Naglabas ng sama ng loob ang isang netizen sa Facebook sa kaniyang bad experience sa Ninja Van, isang sikat na courier ng mga delivery.
Gadgets na gagamitin sana para sa online class, bato na ang laman matapos ipadala
Trending ngayon sa social media ang isang post ng concerned citizen.
Magpapadala sana siya ng mga package na laman ay cellphone na gagamitin ng mga batang mag-o-online class ngayong school year 2020-2021. Ipinadala niya ito sa Ninja Van noong July 1, 2020 para sa mga studyante sa Mindanao. Ngunit dahil halos isang buwan tumagal ang delivery at wala pa rin ito sa destinasyon, agad niyang tinawagan ang courier.
Laking gulat niya ng pagkabalik sa kaniya ng mga package, ang box na may lamang cellphone dapat ay bato na ang ipinalit.
Sa kaniyang Facebook post, dismayado itong ibinahagi ang bad experience niya sa Ninja van dahil sa missing parcel nito.
“Kaya tayo walang pagasa Pilipinas, tayo lang nanloloko sa kapwa natin. Yung gagamitin na pang Online Class ng mga bata dapat, wala na ninakaw na. Binabawi lang natin yung karapatan ng batang gustong mag aral sa gitna ng pandemya. I will fight for this kids!
Makikita na noong July 2 niya ito ipinadala at ilang beses na na-rescheduled.
Humingi rin siya ng tulong para maibalik ang nawawalang parcel na para sana sa online class ng mga batang mag-aaral ngayong school year 2020-2021.
“Please help me share this post and stop Ninja Van Philippines and Grab from doing this crime. This is my package bound for Mindanao para sa mga bata mag oonline class. It took more than 1 month to be delivered so I triggered the return to sender. Pagkabalik, eto na ang laman.”
Ngayong August 24 ang pagsisimula ng blended learning na isinagawa ng Department of Education. Ang mga estudyante ay inaasahang bumalik sa eskwela ngunit gamit lamang ang e-learning o internet. Bawal pang magsagawa ng face-to-face learning ang mga paaralan dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa.
How to file complaint in Ninja van
Ang mga return deliveries ay maibabalik at may charged na nakabase sa laki ng iyong parcel.
Maaring magsend ng email sa [email protected]. Pwede rin silang tawagan sa numerong (02) 8271 1501 kung may iba pang katanungan.
DepEd laptop minimum specifications para sa online classes
Nagbigay ng minimum specifications ang Department of Education (DepEd) para sa mga nais mag donate ng laptop o iba pang gadgets sa mga public school para sa mga gagamitin ng bata sa kanilang online class ngayong school year 2020-2021.
Grab delivery nationwide | Image from Freepik
Ayon kay Department of Education Undersecretary for Administration Alain Pascua, naglabas ng rekomendasyon ang Information and Communications Technology Service para sa minimum specs na idodonate ng iba sa mga paaralan. Kabilang dito ang mga ibibigay na tablet, cellphone, laptop at desktop. Kasama na ang internet para sa mga mag-aaral at teacher na magagamit nila sa online class ngayong school year.
Gadget specification para sa mga guro:
Para maging effective ito, ang mga laptop na ibibigay sa mga teachers ay kailangang nasa 1.6Ghz speed at mayroong 8 GB RAM na memory. Dapat rin ito ay 12 inches ang size at 512 GB HDD SATA na mayroong built-in speaker at camera na mahalaga para sa kanila kapag may lecture online at kailangan ng video. Mayroon rin dapat itong bluetooth, keyboard, mouse at headseat.
Gadget specification para sa mga junior at senior high school students:
Para naman sa mga junior at senior high school students, kailangan ng 4 GB memory ang kanilang 2 in 1 tablet PC na may 1.1 GHz base clock speed din. Kasama na dito ang 10 inches screen at may internal storage na 32 GB. Katulad sa guro, mahalaga rin para sa mga estudyante ang magkaroon ng built in speaker at camera ang kanilang gagamiting gadget. Kasama na diyan ang bluetooth connectivity, keyboard, mouse at headseat.
BASAHIN:
Panukalang batas na maaaring iurong ang petsa ng pasukan, pinirmahan na ni Pres. Duterte
DepEd, nagbigay ng minimum specs para sa laptops at desktop na gagamitin sa distance learning
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!