X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Neri Naig, preggy na sa uli sa baby nila ni Chito!

4 min read

Celebrity mom at wais negosyanteng si Neri Naig, buntis na sa kaniyang pangalawang baby!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Neri Naig, buntis na uli
  • Reaksyon ng mga netizens sa balita
  • Pag-iibigang Chito at Neri

Isang masayang Mother’s Day surpise ang ibinahagi ng celebrity mom na si Neri Naig nang inanunsyo niya na buntis na siya uli sa pangalawang baby nila ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda.

Neri Naig pregnancy announcement

Kahapon, May 9, nagpost si Mommy Neri sa kaniyang Instagram account ng larawan ng kaniyang silhouette sa tabing dagat na may caption na “Happy Mother’s Day. See you soon, our bunso.”

Kapansin-pansin rin sa larawan na malaki na ang tiyan ng wais na misis kaya mukhang matagal na nilang itinatago ang sorpresang ito.

neri naig baby

Larawan mula sa Instagram ni Neri Naig

Mayroon ring post si Chito sa kaniyang Instagram account kung saan ginagaya ng bokalista ang posing ng kaniyang asawa. Sa kaniyang caption, inanunsyo niyang magiging nanay na ulit si Neri at nasasabik na siya sa kanilang paparating na baby.

“Happy Mothers’ Day!!!
Busog lang ako.✌🏼😅
Si Neri, magiging mommy na ulit.😊👍🏻❤
…and again, “walaaaaang tulugaaaan!!!”
Pero sa totoo, excited na excited na ko hehe!”

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 63k ang pregnancy announcement post ni Neri at umabot na ng mahigit 83k ang post ni Chito. Napuno ang comments section sa posts ng mag-asawa ng mga pagbati sa kanilang magandang balita.

Naghatid rin ng pagbati ang mga katrabaho at kaibigan ng dalawa sa showbiz at music industry tulad nina Joross Gamboa, na kasabayan ni Mommy Neri sa programang Star Circle Quest, Hale vocalist na si Champ Lui Pio at celebrity moms na sina Andi Manzano, Jennica Garcia at Camille Prats, Candy Pangilinan at Iya Villania.

Maging ang ex ni Chito at kaibigan ng mag-asawa na si Kaye Abad ay bumati rin ng Happy Mother’s Day at congrats kay Mommy Neri. Kailan lang ay inanunsyo rin ni Kaye sa social media na buntis na siya sa pangalawang anak nila ni Paul Jake Castillo. Sumagot naman si Neri sa comment ni Kaye at binati niya rin ito.

BASAHIN:

Neri Naig shares breastfeeding experience: “Mahirap pero masaya”

Neri Naig on why she isn’t jealous of husband Chito’s gorgeous BFFs

Ibinahagi ni Kaye Abad ang kanyang karanasan bilang isang first-time mom

Wais na misis, wais na mommy

Unang nakilala si Neri Naig bilang isang magaling na aktres. Nagsimula siya sa showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest noong 2004.

Ikinasal sila ni Chito noong taong 2013 sa isang civil wedding, at church wedding naman noong 2015.

Ngayon, mas nakilala rin si Neri sa social media dahil sa kaniyang galing sa pagnenegosyo. Mas marami ring humanga sa celebrity mom sa pagiging maalaga at maabilidad na maybahay ni Chito at nanay sa anak nilang si Miggy.

neri naig baby

Larawan mula sa Instagram ni Neri Naig

Ngayon, isa si Mommy Neri sa mga iniidolong celebrity moms lalo na dahil sa kaniyang simpleng pamumuhay at pagbibigay ng “Wais na Misis” tips sa ibang nanay.

In God’s time

Sa kaniyang Instagram story, nagpost ang isang netizen ng mensaheng “Congrats! Sana all may baby number 2.” Sagot naman ni Neri, “In God’s time.”

Kung matatandaan, bago isilang ang baby boy nila Neri at Chito noong taong 2016, nagkaroon ng miscarriage si Neri sa first baby sana nila.

“June 3, 2015, wala nang heartbeat ang baby namin. Devastated. Galit na galit ako sa mundo noon, even kay God, nung panahon na ‘yon. Bakit?! ‘Yon ang palagi kong tanong sa Kaniya. Bakit ipagkakait na bigyan ako ng chance na maging isang ina, bakit kinuha agad ang baby ko? Bakit?! Sa lahat ng nakaka-relate dito, alam ko ang pakiramdam ng nawalan. Sobrang sakit. Pero malalagpasan mo rin ‘yan. Darating ang tamang panahon na talagang ipagkakaloob ni God sa ‘yo,'” sabi niya sa kaniyang post noong May 2019.

Sa pagbati ni Neri kay Chito noong kanilang huling anniversary noong December 2020, pabirong sinabi ng wais na misis sa kaniyang mister na gusto na niyang magkababy ulit.

“Thank you for being the best husband, the best father, at higit sa lahat, my best friend forever. I love you, I love you, I love you soooo much! Magbaby na ulit tayo! Hehe!”

neri naig baby Larawan mula sa Instagram ni Neri Naig

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Kaya naman siguradong masayang-masaya ngayon ang pamilya at mga tagahanga ng mag-asawa. Congrats, Neri at Chito!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Eusebio

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Neri Naig, preggy na sa uli sa baby nila ni Chito!
Share:
  • LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

    LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

  • Chito Miranda: "I've always been reckless and aminado ako na gago ako dati, but Neri never asked me to change."

    Chito Miranda: "I've always been reckless and aminado ako na gago ako dati, but Neri never asked me to change."

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

    LOOK: Sagot ni Neri Naig sa isang netizen patungkol sa malisyosong tsismis na sinabi nito tungkol sa asawang si Chito Miranda

  • Chito Miranda: "I've always been reckless and aminado ako na gago ako dati, but Neri never asked me to change."

    Chito Miranda: "I've always been reckless and aminado ako na gago ako dati, but Neri never asked me to change."

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.