Mosvit o Mosvit multivitamins, pamilyar ka ba kung ano ito? Para sa mga babaeng nagdadalang-tao malamang ay isa ito sa ipinapayo ng mga doktor na inumin ninyo. Ngunit para saan nga ba ang vitamins na ito at ano ang benepisyong maibibigay nito sa babaeng buntis at kaniyang dinadalang sanggol?
Mosvit multivitamins
Ayon sa health website na MIMS, ang Mosvit Elite ay isang uri ng multivitamins at mineral supplement. Ito ay nabibilang sa category A ng FDA na nangangahulugan na napatunayang wala itong kahit anumang risk o masamang epekto sa development ng ipinagbubuntis na sanggol. Sa halip ay tinataglay nito ang mga nutrients na kailangan ng isang buntis sa kaniyang pagdadalang-tao.
Kaya naman dahil dito ay isa ito sa madalas na inirereseta ng mga doktor sa mga babaeng nagdadalang-tao at nagbabalak na mabuntis. Ito ay dahil ang bawat soft gel capsule nito ay nagtataglay ng sumusunod na nutrients na mahalaga sa pagbubuntis.
Folic acid
Ang Mosvit multivitamins ay nagtataglay ng 800 micrograms o mcg ng folic acid. Ang folic acid ay nakakatulong sa produksyon ng bago at healthy cells ng isang babaeng buntis.
Ayon sa mga eksperto kung magkaroon ng deficiency o kakulangan rito habang nagbubuntis ay maaring magresulta ito ng fetal harm o peligro sa buhay ng dinadalang sanggol. O kaya naman ay birth defects sa utak at spinal cord ni baby.
Ngunit maliban sa Mosvit multivitamins, makukuha rin ng isang buntis ang folic acid mula sa mga maberdeng gulay o pagkain. Tulad ng asparagus, broccoli, spinach at lettuce.
Iodine
Nagtataglay rin ang Mosvit multivitamins ng 200 mcg ng iodine. Ang nutrient na ito ay mahalaga naman para sa brain development at physical growth ni baby. Ayon sa CDC, ang iodine deficiency sa pagbubuntis ang isa sa mga maiiwasang dahilan ng intellectual disability.
Maliban sa pag-inom ng supplement, ang iodine ay makukuha rin sa mga pagkaing tulad ng seafood, gatas, itlog, cereals at tinapay.
Iron
Ang Mosvit multivitamins ay nagtataglay rin ng 105 mcg ng iron. Mahalaga ang nutrient na ito sa pagbubuntis dahil tumutulong ito sa produksyon ng red blood cells na kailangan upang maiwasan ang anemia sa pagbubuntis.
Nakakatulong rin ang iron sa delivery ng oxygen sa katawan ng buntis at kaniyang baby. Kung ang isang babaeng buntis ay may kakulang ng iron sa katawan siya ay mas mabilis mapagod o nakakaranas ng kondisyon na kung tawagin ay iron deficiency anemia.
Para sa dagdag iron sa katawan maari ring kumain ng karne, chocolate, beans at dried fruits ang isang buntis.
DHA
Isa pang mahalagang nutrients na makukuha sa Mosvit multivitamins ay ang 200 mcg ng DHA. Ang DHA o docosahexaenoic acid ay isang uri ng fat na kung tawagin ay omega-3 fatty acid. Nakakatulong ito sa growth and development ni baby partikular na sa kaniyang utak at mga mata.
Ilan sa mga pagkain na maaring pagkukunan ng dagdag na DHA ng isang buntis ay ang salmon, tuna, canned tuna, mussels, oysters, at fish eggs.
B Vitamins
Nagtataglay rin ng mga B vitamins ang multivitamins na ito. Mayroon itong vitamin B1, B12, B2, at B6 na nakakatulong naman upang ma-improve ang nausea o pagduduwal ng isang buntis. Nakakatulong rin ito upang maiwasan ang risk ng birth defects sa pagbubuntis.
Makakakuha naman ng dagdag na B vitamins ang isang buntis sa mga prutas at gulay.
Vitamin C
May 100 mcg na vitamin C rin ang Mosvit multivitamins. Ito naman ay nakakatulong sa absorption ng iron sa katawan na isang paraan upang maiwasan ang high blood pressure at premature birth sa pagbubuntis.
Pinapalakas rin ng vitamin C ang immune system ng isang buntis. At tumutulong sa produksyon ng collagen para sa normal growth at strong bones ni baby.
Good source rin ng vitamin C ang mga prutas at gulay para sa mga buntis.
Vitamin D3
May taglay rin 200 IU ng vitamin D3 ang multivitamins na ito. Ayon sa mga eksperto ang vitamin D3 ay nakakatulong upang mabawasan ang risk ng komplikasyon sa pagbubuntis. Tulad ng gestational diabetes, preterm birth at infection.
Ang vitamin D3 ay makukuha rin sa mga pagkain tulad ng gatas, itlog, cereal, dairy products at matatabang isda.
Iba pang nutrients na makukuha sa Mosvit multivitamins
Maliban sa mga nabanggit ang Mosvit ay mayroon ring Zinc na para mas mapalakas ang immune system ng buntis. Mayroon rin itong calcium para sa matitibay na buto ni Mommy at baby. Mayroon rin itong vitamin E, vitamin K at vitamin A na mahalaga rin sa overall development ng isang sanggol.
Sa ngayon ay mabibili ang Mosvit multivitamins sa halagang P1,450 kada box na nagtataglay ng 100 soft gels capsules.
Inirerekumendang inumin ito ng isang buntis isang beses araw-araw. Ngunit isang mahalagang paalala mas mabuting magpa-konsulta muna sa doktor bago uminom o gumamit ng multivitamins na ito. Dahil may content ito na maaring maging dahilan ng allergic reaction sa isang tao.
Source:
N Drugs, MIMS
Basahin:
Ano ang Myoga EC at bakit ito nirereseta sa buntis?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!