X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

6 tips para mapangatawanan ang New Year’s resolution

4 min read
6 tips para mapangatawanan ang New Year’s resolution

New Year’s resolution, isa sa patok na patok na usapin tuwing papasok ang bagong taon. Ngunit kahit trending isa naman ito sa mahirap sundin at mahirap i-achieve na goal na nakadepende din naman sa taong gumagawa nito.

Ayon sa isang pag-aaral, lumabas na 77% ng may mga New Year’s resolution ang name-maintain ito sa loob ng isang linggo at bumabagsak sa 46% sa paglipas ng ilang buwan.

Ayon naman sa statistics ng Brain Research Institute, 8% lang sa kabuoang bilang ng taong mayroon nito ang nagtatagumpay na maisakatuparan ang New Year’s resolution nila. At kung gusto mong makabilang sa kokonting porsyento ng mga taong ito, narito ang ilang tips at paraan na maari mong gawin para maisakatuparan ang new year’s resolution mo.

new years resolution: mga tips para maisakatuparan ito

Photo: Pixabay

6 tips para ma-achieve ang New Year’s resolution mo

1. I-post ito sa social media.

Ang pagpo-post ng iyong New Year’s resolution sa social media ay isang paraan para ma-challenge kang maisakaturapan ito habang nakabantay ang ilang taong malalapit sayo. Ang pagshe-share din ng iyong resolution sa iyong mga kaibigan o kaya naman ay kapamilya ay isang paraan para makakita ng taong may kaparehong goal na maari mong makasamang abutin ito. Sa pamamagitan nito, ang pag-abot sa goal mo ay mas nagiging madali at enjoyable. Ayon ito sa American Psychological Association (APA).

Mabuti rin kung alam ng mga tao na nasa paligid mo ang resolution mo para matulungan ka nilang umiwas sa mga bagay na maaring makasira upang hindi mo maisakatupan ito.

2. Gumawa ng pa-isa-isang New Year’s resolution.

Ayon kay Dr. Ian Newby-Clark, isang psychologist sa University of Guelph sa Canada. Para mas maisakatuparan mo ang resolution mo ay pumili lang ng isang dapat mong gawin at huwag itong pagsabay-sabayin. Dahil sa tayo ay tao lamang at limited lang ang kaya nating gawin kaya ang pagkakaroon ng multiple resolutions ay hindi magiging posible.

Maari ring magsimula sa pinakamaliit o pinakamadaling resolution dahil sa pagdaan ng araw ay magiging habit mo na ito at mas magiging madali na sayong gawin ang mas malalaki at mas mahihirap na resolution.

 3. Hayaan mong mag-break ang sarili mo.

Marami sa mga gumagawa ng New Year’s resolution ang nag-a-aim ng perfection na impossible, ayon parin iyan sa APA. Minsan sa hindi mo sinasadyang pagkakataon maari mong ma-miss ang isang araw para gawin ang resolution mo.

Ayon sa mga pag-aaral, kahit na huminto ang isang tao sa paggawa ng kaniyang New Year’s resolution ay maari niya paring ituloy ito kung gugustuhin niya paring ma-achieve ang goal niya. Ang pagkakaroon ng break naman ay hindi dahilan upang isipin na napunta sa wala ang mga unang araw na inilaan mo para gawin ito. Hindi rin ito dahilan upang itigil na ang pagsakaturapan ng resolution mo bagkus isa lamang itong pahinga para may dagdag lakas kang gawin ang new year’s resolution mo sa susunod na mga araw.

4. Kung hindi kaya, mag-adjust sa resolutions mo.

Sa una ang paggawa ng New Year’s resolution ay mukhang exciting at isang challenge para sa iyo. Sa pagdaan nga ng araw mare-realize mong mahirap itong i-maintain.

Ngunit, hindi dapat ito maging dahilan upang itigil mo ng i-achieve ang goal mo. Imbis na maggive-up, mag-adjust o maglagay ka ng konting pagbabago sa new year’s resolution mo na mas magiging posible sa iyo na maisagawa. Ayon ito kay, Amy B. Scher, expert in mind-body healing and author of How To Heal Yourself When No One Else Can.

5. Magkaroon ng log.

Ayon sa isang pag-aaral ng University of Washington, ang pagmo-monitor ng iyong performance ay isang magandang paraan para mas ma-encourage at ma-insipire kang ma-achieve ang goals mo. Kaya para ma-track mo ang progess mo ay dapat kang magkaroon ng log ng mga pagbabagong nagagawa mo na may kaugnayan sa New Year’s resolution.

6. Magkaroon ng monetary commitment.

Isang pag-aaral naman ang nagsabi na ang pagkakaroon ng monetary commitment ay isang magandang paraan rin para maisakatuparan mo ang new year;s resolution mo. Tulad nalang ng ilang beses ka dapat pumunta sa gym na kung saan may monetary value ang bawat araw na hindi mo magagawa ito. Sa ganitong paraan ay hindi mo lamang maachieve ang goals mo ngunit makakaipon ka rin ng cash reward kung matagumpay mong maisasagawa ito.

 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Sources: Refinery 29, Entrepreneur

Basahin: Take the 52-week Ipon Challenge and save over Php130,000!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • 6 tips para mapangatawanan ang New Year’s resolution
Share:
  • New Year's resolution for women: This story will inspire you!

    New Year's resolution for women: This story will inspire you!

  • New Year’s Resolutions for Moms and Dads 2020

    New Year’s Resolutions for Moms and Dads 2020

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • New Year's resolution for women: This story will inspire you!

    New Year's resolution for women: This story will inspire you!

  • New Year’s Resolutions for Moms and Dads 2020

    New Year’s Resolutions for Moms and Dads 2020

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.