OFW gulo sa Iraq migrants pwersahan ng pauuwiin ng gobyerno.
OFW gulo sa Iraq migrants
Dahil sa patuloy na lumalalang gulo sa pagitan ng Iran at US ay pwersahan ng pauuwiin ng pamahalaan ang mga OFW sa Iran at iba pang kalapit na bansa. Partikular na nga sa bansang Iraq na kung saan nito lamang Martes ay pinakawalan ng missile ng Iran. Ang tinarget ng bansang Iran, ang dalawang base militar ng Estados Unidos sa Iraq. Na kung saan may 600 na Pilipino ang naitalang nagtratrabaho doon.
Bagamat hindi pa tukoy ang pinsalang dinulot ng sinabing pag-atake ay nasa alert level 4 na ang Iraq. Ganoon din ang bansang Iraq at Lebanon. Lalo pa’t nagbanta ang Islamic Revolutionary Guard Corps o IRGC sa isang pahayag na kung gaganti ang US sa ginawa nilang pag-atake sa Iraq ay aatakihin rin nila ang Amerika. Pati na ang ilan pa nilang kalapit bansa tulad ng Dubai, UAE, at bayan ng Haifa sa Israel.
Dagdag pa ng Iran, ang ginawa nilang pag-atake ay isa lamang sa kanilang hakbang ng paghihiganti sa Amerika. Ito ay matapos masawi dahil sa pag-atake ng US ang kilalang lider ng Iraq na si Gen. Qassem Soleimani nito lamang January 3.
Pwersahang pagpapauwi sa mga OFW
Kaya naman dahil dito ay mas lalong naalarma ang gobyerno na maaring malagay sa panganib ang mga OFW sa nasabing gulo sa Middle East. Lalo pa’t base sa datos ng DOLE o Department of Labor and Employment ay may 2,291 na Pilipino ang nagtratrabaho sa Iraq. Habang may 1,184 na Pinoy ang nasa Iran at 33,234 naman ang OFW na nasa Lebanon.
Kaya naman sa ayaw man o gusto ng mga OFW na nagtratrabaho sa mga nasabing bansa ay pwersahan na silang pauuwiin at ililikas. Ito ay upang hindi sila tuluyang maipit at maapektuhan ng lumalalang gulo sa Middle East.
Ayon naman sa Department of Budget and Management o DBM ay may sapat na pondo ang pamahalaan upang mapauwi ang mga OFW gulo sa Iraq migrants. Pati na ang iba pang OFWs sa kalapit na mga bansa ng Iran.
Sa isang panayam ay sinabi nga ni Budget Assistant Secretary Rolando Toledo na may nakalaang P1.82 billion pondo ang gobyerno para sa OFW repatriation.
“Even without the pronouncement of the President, we already have the budget for repatriation.”
Ito ang pahayag ni Toledo sa panayam.
Pagsundo sa mga OFW sa Middle East
Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ay magpapadala ang Pilipinas ng barko, eroplano at sundalo sa Middle East upang sumundo sa mga Pilipinong nagtratrabaho doon. Hinihintay lang sa ngayon ang diplomatic clearance upang makapasok ng matiwasay sa lugar ang mga sundalong Pilipino.
“Lahat ng mga Pilipinong gustong umuwi ay iuuwi natin, especially kung nanganganib ang kanilang kaligtasan. But ang ating priority ngayon is Iraq, and maybe Iran, and Libya.”
Ito ang pahayag ni Defense Secretary Lorenzana sa isang panayam.
Paalala sa mga OFW sa Iraq
Samantala, sa pamamagitan ng isang Facebook video sa official page ng Philippine Embassy sa Iraq ay nagpaalala si Chargé d’Affaires Jomar Sadie sa mga OFW sa Iraq. Ito ay ang ihanda na ang kanilang passport at makipag-ugnayan na sa embahada at kanilang employer upang sila ay makauwi. Dapat ay kumuha narin sila ng exit visa at ticket upang mapasama sa repatriation.
Para naman sa mga biktima ng human trafficking o walang employer ay ipinapayong dumulog parin sila embahada.
“Ngayon kung wala po kayong employer or biktima ng human trafficking, tumawag din po kayo sa amin para matulungan namin kayo o pumunta directly sa embassy kung nandito po kayo sa Baghdad.”
Ito ang pahayag ni Sadie sa kaniyang video. Dagdag pa niya kung ayaw pauwiin ng kaniyang employer ang isang OFW sa Iraq ay sila mismo ang kakausap sa mga ito. Kailangan lang na sila ay tawagan sa mga numerong 07816066822; 07516167838; 07518764665; 07508105240. O kaya naman ay i-email sila sa baghdad.pe@dfa.gov.ph o embaphilbaghdad.secretary1@gmail.com.
Ipaalam ang mga impormasyong ito sa mga kakilala mong OFW sa Iraq. Upang sila ay matulungan at mailikas na sa gulo.
Panoorin dito ang dagdag pang pahayag ni Sadie sa isa pang Facebook video na ipinost sa official page ng Philippine Embassy sa Baghdad.
Sources: Rappler, ABS-CBN News, Abante, Radyo Inquirer, Cebu Daily News
Photo: The Times of Israel
Basahin: Paano mag-renew ng US-Visa? Gabay para sa mga pinoy