X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

4 na bagay na dapat tandaan kapag kinakausap ang bata tungkol sa kaniyang pagkakamali

4 min read

Natural sa mga bata ang magkamali, ito ay bahagi ng kanilang paglaki at natututo sila dito. Ganunpaman, malaking bagay sa kanila kung paano ang magiging reaksyon ng mga magulang. Kahit pa nagagalit, mahalagang mapanatili ang pagbibigay ng positive reinforcements. Alamin ang 4 na dapat tandaan sa pakikipag-usap sa bata kapag sila ay nagkamali.

Paano ba ang tamang paraan ng pakikipag-usap sa bata?

Kasama mo ang iyong anak sa tindahan. Sa inyong pag-iikot, kaniyang natabig ang mga paninda at nahulog ito sa mga shelves. Kapag ang isang bata ay nagkamali at alam niya ito, ang kanyang unang titignan ay ang kanyang magulang. Kadalasan, hindi pa nila alam kung paano ang tamang magiging reaksyon dito. Makakabuting ipakita sa kanila na ikaw ay kalmado at hindi natataranta o nagagalit. Sa ganitong paraan, ito rin ang kanilang magiging reaksyon sa kanilang mga magiging pagkakamali sa kanilang paglaki.

Huminga ka ng malalim at isipin kung ano talaga ang mahalaga. Masmahalaga ba ang kumalat na mga paninda o ang kumpiyansa sa sarili ng iyong anak? Maging kalmado at mahinahon at gamitin ang panahon na ito para turuan ang iyong anak na maging responsable sa kanyang magagawang kalat. Kung siya ay nao-overwhelm at hindi tingin niya ay hindi niya ito kayanin, maaari mo siyang tulungan.

Kilalanin ang kanyang mga emosyon

Ang iyong anak ay nagagalit sa kanyang kapatid dahil gusto niya rin maglaro ng Xbox. Sa kanyang pagka-inis, nagawa niyang magdabog at nakasira siya ng gamit sa bahay. Imbes na sigawan siya at pagalitan dahil nakasira siya dahil hindi siya makapaglaro, kilalanin ang kanyang emosyon. Maaaring para sa iyo ay maliit na bagay lamang ito ngunit para sa kanya ay malaking bahagi ito ng kanyang mundo. Ang mga emosyon ng mga bata, trivial man para sa mga magulang, ay hindi dapat balewalain.

Pakinggan ang iyong anak. Ang iyong pakikinig at positive reinforcement ay tulad ng konsiderasyon na nais mong matanggap kapag may pinoproblema ka. Minsan ay maaaring kailanganin na hayaan munang humupa ang mga emosyon bago mo siya kausapin. Maaaring kailanganin niya lang muna ng iyong kalmadong yakap bago niya masabi ang nilalaman ng kanyang damdamin.

Tulungan siyang matuto sa mga nangyari

Ang iyong anak ay natataranta na sa paghahanap ng kanyang assignment na ginawa nung nakaraang gabi. Inaantay na siya ng kanyang schoolbus at malapit na siyang iwan nito. Upang hindi maiwan ng schoolbus, itinigil niya na ang paghahanap sa kanyang assignment. Sa kanyang pag-uwi, maging mahinahon sa pag-uusap tungkol sa mga nangyari nuong umaga. Matapos maging mahinahon at kilalanin ang kanyang nararamdaman, tulungan siyang makita ang maaaring matutunan dito.

Maaaring bigyang pansin ang kanyang kakayahan sa paggawa ng kanyang assignment. Purihin siya sa pagharap sa kanyang responsibilidad na kahit wala siyang dalang assignment ay pumasok parin siya sa paaralan. Pag-usapan kung ano ang mga maaari niyang gawin sa susunod upang hindi ito maulit muli. Tanggapin na may mga pagdadaanan siyang karanasan kung saan matututo siya ng aral na kanyang dadalhin sa kanyang paglaki.

Ipakita ang simpatiya

Ang iyong anak ay malungkot dahil natalo ang kanilang soccer team sa tournament. Imbes na baliwalain ang kaniyang nararamdaman, kilalanin ang emosyon at iparating ang iyong simpatiya. Huwag siyang sisihin sa kanyang nararamdaman at tignan ang sitwasyon mula sa kanyang mga mata. Mula dito ay sabihan siya na iyong naiintindihan ang kanyang nararamdaman.

"Alam ko na nalulungkot ka dahil hindi ang inaaasahan mo ang kinalabasan ng inyong laro. Nandito lang ako at handang makinig." Hayaan siyang magalit, malungkot at mailabas ang kanyang nararamdaman. Magandang paraan ito para matutunan niyang kontrolin ang iba't ibang emosyon niya. Matapos ay turuan siyang makita ang magandang bagay sa pangyayari.

May mga panahon na maaaring hindi mo mapigilan at ikaw ay mabigla. Maaaring hindi sinasadya ay masigawan mo ang iyong anak sa kanyang pagkakamali sa halip na manatiling kalmado. Sa ganitong pangyayari, kailangan lamang humingi ng tawad sa iyong anak. Hindi ito nakakasira sa iyong pagiging magulang, sa halip ay matututunan ng iyong anak mula sa iyong ehemplo na malaking bagay ang paghingi ng tawad.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Basahin din: Pagdidisiplina ng bata: Step-by-step guide kung paano maging epektibo ang “stand in the corner”

Source: Psychology Today

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 4 na bagay na dapat tandaan kapag kinakausap ang bata tungkol sa kaniyang pagkakamali
Share:
  • 3 bagay na dapat mong sabihin para ma-encourage ang bata

    3 bagay na dapat mong sabihin para ma-encourage ang bata

  • 5 mindful parenting tips to strengthen your bond with your child

    5 mindful parenting tips to strengthen your bond with your child

  • REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

    REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 3 bagay na dapat mong sabihin para ma-encourage ang bata

    3 bagay na dapat mong sabihin para ma-encourage ang bata

  • 5 mindful parenting tips to strengthen your bond with your child

    5 mindful parenting tips to strengthen your bond with your child

  • REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

    REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.