Ang pagkakaroon ng “mamaya na habit” ay isa sa mga problema ng ilang parents. Ayon sa isang eksperto hindi ito madaling gamutin pero ika nga nila “prevention is better than cure”. Para hindi na lumala kung sakaling ganito ang inyong mga anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Payo ng eksperto para maiwasan ang pagkakaroon ng mamaya na habit ng isang bata
- 4 na parenting mistakes na nagdudulot ng “mamaya na habit” sa isang bata
Kaya naman bago pa humatong at magpatuloy ang ganitong pag-uugali ng inyong mga anak alamin mga parenting mistakes na nagdudulot sa mamaya na habit.
Siguro guilty rin tayo sa pagsasabi ng “mamaya na” minsan kasi mas mga bagay tao na inuuna kaya nasasabi natin ito. Subalit isa umano itong bad habit at hindi makakabuti para sa ating productivity.
Siyempre, ganun din para sa ating mga anak. Hindi ito makakabuti sa kanila sapagkat baka madala nila ito hanggang paglaki at magiging sanhi ito sa kanilang pag-grow at productivity sa buhay.
Kaya naman mommy para hindi humantong ang inyong anak sa pagkakaroon ng mamaya na habit ay iwasan ang mga parenting style na ito.
4 na parenting mistakes na nagdudulot ng “mamaya na habit” sa isang bata
Ayon kay Dr. Marty Nemko isang career at personal coach na nakabase sa Oakland Californina, at author ng 10 libro, mahirap mawala ang ganitong habit.
Isa umano sa mga nagdudulot at naglilikha ng ganitong habit sa mga bata ay mula sa eskuwelahan. Halimbawa na lamang dahil sa magandang grade ng isang bata kahit na lagi siyang nag-mamaya na habit.
Ang pinakamasamang dulot nito sa isang bata ay halimbawa na lamang idadahilan niya na masakit ang tiyan niya kaya mamaya na ito gagawin.
Subalit bago pa ito magsimula o maging ganito ang pag-uugali ng anak may mga parenting style umano ayon kay Dr. Nemko na dapat iwasan para hindi humantong sa ganito ang inyong mga anak. Ito ay ang mga sumusunod.
1. Pagpapangako na hindi naman natutupad sa bata
Larawan mula sa iStock
Kung ikaw mommy or daddy ang nangangako sa inyong mga anak na dadalhin siya sa mesuem o bibilhan siya ng ice cream pero hindi natutupad. Naku! Isa ‘yan sa mga parenting mistake na dapat mong iwasan.
Kapag nangangako ka at lagi mong sinasabi sa iyong anak sa tuwing nagtatanong siya kung kailan, at sinasabi mong “Sa susunod, promise” pero hindi mo naman ito natutupad.
Malaki ang epekto nito sa inyong mga anak. Sapagkat ang mga nirerespeto nilang role model katulad niyo ay nagpapakita rin ng mamaya na habit.
Kaya iwasan ito upang hindi ito magaya ng inyong mga anak. Sapagkat bilang magulang kayo ang role model nila.
2. Hindi ka nagbibigay ng rules sa iyong anak sa “mamaya na habit”
Maaari kang magbigay o mag-set ng rules sa iyong anak. Pero iwasan ang mga rule na nagdudulot lamang pagsasabi niya ng mamaya na.
Katulad na lamang halimbawa kapag tinanong mo ang iyong anak na, “Gusto mo bang gawin ang assignment mo o mamaya na lang pagtapos kumain?”
Kapag sumagot siya ng, “Pagkatapos pong kumain.” Subalit pagkatapos niyong kumain at sinabihan mo siyang gawin na ang homework niya ay isasagot niya na, “Inaabangan ko po itong palabas sa TV eh.”
Maaari kasing humantong ang mga ganito sa pagkakaroon ng mamaya na habit na hindi maganda para sa iyong anak.
Kaya dapat mag-enforce ng rule, mas magandang sabihin sa inyong anak na, “Bago kumain ay gawin mo na ang homework mo.”
Larawan mula sa iStock
3. Hindi ka napaghanda sa isasagot mo sa anak mo kapag nagpapakita siya ng mamaya na habit
Marami talaga ang masasabing excuses para sa mamaya na habit. Lalo na kapag inuutusan mo ang anak mo. Halimbawa kapag inutusan mo siyang linisin ang kaniyang kuwarto.
Sasabihin niya na mayroon pa siyang homework. Dapat ay handa ka sa isasagot mo sa mga ganitong pagkakataon upang maiwasan ang pagkakaroon ng mamaya na habit.
Larawan mula sa iStock
Maaaring sabihin sa iyong anak na, “Hindi pwede ang ganiyang dahilan anak. Alam mo na dapat ginawa mo na iyan kanina. May rules tayo at dapat matuto kang magbalanse at gamitin ang oras mo wisely.”
Sabihin ito sa iyong anak na hindi ka nagagalit o naiinis, dapat malumay lamang. Sapagkat kung galit ka sa pagsabi nito ay mas lalo siyang hindi susunod sa ‘yo.
Tandaan na hindi mo dapat pinipilit ang iyong anak lagi. Dapat ginagabayan at tinuruan natin ang ating mga anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!