Viral ngayon ang conversation ng isang magkumare dahil sa isyu ng regalo. Sa simula ng chat thread, nagtanong ang Ninang sa kaniyang Kumare kung babae ba o lalaki ang inaanak nito sa kaniya. Ngunit mabilis na nag-init ang palitan nila ng salita.
Binansagang “kuripot” at “madamot”
Tila gumagawa ng listahan ang Ninang ng mga inaanak na bibilihan ng regalo sa pasko kaya ito nagtanong sa kumare kung ano ang gender ng bata. Nalilito daw kasi ito sa dami ng kaniyang inaanak. Mabilis namang sumagot ang kumare na babae ang inaanak niya.
Hindi natapos ang usapan do’n. Nag-request ang Kumare na kung puwedeng sagutin na lang ng Ninang ang 100 souvenirs sa darating na 2nd birthday ng inaanak nito.
Nagulat ang Ninang sa request ng kaniyang kumare—lalt na’t tila madalian kailagan ang mga hinihingi. Nagtanong siya kung maaari bang cake na lang ang kaniyang ibigay. Hindi pumayag ang Kumare—souvenirs ang in-assign sa kaniya.
Nakipagtawaran ang Ninang kung puwede bang 30 na souvenirs na lang. Ayaw pumayag ng Kumare. Humiling pa ito ng additional na 50 invitations bukod sa 100 souvenirs.
Ipinaliwanag ng Ninang na marami pa siyang inaanak bukod sa anak ng kaniyang kumare at malulugi ang souvenir at invitation business niya sa dami ng hinihingi ng kaniyang Kumare.
Dahil hindi mapagbigyan, tinawag ng Kumare na “bwisit” ang godmother ng kaniyang anak.
Nag-post pa ito sa Facebook at sinabihan ng “kuripot” at “madamot” ang netizen.
Role ng ninong at ninang
Kailangan tandaan na ang role ng mga godparents ay hindi lamang para maging bisita sa binyag at para magbigay ng regalo tuwing kaarawan ng bata o di kaya’y pasko. Sila ay nagsisilbing taga-bigay ng payo sa mga inaanak kapag kapag kailangan nito ng tulong. Sila ay dapat malapit sa pamilya dahil magsisilbi silang pangalawang magulang sa inaanak. Hindi ito magagawa ng isang taong hindi nasusubaybayan ang paglaki ng bata.
Sa kasamaang palad, hindi ito ang kadalasang batayan ng iba sa pagpili ng ibang mga magulang sa magiging ninong at ninang ng kanilang anak. Malimit ay pinipili ang kaibigan o kamag-anak na mayaman o makapangyarihan upang makakuha ng magarbong regalo ang bata tuwing may okasyon.
Bukod sa mga nabanggit, tandaan ang rason kung bakit ipinagdiriwang ng mga Kristyano ang Pasko—si Hesus.
Basahin: This ninang’s conversation with her kumare is just all too real