Newborn kidnapping nai-report sa isang paanakan sa Gingoog City, Misamis Oriental. Mga awtoridad naglabas na ng cartographic sketch ng suspek na tumangay sa sanggol.
Kaso ng newborn kidnapping
Sa isang CCTV footage na hawak ng mga pulis ay makikita ang isang babae na may buhat na sanggol habang papalabas sa Puriculture Center sa Barangay 16, Gingoog City. Siya ngayon ang itinuturing na main suspect sa nangyaring newborn kidnapping.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, Agosto 30 ng 8:30 ng gabi ng isinilang ni Marichu Villegas ang kaniyang pangatlong anak na babae. Ngunit nitong Setyembre 1, bandang alas-5 ng madaling araw nagising siya na wala na sa tabi niya ang sanggol.
Namalayan daw ng ina na may kumuha sa sanggol. Ngunit inakala niya na ito ay nanay niya dahil kasama niya ito ng manganak siya.
Gamit ang hawak na CCTV footage at statement ng nakakita sa naturang babae ay isinalarawan ng mga pulis ang itsura ng suspek, Ito ay may 5’2 na taas, kayumanggi ang kulay ng balat at maikli lang ang buhok. Nakasuot ito ng face mask, itim na jacket at short pants na kulay pink.
Base sa paglalarawan, ang suspek ay tinatayang nasa 57-65 years old.
Narito ang cartographic sketch ng pinaghihinalaang suspek.
Handa namang magbigay ng cash reward si Gingoog City Mayor Erick Cañosa at Vice Mayor Peter Unabia sa sinumang makakapagturo sa suspek.
Kung mayroong impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng naturang babae ay makipag-ugnayan lang kay Gingoog City Police Chief Lt. Col. Ariel Pontillas sa numerong 0917-791-7575.
Pagsisiguro ng security ng inyong anak sa mga paanakan
Samantala para makaiwas sa newborn kidnapping ay isaisip at tandaan ang mga sumusunod na paalala.
- Huwag basta iiwan ang iyong sanggol na walang ibang bantay na dapat ay isang kamag-anak o kapamilya na malapit sayo at mapagkakatiwalaan mo.
- I-pwesto ang higaan ng iyong baby malapit sayo at malayo sa pinto ng kwarto ng tinutuluyang paanakan.
- Para sa dagdag kaligtasan ng iyong baby ay huwag siyang basta ilalabas ng kwarto ng paanakan. Ipinapayo na tuwing ilalabas siya ay dapat nakalagay siya sa kaniyang higaan at dapat ito ay flat para siya ay maiwasang mahulog.
- Ang iyong baby ay hindi dapat inilalabas ng clinical unit o paanakan hangga’t walang go signal ng doktor o midwife na nagpaanak sayo. Maari lang siyang lumabas ng clinic kung siya ay dapat sumailalim sa treatment o imbestigasyon sa labas ng ospital o paanakan na kung saan kayo ay i-eskortan ng isang nurse o medical assistant.
- Huwag basta-basta ibibigay ang iyong anak kung kani-kanino kahit pa nagpakilala itong staff ng clinic o ospital.
- Maging mapagmatyag sa iyong kapaligiran lalo na sa may mga kahina-hinalang kilos.
- Iwasan ang newborn kidnapping at maging isang responsableng magulang sa iyong sanggol.
Source: CDODev.com, ABS-CBN News, Mater Mothers Hospital
Basahin: Warning sa mga magulang: May bagong kidnapping modus!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!