Bilang mga magulang, bukod sa pagbibigay ng mga materyal na pangangailangan ng ating pamilya, mahalaga rin na nakapaglalaan tayo ng oras upang gumawa ng mga aktibidad na magiging daan upang maging mas malapit sa isa’t isa ang bawat miyembro ng pamilya. Naghahanap ka ba ngayon ng October events in the Philippines na puwede niyong puntahan ng family? Narito na ang hinahanap mo!
October events 2023 in the Philippines
October events: ManilArt Fair 2023
Kung mahilig sa arts ang pamilya niyo, siguradong maaappreciate niyo ang pagpunta sa Manila Art Fair 2023. Tampok sa nasabing art fair ang iba’t ibang contemporary arts. Gaganapin ang National Art Fair na ito sa October 11 hanggang October 15, 2023 sa SMX Convention Center Aura, SM Aura, Bonifacio Global City, Taguig.
Nagkakahalaga ng P250 ang regular ticket sa nasabing art fair. Bumisita sa kanilang website upang malaman kung paano makabibili ng tickets.
Giving back sa kapwa naman ang hatid ng Adventure Unlmtd & iTravel PH Camp. Magandang simula rin ang pagsama ng pamilya sa Camp for A Cause na ito kung nais mong mamulat ang iyong anak sa kalagayan ng mga kabataan sa mga liblib na lugar sa kabundukan. Magandang pagkakataon din ito upang ituro sa kanila ang magandang pag-uugali na pagtulong sa kapwa.
Larawan mula sa Facebook ni Mhey Wille Samson
Magaganap ang fundraising event sa October 21, 2023 sa Sagabe Eco Camp Cavite. Isang gabi na puno ng acoustic music, food, drinks, at tawanan ang inyong pagsasaluhan sa nasabing event. Ang kikitain sa nasabing fundraising event ay direktang mapupunta sa chosen community ng nasabing samahan upang matulungan ang mga komunidad na mag-improve ang kanilang mga classroom at makapagbigay ng school supplies sa mga kabataan. Kung nais makiisa sa nasabing event maaaring magmensahe rito.
Isang mini event ng Kolektors Alley ang magaganap sa 3rd Floor ng LRT Caloocan Mall (LRT Monumento Station) sa October 15, 2023. Kung mahilig sa computer games ang iyong mga anak siguradong ma-aamaze sila sa libreng event na ito. Oo, free entrance ang nasabing event.
Ano ang meron sa mini event na ito?
Maaari kang bumili ng mga xbox PlayStation sega family computer game boy games and consoles sa mas murang halaga. Libre rin kayong makapaglalaro ng old school console like family computer, Ataru, Sega, Playstation, Gamecube Nintendo 64 at iba pa.
Bukod pa rito, mayroon ding free competition kung saan maaari kang manalo ng retro console set at accessories. Mayroon pang free raffle mula sa mga fellow members para sa lahat ng aattend sa nasabing event.
October events: HYDRO Manila Music Festival
Isang araw na puno ng musika naman ang tampok sa HYDRO Manila Music Festival. Tiyak na mapapasabay ang pamilya sa mga awitin ng mga mahuhusay na OPM Artists tulad ng December Avenue, Mayonnaise, Silent Sanctuary, Urbandub, at marami pang iba. Gaganapin ang HYDRO Manila Music Festival sa October 14, 2023 sa SM Mall of Asia Concert Grounds – Block 16. Maaaring bisitahin ang kanilang website upang malaman kung paano bumili ng ticket at iba pang detalye tungkol sa music fest.
Larawan mula sa Facebook ng Hydro Manila
Mamaw Run: A Halloween Costume Event
Kakaibang Halloween party ba ang hanap mo? Kung sawa na sa simpleng trick or treat event ang iyong anak, puwedeng-puwede mo siyang dalhin sa Mamaw Run Halloween Costume Event. Fun run event ito kung saan maaaring tumakbo ang inyong pamilya habang nakasuot ng Halloween costume. Ang nasabing event ay pangungunahan ng Pinoy Fitness. Sa halagang P1,350 per pax, maaari nang sumali ang iyong pamilya. Included na ang race rib, race shirt, finisher medal, activity booths, live music, at trick or treat.
Magregister na online o bisitahin ang kanilang website.
Mind And Soul: A Musical Celebration of Mental Health
Maganda rin na maimulat natin ang ating pamilya sa mga mahahalagang issue tulad ng mental health. Magandang simula ang pagsama sa kanila sa event na tulad ng Mind And Soul. Magaganap ang nasabing concert sa Y Space sa Yuchengco Museum, RCBC Plaza, Makati City sa October 26, 2023. Ang beneficiary ng nasabing concert ay ang Family Wellness Center Foundation, Inc.
Maki-awit sa melodiya ng musika ni Bach, Mozart, Schumman, Rodgers, at Hammerstein sa captivating concert na ito kung saan tampok ang talented PIMA Guitar Quartet at iba pang mga guest performers. Maaaring mag mensahe sa kanilang Facebook page upang malaman ang buong detalye at paano makabibili ng ticket na nagkakahalaga ng P700 at P500 naman para sa PWD, Senior, at estudyante.
October events: SUSUPortahan Benefit Art Exhibit
Larawan mula sa Araneta City Facebook page
Maaari ring bumisita sa Gateway Mall Activitiy Area ngayong buwan ng Oktubre upang masaksihan ang SUSUportahan Benefit Art Exhibit kung saan tampok ang mga art works na humihikayat na i-empower ang mga kababaihan. Ang nasabing event ay bilang pakikiisa sa Breast Cancer Awareness Month na ipinagdiriwang tuwing Oktubre.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!