Neri Naig proud na ibinahagi ang kaniyang graduation sa college at kung paano siya sinuportahan ng mister na si Chito Miranda para maabot ang bagong achievement niyang ito.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Neri Naig sa graduation niya sa college
- Mensahe ni Neri Naig sa mga tulad niyang nahuli at nangangarap paring makapagtapos ng pag-aaral
- Programang pinasukan ni Neri para maka-graduate sa kolehiyo
Neri Naig sa graduation niya sa college
Nitong Miyerkules ay unang nagbahagi ang aktres at ngayon ay kilalang wais na misis na si Neri Miranda na siya ay magtatapos na sa college. Sa kaniyang Instagram account ay nag-share si Neri ng graduation rehearsals na dinaluhan niya sa University of Baguio kung saan siya nag-aaral. Sa post niyang ito ay masayang ibinahagi ni Neri ang bagong achievement niya sa buhay na nalalapit niyang matanggap.
Kahapon ang matagal na hinintay ni Neri ay naisakatuparan na. Siya ay nakapagmartsa na papunta sa kaniyang pangarap na college diploma suot ang kaniyang toga.
“GRADUATE NA AKOOOOOO! Natapos din!”
Ito ang bungad na post ni Neri sa kaniyang IG account. Habang ibinibida ang kaniyang graduation pictures, syempre na katabi ang mister niyang si Chito Miranda.
Si Neri pinasalamatan ang supportive niyang mister na isa daw sa dahilan kung bakit niya naisakatuparan ang matagal niya ng pinapangarap na pagtatapos sa kaniyang pag-aaral.
“Thankful ako sa asawa kong palaging andiyan for me to support me. Masaya lang siya kahit nasa gilid lang at pinapalakpakan ako sa mga achievements ko. Mas magaan ang buhay kapag may nag-eencourage sa’yo at naniniwala sa kakayanan mo. Thank you, asawa ko. Mahal na mahal kita.”
Ito ang pasasalamat ni Neri sa kaniyang mister.
Pagbabahagi pa ni Neri, hindi naging madali ang journey niya na ito. Sa lahat nga daw ng nakasabayan niyang grumaduate siya ang pinakamatanda. Pero hindi naging hadlang ito para panghinaan siya ng loob at pigilan ang sarili sa pag-abot ng pinapangarap niyang college diploma.
“Looking at the graduates, ako lang pinakamatanda, hihi! Pero hindi ‘yon hindrance para sa gusto ko na maka-graduate. May listahan ako before turning 40. Ang maka-graduate ng college ay isa sa top priorities ko.”
Dagdag pa niya, ang bagong achievement niyang ito ay para sa kaniyang mga anak, sa mister na si Chito at higit sa lahat syempre para sa kaniyang sarili.
“Para sa mga anak ko ‘to! Sa asawa ko na very supportive, at syempre para sa sarili ko na pinush ko talaga na dapat kayanin. Walang imposible sa taong pursigido.”
BASAHIN:
Ruffa Gutierrez malapit ng mag-graduate ng college at 47 years old: “It’s never too late!”
Jodi Sta. Maria graduates college at 39 years old: “Success comes to those who want it”
Anak, nagdala ng standee ng yumaong ina sa kaniyang graduation
Mensahe ni Neri Naig sa mga tulad niyang nahuli at nangangarap paring makapagtapos ng pag-aaral
Si Neri nagbigay mensahe rin para sa mga misis at iba pang tulad niya ay nahinto sa pag-aaral at nais na maipagpatuloy ito. Iba-iba man daw ang dahilan walang mahirap sa taong positibo na kakayanin at gagawin lahat para sa kaniyang pangarap.
“Sa lahat ng nakakabasa nito, kung kaya ko, mas kayo niyo. Kung wala pang budget, mag-ipon ka lang. Iba iba man ang journey natin, ‘yong iba mas mauuna, may male-late lang konti, meron matagal talagang dumating kagaya ng sa akin.”
“Hindi naging madali sa akin lahat ha? Pero dahil palagi akong positibo na darating ang para sa akin, naghintay lang ako at habang naghihintay, ginagawa kong productive ang sarili ko. Para kapag ibinigay na ni Lord ang tamang panahon para sa akin, I AM READY.”
Ito ang sabi pa ni Neri.
Dagdag pa niya, hindi lang basta pagpupursige ang secret sa tagumpay. Ito ay nakasalalay rin daw sa iyong attitude at pakikitungo sa iyong kapwa na ilan sa mga ginawa niya para makarating at maabot ang achievement na ito sa buhay niya.
“Basta maging mabait lang sa lahat. Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon to, maging fair sa lahat lalo na sa sarili mo, umiwas sa mga toxic na tao, manalig kay Lord, magtiwala sa sarili, at higit sa lahat… mag-share ng blessings.”
Ito ang mensahe pa at tips mula sa kilalang wais na misis na si Neri Miranda-Naig.
Ang mga celebrity friends ni Neri hindi naman mapigilan ang paghanga sa aktres. Sila ay nagpaabot rin ng kanilang congratulations message sa bagong graduate.
piawurtzbach Congratulations Neri!
marieltpadilla Congratulations mommy Neri!!! You are so inspiring!!!!!
ricoblanco100 congratulations Neri! may you continue to inspire others
Ano ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation na pinasukang programa ni Neri para makapagtapos ng kolehiyo?
Naging possible ang pag-graduate ni Neri sa kursong sa kaniyang kinuha sa pamamagitan ng ETEEAP o Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program. Ito ay isang alternative learning education na pinangungunahan ng CHED o Commission on Higher Education.
Sa ilalim ng programang ito ay binibigyan ng pagkakataon ang mga working professional na hindi nakapasok o hindi nakatapos sa kolehiyo na maka-graduate.
Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hindi bababa sa limang taon karanasan na may kaugnayan sa kursong kanilang napili. Ang kanilang naging kaalaman, karanasan, at achievement sa kanilang trabaho ay gagamitin at maaring i-convert to school credits na kailangan nila bago maka-graduate.
Sa kaso ni Neri ay ginamit niya ang nalalaman niya sa pagpapatakbo ng negosyo at mga negosyong kaniyang naitayo para mabilis na magtapos sa kaniyang kurso sa loob lang ng isang taon.
Maraming school institutions sa bansa ang nagpapatupad na ng programang ito. Isa na nga rito ang University of Baguio na kung saan nagtapos si Neri sa kursong Business Administration.