X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Isa nanamang sanggol ang namatay dahil sa halik

3 min read
Isa nanamang sanggol ang namatay dahil sa halik

Ayon sa mga magulang, alagang-alaga daw sila sa kanilang anak, ngunit gayunpaman, nagkaroon pa rin ito ng neonatal herpes.

Nakakalungkot na hanggang ngayon ay nagkakaroon pa rin ng mga kaso ng sanggol na namamatay dahil sa neonatal herpes. Bagama’t napakarami nang kuwento at paalala sa TV, social media, at sa internet tungkol dito, tuloy tuloy pa rin ang mga kaso ng herpes sa sanggol.

Sa pagkakataong ito, isang sanggol ang namatay dahil sa neonatal herpes 14 na araw matapos siyang ipanganak. Mas masakit pa na ginawa na ng mga magulang ang lahat ng makakaya nila upang protektahan ang anak. Ngunit sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, nagkaroon pa rin ito ng herpes.

Ating alamin ang kabuuan ng mga pangyayari.

Neonatal herpes, hindi dapat balewalain

Tuwang-tuwa ang mag-fiance na si Kelly Ineson at Thomas Cummins nang malaman nila na sila ay magkakaroon ng anak. At matapos ang 9 na buwang paghihintay, ipinanganak na ang kanilang anak na si baby Kiara.

Naging mabuti naman ang kalagayan ni Kiara, at malusog siya nang ipinanganak. Masayahin daw ang bata, at tuloy-tuloy naman ang kaniyang paglaki.

Ngunit ang kanilang galak ay mabilis na naging kalungkutan, dahil matapos ang ilang araw, biglang bumagsak ang timbang ni Kiara. Dali-dali nila siyang dinala sa doktor, at doon nalaman na mayroong herpes simplex virus ang sanggol.

Ayon kay Kelly at Thomas, alam nila ang panganib na dala ng herpes. Kaya nga hindi raw nila hinayaang halikan o lapitan ng kahit na sinong may sakit ang kanilang sanggol. Napaka-ingat raw nila pagdating sa mga bisita ng kanilang anak, kaya ganun na lang ang kanilang kalungkutan nang magkasakit ang bata.

Dahil sa tindi ng impeksyon, kinailangang ilagay sa coma si baby Kiara. Dagdag pa ng mga doktor, kung mabuhay man daw si Kiara, ay posibleng magkaroon siya ng brain damage dahil sa kaniyang sakit.

Sa kasamaang palad, namatay si Kiara 14 na araw lang matapos siyang ipinanganak. Abot-abot ang kalungkutan ng mag-asawa, pati na ng mga anak ni Kelly na inaakalang magkakaroon na sila ng bagong kapatid.

At dahil sa insidente, inuudyok ni Kelly at Thomas na mag-ingat ang mga magulang, at siguraduhing hindi nilalapitan ng mga taong maysakit ang kanilang anak. Dahil napakahina pa ng immune system ng mga sanggol, at kahit simpleng sakit lang ay puwedeng makamatay.

Partner Stories
Longing for that nakasanayang Paskong Pinoy? Grab now lets you celebrate Christmas just like before with Padalove
Longing for that nakasanayang Paskong Pinoy? Grab now lets you celebrate Christmas just like before with Padalove
Why Knowing Children’s Current Academic Ability Can Help them Advance in School
Why Knowing Children’s Current Academic Ability Can Help them Advance in School
How is Your Child Coping with Online Learning?
How is Your Child Coping with Online Learning?
Max’s Corner Bakery Introduces New Cake Made with Award-Winning Malagos Chocolate in Time for Father’s Day 
Max’s Corner Bakery Introduces New Cake Made with Award-Winning Malagos Chocolate in Time for Father’s Day 

Mga hakbang upang makaiwas sa prenatal herpes

Heto ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan ng mga magulang pagdating sa herpes simplex virus:

  • Para sa mga magulang, mahalagang magpacheck kung mayroong herpes simplex virus. Mahalaga ito lalong-lalo na sa mga ina, dahil posibleng mahawa ang anak kapag may herpes ang ina, at natural ang delivery ng sanggol.
  • Iwasang ipahalik o ipahawak ang iyong sanggol sa kung sino-sino lang. Ito ay dahil mahina pa ang kanilang immune system, at madali silang mahawa ng iba’t-ibang mga sakit.
  • Palaging bantayan ang kalusugan ng iyong anak, at dalhin sila kaagad sa doktor kapag biglang bumaba ang kanilang timbang, sila ay nanghina, o bigla silang nagkasakit.
  • Maghugas palagi ng kamay kapag hahawakan ang iyong bagong panganak na sanggol, at siguraduhing malinis at sterile ang kanilang mga kagamitan. Mahalaga rin na maghugas ng kamay ang kung sino mang hahawak sa iyong sanggol.
  • Kung sa tingin mo mayroong herpes ang iyong sanggol, huwag mag-atubiling tumawag sa doktor, o dalhin ito agad sa ospital.

 

Source: Metro

Basahin: Sanggol namatay dahil ‘kinain’ ng herpes ang lungs at utak niya

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Isa nanamang sanggol ang namatay dahil sa halik
Share:
  • 4-linggo na baby, muntik nang mamatay dahil sa herpes

    4-linggo na baby, muntik nang mamatay dahil sa herpes

  • Sanggol namatay dahil 'kinain' ng herpes ang lungs at utak niya

    Sanggol namatay dahil 'kinain' ng herpes ang lungs at utak niya

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 4-linggo na baby, muntik nang mamatay dahil sa herpes

    4-linggo na baby, muntik nang mamatay dahil sa herpes

  • Sanggol namatay dahil 'kinain' ng herpes ang lungs at utak niya

    Sanggol namatay dahil 'kinain' ng herpes ang lungs at utak niya

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.