X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Panukalang batas na maaaring iurong ang petsa ng pasukan, pinirmahan na ni Pres. Duterte

4 min read
Panukalang batas na maaaring iurong ang petsa ng pasukan, pinirmahan na ni Pres. DutertePanukalang batas na maaaring iurong ang petsa ng pasukan, pinirmahan na ni Pres. Duterte

Naka-enroll na ba ang iyong mga chikiting? | Image from Freepik

Kailan ang pasukan, ngayong August 2020 na ba talaga? Ito ang madalas na tanong ng ating mga mommy para sa kanilang mga chikiting na mag eenroll ngayong school year 2020-2021.

Balik eskwela ngayong school year 2020-2021

Hindi naging maayos ang pagtatapos ng school year 2019-2020 para sa mga mag-aaral dito dahil sa nangyaring COVID-19 outbreak. Matatandaang January 2020 ay unang umingay ang virus na ito sa bansa. Kasabay nito ang sunod-sunod na pagkakansela at pagsuspinde ng pasok sa mga eskwelahan dahil sa banta ng COVID-19.

kailan-ang-pasukan-august-2020

Kailan ang pasukan, ngayong August 2020 na ba talaga? | Image from Freepik

At dahil nga nag taas na rin ng utos na lockdown na ang buong Luzon, hindi na nakapasok ang mga studyante sa kanilang paaaralan. Ito ay hanggang matapos ang school year na ito. Naging komplikado ang mga pangyayari at takbo nito. Ang iba ay nagkansela na rin ng mga graduation ceremony para pagsunod sa social distancing. Ipinagbawal na rin kasi ang mass gathering para sa gayon ay makaiwas kahit papaano sa pagkalat ng COVID-19.

Sa public briefing na ginanap noong nakaraang buwan sa Laging Handa, opisyal na inanunsyo ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa Philippines ngayong August 24.

“Naireport ko na sa IATF last week at nasabi ko na ang naipili naming date. Dahil sa pagconsultation namin, ang preference nila ay August… Ang napili nating school opening date ay August 24,”

Ngunit dahil sa banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, hindi magiging normal o dating kinagawian ang pagsisimula ng bagong school year ng mga studyante.

Ayon kay Secretary Briones, maaaring pumunta mismo sa school ang studyante o kaya naman via online ang pag-aaral. Ang pagpasok ng studyante ay nakabase sa magiging desisyon ng government task force bawat lugar. Ang mode of learning na ito ay tinatawag na ‘Blended Learning’

kailan-ang-pasukan-august-2020

Kailan ang pasukan, ngayong August 2020 na ba talaga? | Image from Freepik

Nakapaloob sa Blended learning ang pagbibigay ng printed o digital study modules na ihahatid mismo sa mga estudyante. Maaari rin naman kuhain ito ng mga magulang ng bata sa designated place na itatalaga ng paaralan. Isa pang uri ng learning ngayon ay ang online learning kasama na ang TV at radio.

Ang klase ay magsisimula sa August 24 at magtatapos sa April 30, 2021.

Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.

Panukalang batas na maaaring iurong ang petsa ng pasukan, pinirmahan na ni Pres. Duterte

Ilang linggo na lamang natitira bago mag umpisa ang klase sa August 24. Ngunit marami pa rin ang hindi naka enroll ngayong darating na pasukan. Matatandaang isang buwan rin ang naging enrollment na nagsimula noong June 1 hanggang June 30.

kailan-ang-pasukan-august-2020

Kailan ang pasukan, ngayong August 2020 na ba talaga? | Image from Freepik

Ngunit sa bagong balita tungkol sa pasukan ng mga bata ngayong August, pinirmahan na ni President Duterte ang Republic Act No. 11480. Nakapaloob rito na maaaring ilipat sa ibang araw ang nakatakdang pasok ng mga bata mula unang Lunes ng June hanggang huling araw ng August.

Sa madaling salita, maaaring payagan ng pangulo na baguhin ang araw ng school opening. Ito ay nakabase rin sa desisyon ng education secretary. Ngunit mababago lang ito kapag may itinaas nang state of emergency o state of calamity.

Nakapaloob sa batas na ito na maaaring magtakda ng araw kung kailan matatapos ang school year ngunit kailangan pa ring i-consider ang mga holidays. Bukod rito, maaari na ring magklase sa araw ng Sabado ang mga estudyante. Kasama dito ang mga basic education school, foreign man ‘yan o international.

Paglilinaw naman ni DepEd Secretary Leonor Briones, nakatakda pa rin ang pagbubukas ng klase sa August 24 kahit na naipasa na ang bagong batas.

 

Source:

ABS-CBN

BASAHIN:

LOOK: Official DepEd academic school calendar ngayong S.Y 2020-2021

Partner Stories
Rides of all kinds and sizes can get a chance to win brand new wheels through McDonald’s All Wheels, All Wins Promo!
Rides of all kinds and sizes can get a chance to win brand new wheels through McDonald’s All Wheels, All Wins Promo!
Birch Tree boosts motivation and health
Birch Tree boosts motivation and health
Here’s why Chickenjoy is the Pride and Joy of the Philippines
Here’s why Chickenjoy is the Pride and Joy of the Philippines
A Peso for Every Smile
A Peso for Every Smile

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Panukalang batas na maaaring iurong ang petsa ng pasukan, pinirmahan na ni Pres. Duterte
Share:
  • Private schools maaaring magsimula ng klase sa Hunyo, ayon sa DepEd

    Private schools maaaring magsimula ng klase sa Hunyo, ayon sa DepEd

  • School year 2020-2021 magbubukas sa August ayon sa DepEd

    School year 2020-2021 magbubukas sa August ayon sa DepEd

  • Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

    Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

app info
get app banner
  • Private schools maaaring magsimula ng klase sa Hunyo, ayon sa DepEd

    Private schools maaaring magsimula ng klase sa Hunyo, ayon sa DepEd

  • School year 2020-2021 magbubukas sa August ayon sa DepEd

    School year 2020-2021 magbubukas sa August ayon sa DepEd

  • Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

    Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.