Netflix, Spotify, Facebook at iba pang digital service, lalagyan ng 12% tax

Ipinasa ng House Committee ang pagkakaroon ng VAT sa iba't-ibang digital service sa bansa. | Lead image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaaring magkaroon ng tax ang iba’t-ibang digital service sa Philippines katulad ng Netflix, Facebook, Spotify, Google at iba pa.

Netflix, Spotify, Facebook at iba pang digital service, lalagyan ng 12% tax

Pinirmahan na ng House Committee ang bill na may panukalang maglagay ng 12% value added tax (VAT) sa iba’t-ibang digital transactions sa Pilipinas. Kasama na rin dito ang mga foreign service providers, online, digital o electronic.

Netflix, Spotify, Facebook at iba pang digital service, lalagyan ng 12% tax | Image from Unsplash

Nagbigay naman ng pahayag si Chairman Joey Salceda tungkol dito. Ayon sa kanya, kailangang magbayad ng malalaking kompanya ng VAT katulad ng Netflix dahil nagbebenta sila dito sa Pilipinas.

“Iyong malalaking kumpanya katulad ng Netflix, nagbebenta sa Pilipinas kaya dapat magbayad ng VAT. Pero wala nang income tax kasi we did not require them to have a domicile here.”

Lahat ng nasa digital service o mga serbisyong ginagamitan ng internet o electronic ay kasama sa bill na ito. Ito ay “an entity which provides digital service or goods to a buyer through an online platform for purposes of buying and selling of goods or services or by making transactions for the provision of digital services on behalf of any person.” Halimbawa na lang dito ay ang Netflix, Facebook, Spotify, Google at iba pang nasa ilalim ng digital service dito sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Netflix, Spotify, Facebook at iba pang digital service, lalagyan ng 12% tax | Image from Unsplash

Paglilinaw naman ni Chairman Joey Salceda hindi layunin ng bill na ito ang tirahin ang mga maliliit na business. At wala namang dapat ikabahala ang mga may sale ng 3 million pesos pababa dahil hindi na nila kailangang magbayad ng value added tax.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“If your sales are below P3 million, you are exempt from paying or filing VAT. If your net income as a sole proprietor is below 250,000, you are exempt from paying and filing income taxes. So, the small Facebook online seller will not be taxed, I guarantee you.”

Netflix, Spotify, Facebook at iba pang digital service, lalagyan ng 12% tax | Image from Unsplash

Sa loob ng digital service, narito ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Mobile applications
  2. Video games
  3. Webcast/webinars
  4. E-learning
  5. Online training
  6. Online newspapers
  7. Journal subscription
  8. Advertisement platform
  9. Payment processing
  10. Online licensing of software
  11. Digital contents (music, files, pictures, test at information)
  12. Electronic marketplaces
  13. Social network services
  14. Search engine services
  15. Database and website hosting
  16. Online data warehousing
  17. File sharing
  18. Internet-based telecommunication
  19. Cloud storage services

Aabot naman sa 10.66 billion pesos ang tinatayang halaga ng VAT na ito kapag naipasa ng tuluyan at ginawang batas.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

ABS-CBN

BASAHIN:

Tax deductions para sa mga work-from-home employees isinusulong

Sinulat ni

Mach Marciano