11 years old na bata, namatay matapos magpatuli

Tradisyon na sa Pilipinas ang pagpapatuli, ngunit kailangan maging maingat pa rin ang mga parents at kids sa procedure na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nasawi matapos tuliin ang isang 11 taong gulang na bata sa Davao Oriental. Ang dahilan? Alamin sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • 11 years old na bata nasawi matapos tuliin
  • What you need to know about tetanus

11 years old na bata nasawi matapos tuliin

11 years old na bata nasawi matapos tuliin | Larawan mula sa Pexels

Sa pagdadalaga, normal na dumadaan ang mga babae sa pagkakaroon ng menstruation. Samantalang sa mga lalaki naman, sasailalim sila sa common na operasyon ng pagtutuli. Karaniwang ginagawa na ito sa halos lahat ng bata sa Pilipinas. Kung minsan pa ay mayroong programa ang barangay o city para sa libreng tuli sa lahat sa tuwing bakasyon nila sa eskwelahan.

Kaya nga hindi na masyadong nakababahala ito sa kalusugan dahil ilang araw lang naman ay gumagaling na. Kaiba sa mga nangyari sa karamihan, isang 11 taong gulang na bata ang nasawi daw matapos niyang tuliin.

Kinilala ang bata na si Lear John Ilisan na sinabing natuli raw noong July 8 sa kanilang municipal health center din nila sa Davao Oriental. Pagkukuwento ng tatay niyang si Armando Ilisan, ilang araw daw mula nang matuli ang anak ay may kakaiba na itong nararamdaman. Hindi kaagad nabahala ang pamilya sa pag-aakalang normal lamang na maramdaman iyon ng isang bagong tuli.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi raw nagtagal, nakaranas na rin ng pagla-lock jaw ang batang si Lear John.  Dahil dito ay nag-aalala na raw sila at sinubukang tawagan ang midwife.

Ayon sa ama ng bata, naisip na nilang baka natetano ang bata matapos itong tuliin.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sunday morning medyo ok pa siya. Tinawagan ko yung ang midwife sabi ko, ‘Maam parang na-tetanus yata tong bata.’ Mag-render pa rin tayo ng anti-tetanus. Pero naano niya yung tetanus lalong lumala,”

Sa kabila raw nito ay itinanggi ng midwife na tinamaan ng tetanus bacteria ang bata.

“Tiningnan ko ang tuli ng bata. Sinabihan ko ang magulang kung saan ba ako nagkamali. Saan banda, sabi ng ina ng bata, ‘Gumaling na pala.’ Sabi ko naman na may dala akong tetanus toxoid proteksyon ito para sa inyong anak, nagpaalam na rin ako sa papa ninyo.”

Salaysay ng midwife na si Angelina Uyanguren sa report ng ’24 Oras’ ng GMA-7.

July 27, tatlong linggo matapos ang pagtutuli sa bata ay binawian ito ng buhay. Kaya labis-labis na hinagpis ang nararanasan ngayon ni Armando dahil sa anak.

“Hindi ko matanggap talaga.”

Sa kanyang death certificate, nakalagay dito na ang cause of death niya ay respiratory failure na sanhi ng generalized tetanus. Sa ngayon daw ay iniimbestigahan na ng Department of Health ang naturang insidente.

What you need to know about tetanus

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

What you need to know about tetanus | Larawan mula sa Pexels

Hindi lamang sa pagtutuli maaaring makuha ang tetanus. Maaaring makuha ito ng kahit sinong taong mayroong sugat. Ano nga ba ang tetanus at bakit ito delikado?

“Tetanus is an infection caused by bacteria called Clostridium tetani. When the bacteria invade the body, they produce a poison (toxin) that causes painful muscle contractions. Another name for tetanus is “lockjaw”. It often causes a person’s neck and jaw muscles to lock, making it hard to open the mouth or swallow.”

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention.

Ang labis daw na kumplikasyon sa disease na ito ay maaaring ikamatay ng tao. Wala rin daw kasing partikular na cure o treatment sa tetanus. Ang tanging ginagawa lamang ng mga health professionals ay i-manage ang mga sintomas hanggang sa mawala ang epekto ng tetanus toxin.

Kaya nga mayroong bakuna para sa tetanus, ito ay upang maiwasan ang labis na kumplikasyon kung sakaling magkaroon nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nakukuha ang tetanus ng isang tao?

Tinatayang nasa 10 days tsaka lamang nagpapakita ang senyales ng mayroon na ang isang tao ng tetanus. Lumalala ito sa paglipas ng dalawang linggo. Marami ang maaaring maging dahilan kung paano nakakapasok ang tetanus bacteria sa katawang ng tao. Narito ang ilan sa kanila:

  • Pagkakaroon ng contamination sa sugat dahil sa tae o laway
  • Sugat na sanhi ng kinakalawang na bagay tulad ng pako o karayom
  • Pagkakaroon ng injuries na mayroong dead tissues
  • Sa mga paso ng katawan
  • Pagsailalim sa surgical procedures
  • Kagat ng mga insekto
  • Infection mula sa dental procedures
  • Exposed na pagkabali ng buto
  • Injections para sa muscle
  • Chronic sores at infections

Paano malalaman kung mayroon ka nang tetanus?

Para naman malaman kung nakararanas ka na ba nito, narito ang ilang sintomas na maaaring tignan:

  • Pagkakaroon ng tension sa muscle sa paligid ng labi
  • Nakararamdama ng sakit sa neck muscles
  • Pagkahirap lumunok
  • Hindi maigalaw ang mga muscles sa panga
  • Rapid heart rate
  • Lagnat
  • Labis na pamamawis
  • Pagbaba o kaya naman pagtaas ng blood pressure
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva