bata.

Image Source: Pinterest

Basahin: 3 baby food recipes na abot-kaya at healthy

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner