Sa bawat pagtatapos ng isang relasyon, may bagong tao ang darating sa iyong buhay. Kadalasan ay naging parte ng relasyon mo sa partner ang iyong anak.
Choosing a new partner? Heto ang rason kung bakit kailangang i-consider ang kids
Kaya kailangan nating i-consider ang iyong anak sa paghahanap ng new partner dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Ang iyong partner ay ready to parenthood.
Ang pagiging step parent ay isang malaking responsibilidad kaya mahalaga ito upang i-consider sa iyong bagong karelasyon.
2. Sensitive sa pakikitungo sa iyong anak.
Ito ay mahalagang i-consider dahil dito makikita kung ang iyong magiging karelasyon ay sensitibo pagdating sa iyong anak.
Dapat rin na marunong siya maging sensitive sa pakikitungo sa anak.
3. Ipakilala muna ang anak bago tuluyang magcommit.
Dapat ay magkaroon muna sila ng bonding bago mag commit o maging live in upang maiwasan awkwardness.
4. Handa ang iyong magiging kasintahan sa co-parenting.
Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan pa sa iyong ex kung kayo ay may anak kaya mahalaga ang pagiging ready o tanggap ng iyong partner ito.
5. Boundaries
Mahalaga rin ang boundaries lalo na sa parenting styles ninyo ng iyong co-parenting.
Ang iyong bagong kasintahan ay iyo lamang kasama sa buhay at hindi sila ang tunay na magulang ng iyong anak.
Kaya’t mahalaga na i-set ang boundaries upang hindi ma-overwhelm ang iyong anak sa iyong bagong kasintahan.
6. Mahaba ang pasensya.
Ito importante i-consider sa isang partner bago ipakilala ang iyong anak sa bagong karelasyon.
Kung iyong karelasyon ay hindi mapagpasensya ay nahihirapan siyang mag adjust sa iyong karelasyon sa iyong anak.
Ito ang mga dapat i-consider sa iyong kasintahan bago magcommit kung ikaw ay may kids.
Mahalaga na unahin ang kapakanan ng ating kids bago ang pag-ibig.
Kung maaari ay maghintay muna ng ilang buwan bago ipakilala ang iyong bagong partner sa iyong kids upang makakasiguro na ang iyong new relationship ay stable na.