Hindi nakakatulong ang baby talk sa development ng bata

Kung nag-bebaby talk sa pakikipag-usap sa iyong anak, itigil na ito. Dahil ayon sa mga eksperto hindi makakatulong ito sa paghahasa ng comprehension at communication skills ng anak mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang negative effects of baby talk sa development ng iyong anak. At ang tamang paraan ng pakikipag-usap sa kanya.

Image from Freepik

Negative effects of baby talk to child development

Mula sa sinapupunan ay ipinapayo na ng siyensya na kausapin ang mga sanggol. Ito ay dahil nakakatulong umano ito sa kaniyang development. At nagbibigay ng mas matibay na koneksyon sa pagitan ni baby at ng kaniyang mommy.

Kapag sila nga ay naipanganak na, nakakatulong rin daw ang pakikipag-usap sa kanila para unti-unting makapag-adjust at maka-adapt sa mundong kaniya ng kalalakihan.

Pero ang tanong, ano nga ba ang tamang paraan ng pakikipag-usap kay baby? Dapat bang gumamit ng baby talk sa pakikipag-usap sa kaniya.

Ang sagot ng mga eksperto ay hindi.

Tamang paraan ng pakikipag-usap sa iyong anak

Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Cognitive Psychology, ang pakikipag-usap sa isang bata gamit ang mga kumplikadong salita ay mas nag-iencourage pa sa kaniyang matuto. Dahil ito ay nagsisilbing magandang halimbawa sa kaniya at mas makakapag-improve ng kaniyang language skills. Maliban sa pagsasalita, sa ganitong paraan ay mas nahahasa rin umano ang comprehension skills ng isang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Natuklasan ito ng pag-aaral matapos obserbahan ng researcher na si Janellen Huttenlocher, ang 305 na bata mula sa 40 na iba’t-ibang preschool classrooms. Siya ay ang head ng developmental psychology program sa University of Chicago.

Sinang-ayunan naman ng isang nursery at kindergarten teacher na si Lisa Washington ang findings na ito ni Huttenlocher. Ayon sa kaniya ay isang balakid ang pagsasalita ng baby talk sa mga bata. Dahil imbis na ma-challenge silang magsalita ng normal at tama ay ginagaya nila at kinakalakihan ang pagbe-baby talk.

“Grown-ups feel they have to talk slowly or loudly or with a singsongy voice to kids. But this doesn’t challenge children to learn new language skills.”

Ito ang pahayag ni Washington.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paggamit ng kumplikadong salita sa pakikipag-usap sa iyong anak

Image from Freepik

Ganito rin ang kinalabasan ng isang pag-aaral na isinagawa ng Laboratory for Language Development sa RIKEN Brain Science Institute sa Tokyo, Japan.

Gamit ang tulong ng 22 Japanese mothers at kanilang mga anak na edad 18-24 months ay ini-record ng mga researchers ang mga pag-uusap ng mag-iina. Habang may isa ring adult experimenter ang nakikipag-usap at nakikinig sa kanila.

Ang kanilang recorded conversations ay inannotate sa loob ng limang taon ng mga researchers. Na kung saan minamarkahan nila ang specific aspects ng speech tulad ng simula at dulo ng consonants, vowels at phrases.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At doon nga nila natuklasan na ang pakikipag-usap ng mga Japanese mothers sa kanilang anak ay less clear kumpara sa pakikipag-usap nila sa adult experimenter. Ngunit sa kabila nito ay naintindihan naman ng mga bata ang kanilang gustong sabihin.

Naghahasa ng kanilang comprehension skills

Mahalaga ito, dahil ayon sa mga researchers isa itong patunay na ang paggamit ng kumplikadong salita ay hindi nagpapahirap sa understanding ng isang bata.

“Our results suggest that, at least for learning sound contrasts, the secret to infants’ language-learning genius may be in the infants themselves — the fact that they are able pick up sounds from input that is less clear than that used by adults with each other makes this accomplishment all the more remarkable.”

Ito ang paliwanag ng isa sa mga researcher ng ginawang pag-aaral na si Andrew Martin.

Sinuportahan din ni Alejandrina Cristia, isang researcher mula sa Centre National de la Recherche Scientifique sa Paris ang significance ng ginawang pag-aaral. Ayon sa kaniya, patunay ito na ang pagbe-baby talk ay hindi ang tamang paraan ng pakikipag-communicate ng mga magulang sa kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This finding is important because it challenges the widespread view that parents do and should hyperarticulate, using very robust data and an analysis based on a study of 10 times as many syllable contrasts as previous work.”

Tips sa pakikipag-usap sa iyong anak

Image from Freepik

Base naman sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa Stanford University, para ma-boost ang language skills ng isang bata ay dapat makipag-usap sa kaniya ng mas mahaba at gamit ang paiba-ibang salita. Dapat ay tama rin o proper ang grammar na ginagamit. Pati na ang pagbigkas o pronunciation ng mga salitang ginagamit sa pakikipag-usap sa kaniya.

Subukan ring makipag-usap sa kaniya in full sentence conversation. Kahit na ba alam mong hindi niya pa ito maiintindihan. Dahil sa ganitong paraan, sa bata niyang edad ay natututo na siya tungkol sa context ng mga salita. At nabibigyan niya ng connection ang mga salita at ang mga konsepto nito.

Ang negative effects of baby talk ay tila hindi naman ganoong nakaka-bahala kung iisipin para sayo. Ngunit para sa iyong anak malaking tulong kung makikipag-usap ka sa kaniya sa normal na paraan. Dahil sa simpleng gawi na ito, siya ay iyong tinuturuan. Pagtuturong malaki ang gagampanang papel sa pag-iexpress ng kaniyang sarili sa ibang tao at sa buong mundo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

SOURCE: Psychology Today, DailyMail UK, Todays

PHOTO: Freepik

BASAHIN: 4 na bagay na dapat tandaan kapag kinakausap ang bata tungkol sa kaniyang pagkakamali