STUDY: Social media may hindi magandang epekto sa mental health ng mga bata

Marami man naitutulong ang social media sa panahon ngayon, hindi pa rin maitatatwa ang mga negatibong epekto ng social media lalo na sa bata

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa gadgets at social media. Pero alam mo ba na ayon sa pag-aaral, mayroong hindi magandang naidudulot ang social media sa isip ng mga bata? Anu-ano nga ba ang mga negatibong epekto ng social media sa mental health ng kabataan?

Larawan kuha ni Magnus Mueller mula sa Pexels

Social media at mental health

Nabanggit sa artikulo ng Psychology Today na may pamagat na “Social Media and Mental Health: An Adverse Relationship” na mayroon umanong mga new evidences na nag-uugnay sa labis na paggamit ng social media at sa decline sa mental health ng mga bata.

Negatibong epekto ng social media

Larawan kuha ni Ketut Subiyanto mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami man umanong factor ang posibleng makaapekto sa mental health ng mga bata. Tulad na lamang sa kung paano ito pinalaki ng mga magulang. May mga bagong datos kung saan nakitang ang paggamit ng cellphone at social media ay may ugnayan sa pagbagsak ng mental health ng mga bata.

Ayon sa pag-aaral na nabanggit sa nasabing artikulo. Ang pagtaas umano ng mental health problems ay nakitang may kaugnayan sa pagtaas ng market penetration ng social media at cellphone. Marami mang naitutulong ang social media sa panahon ngayon. Hindi pa rin maihihiwalay rito ang mga negatibong epekto ng social media lalo na sa mga kabataan.

Mga negatibong epekto ng social media sa mga kabataan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan kuha ni Ketut Subiyanto mula sa Pexels

Ang parehong content at ang proseso ng social media ay posible umanong nakadaragdag sa adverse impact nito sa mga bata. Kung content ang pagbabasehan, inihahain ng social media ang baluktot at distorted na imahe ng mundo sa mga bata. Marami ring fake at false content sa social media. Ito ay sa kabila nang wala namang ibinibigay na tool sa mga bata para malaman kung alin ang fact at fiction, ang trivial at profound, at ano ang gawa ng robot o ng tao.

Marami pang ibang negatibong epekto ang social media. Kaya naman, mahalagang alam nating mga magulang kung anong klaseng mga content ang nakikita ng ating mga anak sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan