Nauntog ang ulo ni baby? Alamin ang mga first aid tips na maari mong gawin para hindi lumala ang kondisyon niya.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Toddler na nahulog sa sofa at na-coma
Isang mag-dadalawang taong gulang na bata ang na-coma matapos mahulog ng patalikod sa sofa.
Kwento ng kaniyang ina na si Lee Alexander, 35-anyos ay nakarinig siya ng malakas na pagkalabog ng mahulog mula sa kanilang sofa ang anak niyang si Henry. Agad itong nawalan ng malay na sinundan ng seizures o panginginig ng katawan ng ito ay buhatin niya.
Nataranta sa nangyari si Lee kaya lumabas ito ng kanilang bahay at nagsisigaw ng tulong sa kanilang kapit-bahay.
Agad namang sumaklolo sa kanila ang isa kanilang kapit-bahay at kinuha si Henry sa kamay ng kaniyang ina saka pinahiga sa sahig habang patuloy itong nagsiseizures.
Nang dumating ang mga paramedics ay 30 minuto nilang sinubukang i-stabilize ang kondisyon ni Henry ngunit nabigo sila. Kaya naman humingi na sila ng tulong sa air ambulance para dalhin na si Henry sa ospital.
Doon nila nalaman na nagtamo ng severe brain bleed si Henry sa kaniyang pagkahulog.
Epekto ng pagkahulog sa sofa at pagkauntog
Kinailangan niyang dumaan sa apat na oras na surgery para itama ang naging bleeding sa kaniyang utak. Saka siya inilagay sa coma sa loob ng isang linggo para pagpahingain ang kaniyang utak mula sa injury na napala.
Matapos ang isang linggo ay nagising si Henry. Ngunit siya ay baby ulit dahil hindi siya makapagsalita, makalakad at makakita. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Henry na ginawa ang lahat para muling maging normal ang anak nila.
Isang taon makalipas ang nangyaring aksidente ay nanumbalik sa normal si Henry. Ayon sa kaniyang ina na si Lee ay tila walang nangyaring aksidente sa anak kung ito ay titingnan. Ngunit, binigyan na daw sila ng babala ng mga doktor na tumingin kay Henry na maaring makaranas ito ng ADHD o autism sa kaniyang paglaki dahil parin sa tinamong injury.
“To look at him now you would never think anything had been wrong. He’s looks like any other two-year-old. He can do everything he could do before.”
“And the specialists have said it is possible he may have some issues like ADHD (attention deficit hyperactivity disorder) or autism as he gets older because of the injury sustained and part of the brain that was damaged. But the team that looked after him have promised they will stay in place until he starts school.”
Ito ang naging pahayag ni Lee, ina ni Henry.
First aid tips sa kapag nauntog ang ulo ni baby
Ang mga head injuries lalo na sa mga bata ay hindi maiiwasan. Dahil sa kanilang kakulitan ay hindi na nakakagulat na sila ay mahulog o mauntog sa kanilang paggalaw.
Ngunit maaring iwasan kung gagawing child-friendly ang inyong bahay. Tulad nalang ng pag-aalis ng mga gamit na maari niyang akyatan at pag-hulugan.
Kung siya naman ay gagawa ng activity sa labas ng bahay tulad ng pagba-bike ay makakabuting pag-suotin siya ng helmet bilang proteksyon sa kaniyang ulo sa oras ng aksidente.
Sa oras naman na nauntog siya o nakaranas ng minor head injury ay paupuin siya at i-comfort. Saka lagyan ng towel na may yelo o cold compress ang kaniyang ulo. Ito ay para mabawasan ang pamamaga ng bukol sa pagkakauntog at maibsan ang pananakit na dulot nito.
Ang isang head injury ay maituturing na minor kung ito ay nagpapakita ng sumusunod na sintomas:
- Mild headache
- Nausea
- Pagkahilo
- Mild blurred vision
Kung ang kondisyon naman ng iyong anak ay lumala at siya ay nagpakita ng sumusunod na sintomas ay agad na siyang dalhin sa doktor. Dahil ang mga sintomas na ito ay nangangahulugang siya ay nagtamo ng brain injury.
- Kawalan ng malay o hindi normal na pagkaantok
- Seizures
- Problema sa kaniyang mga senses tulad ng hindi makarinig o nag-dodouble vision
- Nagsusuka
- Dugo na lumalabas mula sa kaniyang tenga o ilong
- Memory loss o amnesia
- Hirap sa paglalakad o pagbabalanse ng katawan
Samantala, para mabilis na maka-recover ang isang tao mula sa head injury ay mahalagang makapagpahinga siya at iwasan ang mga tao o bagay na makakapag-aggravate ng stress sa kaniya. Dapat ding patigilin muna siya sa paglalaro ng mga contact sports hanggang siya ay fully recovered na.
Source: DailyMail UK, NHS Inform, Red Cross
Photo: Freepik
Basahin: Nauntog ang ulo ng bata, dapat bang ipag-alala?