Natagpuang wala nang buhay ang batang nawala sa EDSA sa isang 40-feet deep excavation sa highway. na malapit sa North Triangle Common Station sa Quezon City.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Nawawalang anak, nakitang wala nang buhay sa 40-feet hole sa EDSA
- How to keep kids with epilepsy safe
Nawawalang anak, nakitang wala nang buhay sa 40-feet hole sa EDSA
Hindi maipaliwanag na pakiramdam ang mawalay ang anak sa piling ng isang magulang. Naririyana ng labis na pag-iisip na baka nasa kapahamakan o kaya naman naaksidente ito kung sakaling hindi umuwi nang ilang oras. Kakaibang pait naman para sa magulang na matapos malamang nawawala ang anak ay matatagpuan na lang itong wala nang buhay.
Ganito ang karanasan ng isang ina na si Arlene Reano. Pagkukwento ni Arlene, nawala sa EDSA ang anak niyang si Reniel nitong Biyernes lamang Agosto 12. Naalala niya pa raw na tingin niya ay inatake ito ng sakit na epilepsy at nahulog sa butas na 40 feet ang lalim.
“Maghuhugas na ako ng paa, pagdungaw ko po nakita ko ‘yung tsinelas niya na pula. ‘Yung sabon niya po, singsing, nakalagay sa bato… Naliligo po siguro tapos inatake ng epilepsy.”
Matapos daw nito, nakita ng Bureau of Fire Protection na ang 16 year old na si Reniel ay nasa ilalim ng 40-foot deep hole at kanilang na-recover ang katawan nito.
Dahil dito, nais imbestigahan ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang nangyaring aksidente. Para kay PSS George Caluba ng QCPD CIDU, posible rin daw na kumukuha ng tubig ang bata at hindi nga sinasadya na nahulog siya dito,
“Kasi dyan sila kumukuha ng tubig. Posible pong naaksidente siya at nahulog diyan na walang nakakita. Aalamin po natin kung ito ba ay may mga tao dito. Kung posibleng may tumulak sa kanya.”
Dagdag pa ng QCPD CIDU, nais daw nilang matukoy kung sino ang nararapat managot sa nangyaring aksidente. Aalamin daw nila ito sa contractor ng construction project na BF Corporation.
Naglabas naman ng pahayag ang safety officer ng kompanya na si Efren Aure tungkol sa nangyaring insidente.
“Sinisigurado po namin lagi na ‘yung cover is in place and then may mga signage kaming naka-install, and then kumbaga mga after ilang days, unti-unti na naman pong nawawala, nire-replace na naman po uli namin ng panibago,”
Matapos ang nangyari, siniguradong sarado ang butas kung saan nasawi ang batang nawala sa EDSA.
How to keep kids with epilepsy safe
Isa sa pangunahing dahilan kung bakit naaksidente ang batang si Reniel ay dahil sa kundisyon nitong epilepsy. Madalas kasing umaatake ito dahilan upang pagmulan ng kung anumang maaaring ikapahamak ng isang tao. Ayon sa Centers for Disease Control and Preventions ito raw ay isang seizure disorder ng utak ng tao.
“Epilepsy, which is sometimes called a seizure disorder, is a disorder of the brain. A person is diagnosed with epilepsy when they have had two or more seizures.
A seizure is a short change in normal brain activity.”
Kadalasang nahuhulog, nagsishake, at mawalan ng malay ang mga taong may epilepsy. Tumatagal din daw ito hanggang ilang minuto depende sa type ng seizure na nararanasan,
“Seizures are the main sign of epilepsy. Some seizures can look like staring spells. Other seizures cause a person to fall, shake, and lose awareness of what’s going on around them.”
Kadalasang nakukuha ito sa mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng cancer sa utak o brain tumor
- Pagkakaroon ng stroke
- May kasalukuyan o history ng kahit anong head injuries
- Kawalan o kakulangan ng oxygen sa brain
- Brain infection mula sa parasites tulad ng malaria at neurocysticercosis
- Maaari ring galing sa bacteria at viruses na gaya ng influenza, dengue, at Zika
- Genetic disorders na mula sa pamilya halimbawa na lang ay Down Syndrome
- Iba pang neurologic disease na mayroon ang isang tao
Dahil dito, kinakailangan ng dobleng pag-iingat sa mga may taong may epilepsy lalo na iyong mga bata pa lamang. Narito ang ilang ways kung paano sila mapapanatiling ligtas:
- Magkaroon ng kaalaman patungkol sa first aid sa tuwing may seizure ang bata. Maaari ring turuan ang bawat miyembro ng pamilya na lagi niyang nakakasama.
- I-inform ang pamilya at kamag-anak kung kailan dapat tumawag na ng tulong sa tuwing inaatake ng seizure.
- Pasuotin ang bata ng emergency bracelet o necklace na maaaring mag-alert sa tuwing siya ay mayroong seizure.
- Subukang pasuotin ang bata ng helmet kung parati siyang natutumba kung inaatake ng kanyang epilepsy.
- Kumonsulta kaagad sa mga eksperto kung ano ang dapat gawin.