X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

“No video, no refund policy” ng mga online seller sa defective delivery items ilegal!

2 min read
“No video, no refund policy” ng mga online seller sa defective delivery items ilegal!

Ayon sa Consumer Act o RA 7394 ipinagbabawal pala ang no video, no refund policy ng ilang online sellers sa mga produkto nilang defective.

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) noong Pebrero sa mga online seller na ilegal umano ang “no video no refund policy” na ipinatutupad ng ilan sa mga ito.

“No video, no refund” policy ng mga online seller, bawal!

no video no refund

Larawan mula sa Shutterstock

Mommy and daddy, naranasan mo na rin bang makatanggap ng defective o damaged na delivery item o product na binili mo online? Tapos noong nag-request ka ng refund o kaya ng exchange ay hindi pumayag ang seller. At ang sabi ay dapat na may video muna habang binubuksan mo ang parcel? Ilegal pala ang polisiya na ito.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, ang “no video, no refund, or exchange” policy ay bawal. Nasa ilalim umano ito ng deceptive, unfair, at unconscionable sales acts or practices. Ito ay paglabag sa Republic Act 7394, o Consumer Act of the Philippines.

no video no refund

Larawan mula sa Shutterstock

“Sa katotohanan, ‘yung ‘no return, no exchange’ isa rin yan na ipinagbabawal ng DTI. Kasi karapatan ng consumer na pwede niyang ibalik ‘yung item na nabili niya kapag ito ay depektibo. Kapag ‘yung item ay depektibo, bukod sa ibalik yung item, may option din siya na humingi ng replacement o pwede rin siyang humingi ng full refund ng item na binili niya, pwede rin niyang ipa-repair,” saad ni secretary Nograles sa isang interview ng Super Radyo dzBB.

Nai-feature rin ni Attorney Chel Diokno sa kaniyang Legal Lifehacks sa social media ang usapin na ito. Aniya, ayon sa batas, ang sino mang lalabag sa Consumer Act ay kailangang magmulta ng hanggang P10,000 o makulong ng hanggang isang taon. Pwede ring parehong matanggap ang parusa na ito depende sa discretion ng korte.

no video no refund

Larawan mula sa Shutterstock

Kaya naman, paalala ni Atty. Chel Diokno, “Kung defective ang product, karapatan ng buyer ang refund o exchange kahit walang video.”

Kaya mommy at daddy, sa susunod na maka-encounter ng seller na iginigiit ang no video, no refund policy ay ipaliwanag dito na ilegal ito ayon sa batas.

Partner Stories
Show your babies in superhero action and win up to P15,000-worth of baby items from Huggies PH!
Show your babies in superhero action and win up to P15,000-worth of baby items from Huggies PH!
Avon launches its brand new branch model in Taft 
Avon launches its brand new branch model in Taft 
Lazada's 11.11 sale 2019 shopping guide
Lazada's 11.11 sale 2019 shopping guide
ASTAXANTHIN: The latest trend in Anti-Aging!
ASTAXANTHIN: The latest trend in Anti-Aging!

GMA News Online, Atty. Chel Diokno

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • “No video, no refund policy” ng mga online seller sa defective delivery items ilegal!
Share:
  • Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

    Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

  • PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

    PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

  • 14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

    14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

  • Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

    Babala sa Magulang: Mag-ingat sa Pagbabahagi ng Litrato ni Baby sa Online Contest

  • PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

    PHIVOLCS Warning: 168,000 Gusali Maaaring Gumuho Kapag Tumama ang 'The Big One'

  • 14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

    14-anyos patay sa panananaksak ng kaklase dahil umano sa bullying?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko