5 warning signs na napapagod ka na sa relasyon ninyong mag-asawa

May maaari ka namang gawin para maiwasang labis na makaapekto ito sa inyong pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napapagod na sa relasyon? Narito ang mga palatandaan at ang maaring gawin upang hindi ito maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng pagsasama.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga palatandaan na frustrated o pagod ka na sa relasyon ninyong mag-asawa.
  • Mga paraang maaring gawin para hindi mauwi sa pagkasira ng relasyon ang frustration na iyong nadarama.

Madalas na pag-aaway, hindi pagpapansinan, hindi pagkikibuan o hindi na masayang pagsasama, ang mga ito ay ang mga madalas na dahilan ng pagkakaroon ng mental health issues ng isang tao.

Ang toxic at emotionally abusive environment din na ito ay maaari ring pagsimulan ng pagkakagalit. Pati na ang pakiramdam ng pagsisi at pag-iisip na maling tao ang pinili mong makasama.

Maliban sa stress, ang toxic relationship ay maaari ring makaapekto sa self-esteem mo na kapag hindi naagapan ay maaari ring magdulot ng malaking epekto sa iyong pagkatao.

Maaaring mauwi ito sa depression at anxiety. Pero paano nga ba masasabing pagod ka na sa relasyon ninyong mag-asawa ? Ito ang mga palatandaan na dapat mong bantayan.

Napapagod na sa relasyon: Ang 5 palatandaan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napapagod na sa relasyon/ Image source: iStock

1. Kinokontrol ng partner o asawa mo ang lahat ng ginagawa mo.

Ang pagkokontrol ng asawa mo sa bawat kilos mo ay isa sa mga dahilan ng frustration na nadarama mo sa inyong relasyon. Dapat ay maging pantay o pareho kayong may “say” o kontrol sa inyong relasyon.

Sapagkat kung hindi ay maaring ma-damage ng pagkokontrol ng asawa mo ang self-worth mo. Pati na ang pagkukuwestyon mo sa sarili mong paniniwala at kakayahan.

2. Imbis na i-encourage ay dina-down ka pa ng partner o asawa mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng non-constructive criticism sa iyo.

Ang isang supportive partner ay i-encourage kang pagbutihin o hahayaan kang gawin ang mga bagay na alam niyang makakatulong sa improvement mo. Ito man ay sa personal mong buhay o sa trabaho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa katunayan, sa isang malusog na relasyon ang palitan ng constructive criticism ng magkapareho ay nakakatulong para pareho silang mag-grow.

Subalit, kung minsan ang constructive feedback at humiliation ay mahirap tukuyin ang pagkakaiba. Pero ang mga ito ay parehong epektibong paraan para i-encourage ang isang tao.

Halimbawa, kung ibinahagi mo sa iyong partner na pinaplano mong seryosohin na ang pagbe-bake mo at gawin na itong isang profession.

Ito ang dalawa sa maaari niyang maging sagot. “Maganda ‘yan, magagamit mo na ang nalalaman mo para kumita”, o kaya naman ay “Sinasayang mo lang ang oras mo, pero subukan mo.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang constructive response ay ang mag-momotivate sa iyo. Ito ay makukuha mo mula sa partner mong sinusuportahan ka at masayang makita ang mga improvements mo.

3. Nakikialam lagi sa lahat ng gagawin mo ang asawa mo.

Image Source: Pexels

Kung sa lahat ng bagay na iyong ginagawa ay nakikialam ang asawa mo ay maaaring mauwi ito sa frustration at pagkapagod mo sa inyong relasyon.

Tulad na lamang sa paglabas mo kasama ang mga kaibigan mo, sinong kinakaibigan mo at paano mo ginagastos ang pera mo. Naniniwala rin siya na ang role mo sa inyong relasyon ay gumawa lang ng gawaing-bahay at wala ng iba pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Lagi ang asawa mo ang nasusunod at may last say sa inyong pagtatalo.

Hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan o pagtatalo sa isang relasyon. Isa ito sa mga sangkap para mas patibayin pa umano ang pagsasama ayon sa mga eksperto.

Pero kung sa bawat pagtatalo ninyo ay laging ang asawa mo lang ang nasusunod o laging may final say mas nakakadagdag ito ng frustration mo.

Para maiwasan ang frustration sa inyong pagsasama ay dapat mayroong mag-a-adjust o magkokompromiso sa inyo. Pero kung ikaw lang ang gumagawa nito ay kailangan mo ng mag-isip dahil hindi na healthy ito sa relasyon ninyo.

5. Depressed ang partner mo.

Ang mga taong depressed ay hindi aware sa kanilang ikinikilos o nararamdaman. Pero ito ay hindi nila matatago sa mga tao sa paligid nila.

Kaya naman ang resulta, inihahawa nila ang depresyon nila sa iba. Halimbawa na lamang ang pagbubunton sa ‘yo ng frustration ng asawa mo na nagiging dahilan din na magaya ka sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

5 dapat gawin para hindi makaapekto ang pagkakaiba ng ugali ng mag-asawa sa pagsasama

7 rason kung bakit dapat bawasan ang pag-post tungkol sa inyong relasyong mag-asawa

7 signs na mayroon kang anxiety sa relasyon ninyong mag-asawa

Paano ma-manage ang frustration sa inyong relasyon

Para maiwasang magdulot ng malaking epekto ang frustration na iyong nararamdaman sa pagsasama ninyong mag-asawa ay may mga paraan naman na maaring gawin. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.

Image courtesy: Stock photo

1. Makipag-usap sa iyong partner.

Bagamat madaling umiwas sa mainit na usapan at mag-walkout nalang, hindi ito makakatulong na ma-manage ang frustration sa inyong relasyon.

Kahit na ang silent treatment ay hindi makakatulong para maligtas ang inyong relasyon mula sa frustration na iyong nadarama. Mabuting makipag-usap sa iyong asawa.

Ipaalam sa kaniya ang iyong nadarama o ang balak mong umalis muna saglit para i-organize ang iyong isipan. Maaaring ito rin ang kailangan ng iyong asawa. Saka kayo mag-usap kapag pareho na kayong kalmado at ready na kayong makinig sa isa’t isa.

2.  Mag-focus muna sa iyong sarili bago sa iyong asawa.

Natural lang na mag-reach out ka sa iyong asawa dahil sa nagke-care ka sa kaniya. Pero mahalaga na bago siya ay sarili mo muna ang dapat mong iuna.

Dapat matuto kang kontrolin muna ang iyong isipan, kinikilos at emosyon. Gawin ito bago ka makipag-usap o makipag-deal sa iyong partner. Para siguradong nasa tamang pag-iisip ka at kondisyon kapag kausap siya para kayo ay mas magkaunawaan.

3. Huwag ng mandamay pa ng iba sa isyu ninyong mag-asawa.

Image Source: Pexels

Bagamat gusto mong may makausap tungkol sa problema ninyong mag-asawa para gumaan ang pakiramdam mo, mabuting iwasan ito dahil sa maaari itong magdulot ng long-term damage sa inyong relasyon.

Hindi rin naman nito maso-solve ang inyong problema. Sa halip, ang mabuting gawin ay ang makipag-usap sa partner mo. Sapagkat kayong dalawa lang ang makakaayos sa problema ninyo at may hawak sa maaaring kahitnatnan ng inyong pagsasama.

4. Huwag ng ungkatin pa ang past issues ninyong mag-asawa.

Hindi rin makakatulong sa inyong relasyon kung paulit-ulit ninyong uungkatin ang mga past issues ninyong mag-asawa. Dahil maliban sa ipapaalala nito ang mga sakit at bitterness ng nakaraan.

Hindi rin ito makakatulong na ma-solve ninyo ang inyong problema. Mas mabuting mag-usap kayo at mag-forward na. Mag-concentrate sa mga bagay na maaari ninyong gawin para mas patibayin pa ang inyong pagsasama.

Orihinal na inilathala sa wikang Ingles sa theAsianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.