X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ano ang Myoga EC at bakit ito nirereseta sa buntis?

4 min read

Panigurado ay narinig na ng mga pregnant moms ang myoga ec mula sa OB-GYN at maaring kasama na ito sa iyong reseta. Pero ano ba ang benefits na makukuha sa supplement na ito? Makakatulong ba ito sa iyong pagbubuntis?

Kinakailangan ng dobleng effort ng isang ina para mapanatiling healthy ang pagbubuntis nila. Nandyan ang pag-ehersisyo katulad ng paglalakad o proper workout para sa mga buntis. Kinakailangan din nila ang pagbisita lagi sa kanilang doktor para maging updated sa health ng baby sa tyan. Importante rin ang mga masustansyang pagkain katulad ng gulay at prutas. Nandyan rin mga gatas, vitamins o supplements na kanilang iniinom para masigurado ang magandang pagbubuntis ng isang ina.

Ngunit ano ba ang Myoga EC na nirereseta ng mga doctor? Safe ba ito at ano ang benefits na makukuha dito?

myoga-ec

Myoga EC o fish oil para sa buntis | Image from Freepik

Ano ang Myoga EC para sa buntis?

Ang Myoga EC ay isang supplement na iniinom ng mga buntis. Galing ang supplement na ito partikular sa fish oil ng mga isdang nasa cold ocean. Ito ay dahil mas mataas ang content ng oil nila kumpara sa ibang isda.

Ang fish oil ay naglalaman ng omega-3 fatty acids katulad ng DHA at EPA. Importante ang Omega-3 fatty acids na ito sa isang tao dahil nakakatulong sila upang mapababa ang triglycerides, maiwasan ang pagtaas ng blood pressure o kaya naman ang heart attack at stroke.

Bakit mahalaga ang Omega-3 fatty acids sa buntis?

Ang dalawang mahalagang sangkap ng Omega-3 ay ang EPA (eicosapentaenoic acid) at DHA (docosahexaenoic acid). Maganda ang resulta sa katawan ng EPA at DHA kapag pinagsama ito. Dahil ayon sa mga eksperto, ang fatty acid ay makakatulong sa mabilis na development ng buntis at baby nito.

Ang pangunahing trabaho ng EPA ay sumusuporta sila sa immune system, inflammatory response at heart ng isang tao. Samantalang ang DHA naman ay makakatulong sa central nervous system, brain, at eyes ng isang pregnant mom. Ang mga ito ay mahalaga para sa mga buntis dahil makakatulong ito sa kanilang kalusugan lalo na sa pagproduce ng kanilang gatas.

myoga-ec

Myoga EC o fish oil para sa buntis | Image from Freepik

Isa pang magandang naidudulot ng Omega-3 ay makakatulong ito sa maagang pagdevelop ng paningin at cognitive development ng bata.

Ayon sa iba pang pag-aaral, ang kakulangan sa Omega-3 Fatty Acid ay nakakapagpataas ng tyansa na magkaroon ng postnatal depression ang ina at maaaring magkatoon ng allergic conditions katulad ng asthma ang bata kapag ito ay lumabas na. Mapapababa rin nito ang tyansa ng pagkakaroon ng preeclampsia sa buntis. At mapapanatili ang magandang timbang ng bata.

Konektado rin ang kakulangan ng Omega-3 Fatty Acid sa pagkakaroon ng preterm labor ng isang ina.

Isda para sa buntis

Bukod sa Myoga EC supplement, may mga pagkain rin na mayaman sa Omega-3. Katulad ng sardinas, tuna, salmon at anchovy. Ngunit hindi maiiwasan ang pangamba ng ilang mommy sa pagkain ng isda.

myoga-ec

Myoga EC o fish oil para sa buntis | Image from Freepik

Hindi pinapayuhan ang mga buntis na kumain ng maraming isda. Ito ay dahil ang ibang isda ay mayroong toxic waste katulad ng mercury na makakasama sa kalusugan ni mommy. Kaya naman ang alternatibong paraan para makakuha ng omega-3 ay ang pag-inom ng fish oil supplements para sa buntis katulad ng Myoga EC.

Kung may pangamba, ‘wag matakot kumonsulta sa iyong doctor para mabigyan ng tamang reseta at paalala sa mga dapat na inumin na supplements. ‘Wag rin agad agad na uminom ng mga supplements ng walang patnubay ng iyong doktor.

 

Source:

Partner Stories
Uniqlo Celebrates the First Anniversary of Uniqlo Manila Global Flagship Store
Uniqlo Celebrates the First Anniversary of Uniqlo Manila Global Flagship Store
Ways to protect kids from harmful pollutants in the house
Ways to protect kids from harmful pollutants in the house
Longing for that nakasanayang Paskong Pinoy? Grab now lets you celebrate Christmas just like before with Padalove
Longing for that nakasanayang Paskong Pinoy? Grab now lets you celebrate Christmas just like before with Padalove
Sensitive Skin affects over half the population; studies say
Sensitive Skin affects over half the population; studies say

Cordlife

BASAHIN:

Ano ang magandang gatas para sa buntis?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • Ano ang Myoga EC at bakit ito nirereseta sa buntis?
Share:
  • Bakit kailangan uminom ng fish oil ng buntis?

    Bakit kailangan uminom ng fish oil ng buntis?

  • Fish oil during pregnancy lessens allergy risk in kids

    Fish oil during pregnancy lessens allergy risk in kids

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Bakit kailangan uminom ng fish oil ng buntis?

    Bakit kailangan uminom ng fish oil ng buntis?

  • Fish oil during pregnancy lessens allergy risk in kids

    Fish oil during pregnancy lessens allergy risk in kids

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.