Hindi natin ipagkakaila bilang mga babae na sobrang fun at nakakenjoy ang paglalagay ng makeup sa mukha. Mula sa iba't ibang shade ng eye shadow, red lip stick, bronzers at blush on, kakaibang saya ang nadarama kapag perfect ang pagkakalagay ng mga koloreteng ito sa ating mukha.
Sa kabilang banda, may mga araw na gusto natin ay simple lamang ang ating makeup look. Kaya naman naging on-trend na rin ang no makeup look. Bukod sa pagiging simple, nailalabas nito ang natural na ganda at freshness ng mukha. Mas madali pa itong gawin kaya't tamang-tama para sa mga babaeng pumapasok sa school, office o always on the go.
[caption id="attachment_490019" align="aligncenter" width="1200"] No Makeup Look: Paano Ito Maachieve At Mga Produktong Dapat Gamitin[/caption]
Gusto mo bang malaman paano ito gawin? Patuloy na magbasa at alamin ang aming tips para maachieve ang perfect no makeup look at ang mga produktong makakatulong sa iyo upang magawa ito!
Tips para maachieve ang no makeup look
1. Huwag kalimutan gawin ang morning skin care routine bago maglagay ng makeup.
Kailangang handa ang iyong skin bago maglagay ng makeup sa mukha. Maghilamos at gumamit ng gentle cleanser upang makaiwas sa dry skin. Makakabuti ring gumamit ng toner at moisturizer upang maging plump ang balat para mas maging fresh ang itsura.
Pagkatapos nito ay maaari nang mag-apply ng primer para mas maging mukhang makinis at malambot ang balat. Magandang gumamit ng primer na mayroong sun and screen protection.
2. Gumamit ng concealer.
Makakatulong ang paggamit ng concealer sa pagtago ng dark under eye circles, acne marks at iba pang skin concerns sa mukha. Para magmukhang natural ang kalalabasan ng skin na nilagyan ng concealer, kaunti lamang ang gamitin sa mukha. I-blend muna ito at gamitin ang daliri sa pag-aapply.
3. I-enhance ang kulay ng pisngi.
Bigyan ng natural flush ang mukha at lagyan ng blush-on ang iyong cheeks. Pumili ng kulay na swak sa iyong skin type na tila ba natural lamang ang pagkakaroon mo ng rosy cheeks.
May mga lip and cheek oil na nakakapag adapt sa kulay ng balat na tamang-tama gamitin kung gusto mong maachieve ang no-makeup makeup look.
[caption id="attachment_490018" align="aligncenter" width="1200"] No Makeup Look: Paano Ito Maachieve At Mga Produktong Dapat Gamitin[/caption]
4. Isama ang face powder sa iyong makeup routine.
May mga taong hindi na naglalagay ng face powder matapos mag-apply ng iba't ibang kolorete sa mukha. Ngunit kung gusto mong mas maging fresh at natural ang iyong look, makakatulong ang magandang kalidad na face powder.
Piliin ang face powder na lightweight lamang at may thin coverage upang maiwasan ang flaking sa balat. Siguraduhin ding akma ang shade ng face powder na gagamitin sa iyong skin color.
5. Pumili ng lipstick na natural ang kulay.
Isa pa sa makakapagbigay sa iyo ng no makeup look ay ang mga lipsticks na may color na malapit sa kulay iyong labi. Maaari ring gumamit ng tinted lip balm upang mas maging natural-looking ang lips.
Iwasan ang paggamit ng matitingkad, dark at nude colors dahil makakasira ito sa iyong no-makeup makeup look.
6. Gumamit ng facial mist.
Kahit na kaunting produkto lamang ang ginamit sa iyong mukha, malaking tulong ang paggamit ng facial mist upang magmukhang glowing at dewy ang mukha. Makakatulong din ito upang hindi agad matanggal o humulas ang iyong makeup.
May mga facial mist na available sa market na mayroong SPF na nagbibigay proteksyon mula sa UV rays, blue light at pollution.
No makeup look: Products to use
Sunscreen Primer
[caption id="attachment_490010" align="aligncenter" width="1200"] No Makeup Look: Paano Ito Maachieve At Mga Produktong Dapat Gamitin | Happy Skin[/caption]
Concealer
[caption id="attachment_490011" align="aligncenter" width="1200"] No Makeup Look: Paano Ito Maachieve At Mga Produktong Dapat Gamitin | Maybelline[/caption]
Face powder
[caption id="attachment_490012" align="aligncenter" width="1200"] No Makeup Look: Paano Ito Maachieve At Mga Produktong Dapat Gamitin | Laneige[/caption]
Lip and cheek oil
[caption id="attachment_490013" align="aligncenter" width="1200"] No Makeup Look: Paano Ito Maachieve At Mga Produktong Dapat Gamitin | BLK[/caption]
Tinted Lip Balm
[caption id="attachment_490015" align="aligncenter" width="1200"] No Makeup Look: Paano Ito Maachieve At Mga Produktong Dapat Gamitin | Sunnies Face[/caption]
Facial mist
[caption id="attachment_490016" align="aligncenter" width="1200"] No Makeup Look: Paano Ito Maachieve At Mga Produktong Dapat Gamitin | Happy Skin[/caption]
Ika nga nila, less is more. Kaya naman kung nais mong maachieve ang clean girl o no makeup look, siguraduhing tamang-tama lamang ang dami ng ilalagay na produkto sa mukha maging ang mga kulay nito. Higit sa lahat, pangalagaan ang balat at magkaroon ng facial skin care routine upang maiwasan ang maagang pagtanda ng balat at iba pang concerns.