X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Neri Naig sa pagiging working mom: “Once or twice a month may day off ako. Hinihingi ko ‘yan”

5 min read
Neri Naig sa pagiging working mom: “Once or twice a month may day off ako. Hinihingi ko ‘yan”

Neri Naig kung paano niya nga ba nababalanse ang pagiging working mom at pag-manage sa kanilang mga negosyo.

Neri Naig, asawa ni Chito Miranda, ibinahagi ang kaniyang thoughts at pamamaraan kung paano niya naba-balance ang pagiging mom at business woman.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Neri Naig bilang mom at business woman
  • Diskarte moves ni Neri Naig bilang mom

Neri Naig bilang mom at business woman

Isa si Neri Naig sa mga kilalang personalidad sa bansa na talaga namang hands-on sa pagiging mom sa kaniyang baby. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na lamang pagiging mom sa kanilang mga anak ang kaniyang piangkakaabalan.

Sa kasalukuyan, maraming iba’t ibang klaseng negosyo ang pinasok ni Neri. Isa na siya ngayon sa mga social media personality na talaga namang sinusubaybayan at sinusuportahan ng mga tao.

Kahit na may mga anak na inaalagaan, maraming responsibilidad sa kanilang tahanan, at mga gampanin bilang asawa kay Chito Miranda, nagagawa pa rin ni Neri na i-balance ang kaniyang pamilya at trabaho.

neri naig

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Naig

Ano nga ba ang sikreto ni Neri para mapagtagumpayan ang hamon na kaniyangg kailangang harapin sa araw-araw? Ayon sa kaniya,

“Once a month or twice a month may day off ako. Hinihingi ko ‘yan”

Isa o kahit dalawang beses kada buwan ay pinagbibigyan siya ng asawang si Chito na magkaroon ng oras para sa kaniyang sarili. Nabanggit pa niya na kung minsan, kay Chito na rin mismo nanggagaling na talagang kailangan din niya ng pahinga.

Ang oras na ‘yon ang itinuturing niyang pagkakataon upang makapagpahinga at magawa ang mga bagay na nais niyang gawin pa sa kaniyang sarili. Sinusulit ‘di umano niya ang oras na ito upang makapag-relax nang walang inaalagaang chikiting.

Malaki ang naitutulong ni Chito sa asawang si Neri sa bagay na ito. Ayon kay Neri, nagbibigayan silang dalawang mag-asawa ukol sa kani-kanilang mga pangangailangan.

neri naig

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Naig

Kaya naman dahil dito, labis-labis rin ang kaniyang pasasalamat sa mga ginagawa ng kaniyang asawa para sa kaniya. Ito na lamang ang mga katagang laging nasasambit ni Neri sa twing iniisip ang mga ginagawa para sa kaniya ng kaniyang asawa,

“Ah salamat Lord, ang swerte swerte ko”

Sa likod ng success ni Neri sa larangan ng pagnenegosyo ay ang suporta ng kaniyang partner in life. Pagbabahagi pa ni Neri,

“Kumabaga, ako ‘yong mas nagtatrabaho ngayun. Wala siay nung ego na alam mo yun? Wala talaga eh, tulungan kami.”

Hindi naging isyu sa kanilang ang kanilang kasarian. Hindi naging mahalaga kung sino ang lalaki at sino ang babae pagdating sa trabaho. Mayroon silang malinaw na usapan kung saan nirerespeto nila ang desisyon ng bawat isa.

Palaging binibigyang diin ni Neri kung gaano siya kaswerte sa asawa niyang si Chito. Ayon sa kaniya, hindi siya nito pinipigilan sa mga bagay na gusto niyang gawin. Bagkus, siya ang nagsisilbing pundasyon at suporta upang lalo pang magpursige sa kanilang buhay para sa kanilang mga anak.

BASAHIN:

Neri Naig walang nakikita na mali sa pag-like ni Chito ng pix ng ibang babae: “Ang masama diyan ay ‘yong nililihim.”

LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

Neri Naig sa mga nagtatanong tungkol sa anak na si Pia: “Every child deserves a home and love.”

neri naig

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Naig

Samantala, hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang business woman at mommy na ngayun na si Neri Naig ay dating artista. Ngunit nang isang beses siyang tanungin sa isang presscon kung mayroon pa ba siyang balak bumalik sa industriya ng showbiz.

“Mas gusto ko kung nasaan ngayon ako,” ang kaniyang tugon.

Inamin niya na magpahanggang ngayon ay may mangilan-ngilan pa ring nagaalok ng proyekto sa kaniya mula sa iba’t ibang network. Subalit hindi niya ito matanggap dahil sa napakaraming bagay at responsibilidad na kailangan niyang i-consider.

Sinabi rin niya na ‘di gaya ng iba, hindi naman umano siya masiyadong sumikat sa industriya ng showbiz. Kaya lagi niyang tinitimbang ‘yong kahalagahan ng bawat isa bago pa man siya gumawa ng desisyon.

Samantala, hindi naman niya sinasara ang kaniyang pintuan para sa showbiz. Ayon kay Neri,

“If the price is right and the project is right, then go.”

Para sa kaniya, mahalagang isipin at timabangin yung partikular na proyekto kung worth it bang pansamantalang malayo sa kaniyang anak para rito. Bukod dito, marami rin siyang maiiwang negosyo kung pipiliin niyang bumalik sa showbiz.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Subalit sa kasalukuyan, matibay ang kaniyang loob at sigurado siyang masaya siya sa pagiging mom and at the same time ay isang businesswoman.

Neri Naig sa pagiging working mom: Once or twice a month may day off ako. Hinihingi ko yan

Larawan mula sa Instagram account ni Neri Naig

Diskarte moves ni Neri Naig bilang mom

Apat na buwan pa lamang ang nakakalipas mula nang maipanganak niya ang kaniyang second baby na si Cash. Kahit na bago pa lamang ay marami na agad siyang naging realization sa kaniyang buhay bilang magulang.

Tila naging wiser si Neri Naig sa pagkakataong ito. Sa isang presscon kasama ang Baby Flo, ibinahagi niya ang ilan sa kaniyang mag personal tips, lessons, and thoughts mula sa pagiging mommy.

“Ako talaga, may checklist ako eh,” pagbabahagi ni Neri.

Kahit saan pa mang bagay, kinakailangan niya lagi ang pagkakaroon ng Checklist. Mapa-grocery man ‘yan, goals, o mga responsibilidad bilang mom, wife, at business owner.

Ayon sa kaniya, mahalaga ang listahan para mapanatiling nasa ayos ang mga bagay na kailangan o dapat niyang gawin. Ibinahagi niya na sa dami ng mga gawain bilang magulang at asawa, magkakagulo-gulo ito kung wala siyang checklist.

Samantala, upang makatipid sa oras at pera, ibinahagi ni Neri iisa na lamang ang kanilang ginagamit na produkto lalo na kapag sila ay aalis.

“Hindi mabigat sa bulsa, lahat na, for family na.” pagsasaad niya ukol sa mga produktong kanilang ginagamit.

Isa ito sa kaniyang tipid tips para sa katulad niyang mommy. Hindi kinakailangan gumastos, dahil may mga affordable na gamit na swak para sa bawat member ng kanilang pamilya.

Masayang ibinahagi ni Neri Naig sa presscon ang ilang mga bagay na kaniyang natutunan sa pagiging ina na maaaring makatulong din sa mommies na katulad niya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Kamille Uriella Batuyong

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Neri Naig sa pagiging working mom: “Once or twice a month may day off ako. Hinihingi ko ‘yan”
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.