#AskDok: Paano malalaman kung nakapulupot ang umbilical cord sa leeg ni baby?

Narito ang kasagutan sa iyong tanong tungkol sa nuchal cord coil.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nuchal cord coil – delikado ba kapag nakapulupot ang umbilical cord sa leeg ni baby? Narito ang mga dapat mong malaman.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang nuchal cord coil?
  • Mga senyales na nakapulupot sa leeg ang umbilical cord ni baby
  • Paano nakaka-apekto ito sa panganganak?

Maaring nakarinig ka na ng mga pangyayari kung saan nakapulupot sa leeg ng sanggol ang kaniyang umbilical cord. Maaaring magdulot ng kaba o takot sa panganganak ang mga kuwentong ito. Pero bago ka mabahala, mommy, narito muna ang mga dapat mong malaman tungkol sa nuchal cord coil.

Nuchal cord coil

Nuchal cord coil ang salitang ginagamit ng mga doktor para ilarawan ang pangyayari kung saan nakapulupot ang umbilical cord sa leeg ng sanggol. Maaari itong mangyari habang ipinagbubuntis o ipinanganganak si baby.

Mahalaga ang umbilical cord para makakuha ng nutrisyon, oxygen at tamang pagdaloy ng dugo sa iyong sanggol. Bagama’t ang sitwasyong ito ay maaaring magdala ng kaba sa mga magulang, karamihan ng mga ganitong pangyayari ay hindi naman delikado para sa mag-ina.

Sa katunayan, isa sa tatlong sanggol ang ipinapanganak na nakapulupot ang umbilical cord sa leeg pero naisisilang pa rin nang ligtas at malusog.

Alam ng mga nagbubuntis kung gaano kalikot si baby sa loob ng tiyan, kaya hindi talaga maiiwasan na umikot ang kaniyang umbilical cord at mapunta sa kaniyang leeg.

Ang umbilical cord ay binabalot ng isang substance na tinatawag na Wharton’s Jelly. Nakakatulong ito para maprotektahan ang umbilical cord mula sa mga pagkakabuhol at panatiliing ligtas si baby gaano man sila kalikot.

May mga kaso na hindi sapat ang Wharton’s jelly na nakabalot sa umbilical cord kaya mas malaki ang posibilidad na mapulupot ito sa leeg ng sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mataas din ang posibilidad ng nuchal cord coil sa mga sumusunod:

  • kambal o higit sa isang sanggol ang ipinagbubuntis
  • sobra ang amniotic fluid sa katawan
  • masyadong mahaba ang umbilical cord

Walang paraan para makasigurong maiiwasan ang nuchal cord coil. Hindi rin ito sanhi ng kahit anong ginawa ng ina habang nagbubuntis.

Sintomas ng nuchal cord coil

Paano mo nga ba malalaman kung nakapulupot nga ang umbilical cord sa leeg ng iyong anak?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa Healthline, walang siguradong paraan para malaman kung may nuchal cord coil ang isang sanggol base lamang sa mga sintomas ng buntis, kaya mahirap hulaan kung kailan nangyayari ito.

Maaaring makita ng iyong doktor kung nakapilipit nga ang umbilical cord ni baby sa pamamagitan ng ultrasound, subalit hindi rin ito sapat para matukoy kung may dala itong mga komplikasyon sa kalusugan ng iyong anak.

Subalit ayon kay Dr. Maria Theresa Lopez, isang OB-gynecologist mula sa Makati Medical Center, isang paraan na maaaring magsabi kung nakapulupot ang umbilical cord sa leeg ni baby ay sa pamamagitan ng pagbabantay sa paggalaw ng sanggol sa iyong tiyan.

“The one thing that most moms would feel is the movement is much lesser. That is why it is important to monitor your baby’s fetal movement. Marami kasing babies na that their cord is looped.” aniya.

Kapag natukoy sa ultrasound na may nuchal cord coil ang bata, huwag magpanic. Kadalasan, kusa namang natatanggal ang pagkapulupot ng umbilical cord bago mo ipanganak si baby.

Kung hindi naman, may paraan ang mga doktor na maipanganak ng maayos at ligtas si baby, kahit mayroong nuchal cord coil.

Kapag nakita naman niya na maaaring delikado ang lagay ng nuchal cord coil, magsasagawa ng mas masusing pagsusuri para maiwasan ang mga posibleng komplikasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Anong normal na paggalaw ni baby sa tiyan at kailan dapat mag-alala?

How to use the Kick Counter on theAsianparent App

3 Umbilical cord dangers to watch out for during labor and delivery

Paano nakakaapekto ang nuchal cord coil sa panganganak?

Bihira naman ang mga pagkakataon na nagdudulot ng komplikasyon ang nuchal cord coil. Pero kung nag-aalala ka pa rin tungkol rito, maaari mong kausapin ang iyong doktor para mapalagay ang iyong loob.

Karamihan ng mga komplikasyon ay nangyayari kapag ipinapanganak mo na si baby. Dahil sa mga contraction, maaaring maipit ang umbilical cord at mababawasan ang dugo na umaabot sa sanggol. It0 ang sanhi ng pagbababa ng heart rate ni baby.

Pero agad naman itong makikita ng iyong doktor at karamihan ng mga ganitong kaso. Naipapanganak naman ng maayos ang sanggol nang walang mga komplikasyon.

Subalit kung sinusubukan mong ipanganak si baby at patuloy na bumababa ang kaniyang heart rate, maaring ipayo ng doktor na sumailalim ka sa isang emergency cesarean delivery.

Sa mga bihirang kaso, maaaring magdulot ang nuchal cord ng pagdalang ng paggalaw ni baby, o makasagabal sa paglaki ng fetus kung maagang mangyayari ang pagkapulupot ng umbilical cord.

Posible bang magdulot ng brain damage ang nuchal cord coil?

Kung masyado nang masikip ang pagkapulupot ng umbilical cord sa leeg ng sanggol, maaring mahinto ang pagdaloy ng dugo papunta sa kaniya at maging sanhi ng brain damage o kamatayan habang ipinagbubuntis o ipinapanganak.

Kung nasa may bandang leeg na ni baby ang umbilical cord. Maaari itong sumikip habang bumababa ang ulo niya papunta sa birth canal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa mga indikasyon na humihigpit ang nuchal cord ay kapag bumababa ang heart rate ng sanggol. Sa mga ganitong kaso, ipinapayo sa mga ina na sumailalim sa emergeny cesarean section (c-section).

Tanungin si doc kung nakapulupot ba ang umbilical cord sa leeg ni baby sa sunod mong ultrasound |Larawan mula sa Freepik

Pagbabahagi ng isang mommy

Naranasan ko na magkaroon ng nuchal cord coil ang dalawa kong anak habang isinisilang sila. Sa una kong pagbubuntis, nakita sa ultrasound na nakapulupot ang kaniyang umbilical cord sa kaniyang leeg habang nasa kalagitnaan ako ng labor.

Nakaramdam ako ng kaba kaya gusto ko na sanang sumailalim sa cesarean delivery. Subalit sa palagay ng aking doktor at mga midwife, kaya pa rin mag-normal. Kaya nagpatuloy ang aking labor habang patuloy rin na binabantayan ang heart rate ni baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa huli, naisilang ko siya sa pamamagitan ng normal delivery at hindi nagkaroon ng anumang komplikasyon sa kaniyang kalusugan. Paglabas niya sa aking sinapupunan, nakita ng asawa ko na nakapulupot pa ang umbilical cord sa kaniyang leeg.

Iba naman ang nangyari sa kapatid niya. Matapos akong tusukan ng epidural para sa aking normal delivery, napansin ko na humina ang aking contractions.

Nakita rin sa monitor na humihina ang heart rate ni baby. Dahil rito, nirekomenda ng aking OB-Gyn na sumailalim ako sa cesarean delivery.

Aniya, kung magpapatuloy ang pagbaba ng heart rate at oxygen ng aming anak. Baka magkaroon ito ng epekto sa kaniyang brain.

Kaya bagamat wala sa plano, nagdesisyon kami na isilang ang aking anak sa pamamagitan ng c-section. Hindi naman ako nagsisisi dahil lumaking malusog at matalino ang aking anak.

Pagbantay ng paggalaw ni baby, makakatulong ba?

Paliwanag ni Dr. Lopez, dahil sa maaring mapaikot-ikot si baby sa loob ng tiyan at hindi agad mahuhulaan kung nakapulupot ang umbilical cord sa leeg, ang isang batayan na maaaring makatulong malaman kung mayroong cord coil ay kapag humina o nabawasan ang paggalaw ni baby sa tiyan.

Pahayag niya,

“We have to remember that the cord is a soft and very slippery organ and babies can go in or out of those loops.

So even if we do an ultrasound for you, pretty much on a weekly basis, pwedeng makita natin ‘yung loop ngayong linggo na ito, the next week wala na siya.

These are very much possible. Pwede ngayong linggo wala, pero baka sa susunod meron na kasi your baby is in constant motion. So what moms could definitely feel is may decrease sa fetal movement.”

Dahil rito, makakatulong na bantayan at bilangin ang paggalaw ng sanggol sa tiyan, at pansinin kung normal o hindi ang kaniyang ikinikilos.

Ayon sa website ng Count the Kicks.org, bago pa makita sa doppler na bumababa ang heart rate ng isang sanggol, maaring malaman sa kaniyang ikinikilos kung mayroong komplikasyon sa pagbubuntis gaya ng nuchal cord coil.

Nirerekomenda ng mga eksperto na simulan ang pagbibilang ng galaw o sipa ni baby sa tiyan kapag nagsimula na ang ika-28 na linggo ng pagbubuntis.

Makakatulong ang mga paggamit ng fetal kicks counter sa iyong telepono tulad ng kicks counter sa TheAsianParent app. Libre lang ang pagdownload nito.

Paalala rin ni Doc Lopez, kapag nakaramdam o nakapansin ng pagbaba sa bilang ng paggalaw ni baby sa tiyan, huwag magdalawang-isip na tanungin ang iyong doktor. “If this happens, the advice is to go to your obstetrician agad.”

Maaari mong gamitin ang fetal kicks counter sa theAsianparent app para mabantayan ang paggalaw ni baby | Larawan mula sa Freepik

 

Source:

Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Camille Eusebio