Nurse Alita Gonzales ng PGH pinuri ng mga netizen sa kaniyang dedikasyon sa trabaho. Dahil sa kabila ng kaniyang edad na mas at risk sa sakit na COVID-19, nurse Alita Gonzales hindi mapipigil sa pagbibigay serbisyo sa kapwa niya Pilipino.
Nurse Alita Gonzales ng PGH
Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng netizen na si Maricon Gonzales ang pagiging proud niya sa inang si Nurse Alita Gonzales.
Ayon sa kaniya 11-buwan nalang ay mag-reretire na ang kaniyang ina dahil ito ay 64-anyos na. Ngunit sa kabila nito ay determinado pa raw itong pumasok sa trabaho at iligtas ang buhay ng kaniyang mga pasyente.
Sa tuwing sinasabihan nga raw ito na manatili nalang sa kanilang bahay dahil baka mahawa pa ito sa sakit ay ito lang umano ang isinasagot ng kaniyang ina: “May sinumpaan kaming tungkulin sa bayan.”
Ito ang buong Facebook post ni Maricon
“My mom is a nurse. Only 11 months before her retirement. 64 years old and very prone to this Covid19 virus. Despite all of these, she is very determined to go to work and help save lives. All of us in the family asks her to stay home due to the fear of her getting infected but nobody can stop her. Her only answer is “May sinumpaan kaming tungkulin sa bayan… Yes, that is how committed my mom is.. Risking her life to save others…
I am a proud daughter of a very hard working, determined and dedicated Nurse. Nurse Alita Rosario Gonzales
We love you always mama! You always make us proud daughters…
Salute to all those risking their lives.
Cheers to all the frontliners…”
Reaksyon ng netizens
Ang post na ito ni Maricon ay hinangaan ng mga netizen. Sa kasalukuyan ay nakatanggap na nga ito ng higit na 37k na reactions at nai-share na ng higit sa 4.6k times. Ilan nga sa naging komento ng mga netizens sa kabayanihang isinasagawa ni Nurse Alita Gonzales ay ang sumusunod:
“Thank you Maam for your service from the heart. You are strong and protected by the blood of Jesus! No weapon formed against you shall prosper!”
“May God continually protect you and all the frontliners. May your SACRIFICES be a sweet aroma to His throne. That grace and mercy will flow from His throne and crush this plague. In Jesus Mighty Name.”
“U are a good model to ur fellow nurses. Irregardless of d known danger u still opt to serve. Im very proud of ur courage n determination. May d good Lord protect n kep u safe always… Frm central visayas nurse …. Thank u”
“I am so speechless for your courage and patriotism Madam Nurse , may the Lord Jesus and Mother Mary continue to shield you and all frontliners against this deadly virus.”
Si Nurse Alita Gonzales ay Head Nurse ng Central Endoscopy Unit ng Philippine General Hospital. Ayon kay Maricon, araw-araw ay nagigising umano ng ala-3 ng umaga ang kaniyang ina upang maghanda at pumasok sa kaniyang shift ng 7:30am-3:30pm. At sa loob ng 36 taon ng pagsesebirsyo ay nananatiling dedicated at determined daw ang kaniyang ina sa sinumpaang tungkulin nito.
Iba pang tulad ni Nurse Alita Gonzales
Marami pang tulad ni Nurse Alita Gonzales ang patuloy na nagbibigay serbisyo sa publiko sa kabila ng peligrong banta ng COVID-19 sa mga buhay nila. Dagdag pa ang diskriminasyon na kanilang natatanggap dahil sa pag-aakalang baka sila ay may dala narin ng virus. Ang ilan nga sa kanila ay kasalukuyang nilalabanan ang sakit at hindi pa sigurado kung sila ay mabubuhay at malalapagsan ito. Tulad nalang ni Dr. Grace Caras-Torres, isang active consultant sa St. Luke’s Medical Center. Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Dr. Torres ang kaniyang nararamdaman at kasalukuyang laban sa sakit na COVID-19.
“Ako si #PH194. Mabuti nang sakin nyo direktang malaman, kesa sa tsismis. Hindi ko akalaing tatamaan ako agad. Nagsisimula pa lang ang gyera nun, casualty na ako. Akala ko chikungunya lang. High grade fevers na paulit- ulit. Kakaibang sakit ng ulo at katawan. Hindi makakain. Saka lang nag-sink in sakin na posibleng Covid nga ito nung malaman kong may symptoms din yung kasama kong mag-opera ilang araw nang nakalipas. Diyos ko po, una kong naisip ang pamilya ko: ang anak kong 4yo, ang parents kong seniors. Inexpose ko sila, ang iyak ko noon. Di bale nang ako, wag lang sila.”
“Nagkulong na ako sa kwarto. Nag-birthday akong nakaquarantine at may sakit na nakamamatay. Buti pala umabot pa ako ng 42. Wala akong choice kundi libangin ang sarili ko sa pagbabasa ng soc med. Ang mga colleagues kong may covid ay naka-intubate. At 4 na nga silang namatay. Akala ko pagaling na ako, bigla akong nagtae. Sabi sa Wuhan, pag nagkaroon ng GI symptoms, tuluy-tuloy nang pumapangit ang kundisyon.”
Dr. Torres: “Ngayon lang ako natakot. Napaiyak ako. Hindi pa ako handang mamatay.”
“Ngayon lang ako natakot. Napaiyak ako. Hindi pa ako handang mamatay. Masamang damo ako, di ba? Kelangan pa ko ng anak ko. Sasabak pa ko sa gyera… Hindi lang pala virus ang kalaban ko, pati katinuan ng pag-iisip. Kaya kamustahin nyo mga kakilala nyong may sakit, mga naka-quarantine, at ang pamilya nila. Kelangan nila ng pagpapalakas ng loob.”
Image from Unsplash
“Sana matapos na ito, sana gumaling na kami. Sana wala nang mamatay. Miss na miss ko na ang anak ko. Ngunit salamat pa din sa lahat ng taong tumulong at nangamusta. Too many to mention. Mahal ko kayo. At Dyos ko, maraming salamat po at buhay pa ako at ok ang pamilya ko.”
Patuloy sana nating ipagdasal ang mga frontliners tulad nila Nurse Alita at Dr. Torres. At sana magkaisa tayo sa layuning wakasan na ang pagkalat pa ng virus sa ating bansa at sa buong mundo.
Source: GMA News
BASAHIN: Doctors who died because of COVID-19; Salamat, you are our heroes!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!