Ano ang Obynal M at bakit ito nirereseta sa buntis?

Ano ang Obynal M at bakit hindi ito dapat basta-basta iniinom ng isang buntis ng walang preskripsyon ng doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Obynal M: Ano at para saan ang gamot na ito?

Obynal M para saan at ano ito?

Sa tuwing nagbubuntis ang isang babae ay mahigpit na inirerekumenda ng mga doktor na siya ay uminom ng supplement o vitamins. Ito ay upang mas lumakas ang katawan niya sa pagbabagong idinudulot ng pagdadalang-tao. At para maging malusog at maayos ang development ng sanggol na dinadala niya sa kaniyang sinapupunan. Mahalaga rin na manatiling malusog ang buntis upang mas tumibay ang kaniyang resistensya laban sa sakit na maaring makaapekto sa kaniyang pagdadalang-tao.

Image from Freepik

Madalas ang inirereseta sa mga buntis ay mga multivitamins na nagtataglay ng iba’t-ibang nutrients na kaniyang kailangan. Partikular na ang folic acid na mahalaga sa development ng mga body organs ng isang sanggol. Isa na nga sa mga uri ng vitamins na inirereseta sa mga buntis ay ang Obynal M.

Ang Obynal M ay isang special nutritional supplement na madalas na inirereseta sa mga babaeng buntis. Puwede rin ito sa mga babaeng nagbabalak magbuntis at kapapanganak palang. Dahil sa ito ay nagtataglay ng mga substantial amounts ng mga mahalagang nutrients na kailangan sa pagbubuntis at nagpapasusong ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang taglay ng nutrients ng Obynal M?

Multivitamins at folic acid ang active ingredient ng Obynal M, kaya naman madalas rin itong ireseta sa mga babaeng may nutritional deficiency o nakakaranas ng physiological stress sa tuwing nagdadalang-tao.

Ang bawat capsule ng Obynal M ay nagtataglay ng sumusunod na mga nutrients na nag-memaintain ng physiological balance ng katawan.

Vit A 5,000 iu, vit B1 3 mg, vit B2 3 mg, vit B6 10 mg, vit B12 6 mcg, vit C 100 mg, vit D 200 iu, vit E 30 iu, niacinamide 20 mg, Ca pantothenate 6 mg, folic acid 250 mcg, Fe fumarate (equiv to elemental Fe 18.95 mg) 60 mg, Ca lactate 250 mg, iodine 150 mcg, Mg 5 mg, manganese 1 mg, copper 500 mcg, Zn 500 mcg and fluoride 500 mcg.

Ngunit mahalaga rin na tandaan na ang pag-inom ng multivitamins ay hindi substitute sa pagkakaroon ng nutritious o balanced diet. Para masigurong magiging malusog ang pangangatawan ng buntis at dinadala niyang sanggol ay kailangan niya paring kumain ng mga prutas at gulay. At iba pang uri ng pagkain na nagtataglay ng mga nutrients na kinakailangan ng kaniyang katawan. Tulad ng karne, isda, seafood at iba pang uri ng masusustansyang pagkain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Paano ito inumin?

Gaya ng ibang uri ng multivitamins ang Obynal M ay kailangang inumin isang beses sa isang araw. Maari itong inumin bago o matapos kumain depende sa kung saan komportable o hindi makakaranas ng pananakit ng tiyan ang pasyente o babaeng buntis.

Hindi ito dapat isinasabay inumin sa mga antacids o tetracyclines na uri ng antibiotic. Dahil sa maaring mapigilan nito ang effectivity o absorption ng gamot sa katawan. Kung kailangang uminom ng mga naturang gamot kasabay ng Obynal M mas mabuting maghintay o maglagay ng 2 oras na allowance sa pag-inom ng bawat medikasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga pasyente ring maaring maging hypersensitive sa pag-inom ng Obynal-M. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Umiinom ng aldosterone at triamterene. Kung isasabay ito sa pag-inom ng Obynal M ay maaring magdulot ito ng hypercalcemia o mataas na calcium level sa katawan.
  • Pasyenteng nakakaranas ng hyperkalemia o may mataas na potassium level sa katawan.
  • May sarcoidosis, isang uri ng inflammatory disease.
  • Mayroong nephrolithiasis o kidney stones.
  • Nakakaranas ng severe renal failure.
  • May Wilson’s disease o isang uri ng genetic disorder.
  • Nakakaranas ng hematochromatosis o iron overload sa katawan.
  • Mga pasyenteng umiinom ng phosphates at levodopa.

Image from Freepik

Obynal M side effects

May mga Obynal M side effects rin ang naitalang naranasan ng ilang pasyente o babaeng uminom ng supplement. Bagamat ang mga side effects na ito ay bibihirang nararanasan ng mga umiinom ng Obynal M, ang ilan dito ay seryoso at nangangailangan ng agarang konsultasyon sa doktor. Ang mga naitalang side effects ng Obynal M ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Gastrointestinal intolerance o pananakit ng tiyan, constipation at diarrhea.
  • Allergic manifestations tulad ng pangangati at pamamantal ng katawan, hirap sa pahinga at iba pa.
  • Idiosyncratic reactions tulad ng anorexia o kawalan ng gana kumain o pagsusuka.
  • Photosensitivity o pagiging sensitive sa sinag o liwanag
  • Convulsion
  • Lagnat
  • Coma
  • Central nervous system dysfunction
  • Hyperkalemia o mataas na potassium level sa dugo.
  • Pulmonary edema.

Sa ngayon ang Obynal-M ay mabibili sa halagang P1,555 kada pakete sa mga botika at drugstores na nagtataglay ng 100 piraso ng capsules nito.

Dapat isaisip na hindi dapat basta-basta umiinom nito o ng kahit anong medikasyon ang mga buntis. Upang makasiguradong ligtas at angkop ang supplement sa pagbubuntis ay mabuting kumonsulta muna sa doktor bago uminom o gumamit nito.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tabletwise, MIMS, N Drugs

Basahin:

Ano ang Mosvit at bakit ito nirereseta sa buntis?