Nico Bolzico never nagselos sa mga nakatambal ni Solenn Heussaff: "That's her job. I really respect her profession."

Inilahad ni Nico Bolzico ang dahilan kung bakit hindi siya nakakaramdam ng selos tuwing may mga intimate scene si Solenn Heussaff.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inilahad ni Nico Bolzico na hindi siya nakakaramdam ng selos tuwing may nakakapareha sa showbiz ang kanyang misis na si Solenn Heussaff.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Nico Bolzico walang narararamdamang selos sa trabaho ni Solenn Heussaff
  • Paris trip ng pamilya nina Solenn at Nico
  • Love story nina Solenn at Nico

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Nico Bolzico walang narararamdamang selos sa trabaho ni Solenn Heussaff

Sa podcast na 'Superhuman' ni Wil Dasovich, napag-usapan kung nagseselos ba si Nico Bolzico tuwing may ka-kissing scene si Solenn Heussaff na ibang aktor.

Paliwanag ni Nico, hindi pa dumadating ang pagkakataon na may pinagselosan siya dahil sa line of work ni Solenn. Aniya pa, tingin niya ay wala ring dahilan ang kanyang misis para magselos sa kanya.

"I never got jealous, ever. And I think she didn't also."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nilarawan din ni Nico ang kanyang misis bilang 'hottest girl in the Philippines' kaya mahirap daw isipin kung siya ay magiging seloso.

"She's doing movies with kissing scenes, right... That's her job. I really respect her profession."

Paliwanag pa ng Argentinian businessman, kailangan umano ay 'healthy jealous' ang maramdaman sa isang relasyon. Wika ni Nico Bolzico, mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala at komunikasyon.

Ito'y para maiwasan ang pagkakaroon ng issue at selosan sa isang relationship ng mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"It's about trust and communication. If there is trust and communication, there shouldn't be security issue. There shouldn't be jealousy."

Ayon naman kay Wil Dasovich, malaki rin ang impact sa pagkakaroon ng tiwala sa isang partner depende sa karanasan ng isang tao sa kanyang naging past relationship.

Aniya, kapag naging masama ang experience sa mga dating nakarelasyon ay posibleng magkaroon ng trauma ang isang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paris trip nina Solenn at Nico

Sa naging pag-uusap pa nina Wil Dasovich at Nico Bolzico, naitanong sa mister ni Solenn Heussaff ang tungkol sa kanilang bakasyon sa Paris, France.

Ayon kay Nico, una silang nagtungo ni Solenn sa Europa. Sumunod naman ang mga magulang pati ang kapatid ni Solenn. Present din sa Paris trip ang kanilang mga niece at nephew.

Bukod dito ay nakasama rin nila sa Paris ang couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Nakapamasyal din sa France ang anak nila na si Dahlia Amelie.

Noong December 2021 nagtungo ang pamilya nina Nico at Solenn sa Paris para doon ipagdiwang ang holidays.

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa vlog ni Solenn noong February, binahagi ng aktres ang ilang adventure ng kanilang anak na si Thylane habang nasa Paris.

Kasama diyan ang na-experience ng Thylane na jet lag noong dumating sa Europe. Kaya naman agad itong kumain ng masarap na strawberry tart para malabanan ang hilo mula sa biyahe.

Nakipaglaro din si Thylane kay Baltie, ang baby naman ni Isabelle Daza. Nag-enjoy ang dalawa sa pagsakay sa carousel.

Samantala, nagbalik-tanaw din si Solenn sa kanyang naging buhay sa Paris kung saan siya nag-aral ng kolehiyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nag-aral ng fashion design si Solenn sa Studio Berçot. Bukod pa diyan ay nagpursigi naman ang aktres sa Ecole Fleurimont para naman maging bihasa sa make-up artistry.

BASAHIN:

Solenn Heussaff at Nico Bolzico, nakalimutan pareho ang kanilang wedding anniversary

Jamie nagsalita na sa dahilan ng pagtatalo nila ni Baron Geisler: "Grabe ang pag-relapse niya lately"

Misis ibinenta online ang mga gamit ng asawang 3 beses "sumakabilang-bahay"

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Love story nina Solenn at Nico

Sa web series nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, kanilang ikinuwento kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Ayon kay Solenn, noong una niyang makilala si Nico ay hindi pa niya priority ang pagkakaroon ng love life. Kaya naman aminado ang aktres na hindi niya type noong una ang mister.

"I met Nico at a time when I wanted to be single."

Bago rin umano siya makilala ni Nico ay hindi rin into serious relationship ang kanyang mister. Ito'y dahil na rin sa trabaho nito bilang analyst dati.

Anim na buwan lang daw kasi ang tinatagal nito sa isang bansa kaya hindi makapag-invest ng malalim sa isang relasyon.

Ngunit nagbago raw ito noong sila'y nagkakilala na noong 2011.

Tipikal daw ang kanilang naging unang pagkikita. Nagtungo siya sa isang club at doon siya ipinakilala kay Nico.

Aliw pa ang kanyang unang moment kay Nico dahil pinahawakan daw sa kanya ang abs nito. Aminado si Solenn na magandang lalaki si Nico, ngunit sa panahong 'yon ay hindi pa siya naghahanap ng iibigin.

Matapos ang kanilang unang meeting ay tila gumawa umano ang tadhana ng paraan para sila'y mapaglapit.

Ayon kay Solenn, limang beses pa silang nagkita ulit ni Nico. At sa pang-anim na beses ay doon na sila nagsimulang nagkapalagayan ng loob.

Kinuha niya ang number ni Nico. Sa kanyang kaarawan ay nagpadala si Solenn ng 10 text message para maimbita ang kanya palang magiging husband.

Kwento ng aktres, isang kaibigan niya ang nagsabi sa kanya na huwag na niyang pakawalan si Nico dahil ito'y mabuting tao.