Ogie Alcasid appreciates sacrifices Regine Velasquez while he is battling COVID-19

Si Ogie, sinabing si Regine ang inspirasyon niya at dahilan sa magagandang kanta na kaniyang nagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ogie Alcasid ibinahagi sa social media kung gaano siya ka-proud at thankful sa misis na si Regine Velasquez.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Ogie Alcasid proud and thankful sa misis na si Regine Velasquez
  • Special na mensahe ni Ogie Alcasid kay Regine noong kaniyang 55th birthday celebration
  • Regine sinabing muntik na siyang maging matandang dalaga kung hindi dahil kay Ogie

Ogie Alcasid proud and thankful sa misis na si Regine Velasquez

Larawan mula sa Instagram account ni Ogie Alcasid

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid kung gaano siya ka-proud sa misis na si Regine Velasquez. Tampok ang larawan nitong natutulog sa sala, sabi ni Ogie ito ang sakripisyong ginawa ng misis noong siya ay naka-isolate matapos mag-positibo sa sakit na COVID-19.

Sabi pa niya, ang kaniyang misis ang nagpumilit na doon ito matulog para maalagaan rin ang nag-iisang anak nilang si Nate.

“Flex ko lang ang asawa ko. While I was in isolation, she stayed here in the living room despite having no real space to herself. Sabi ko, diyan na lang ako but she insisted to stay here because she had to take care of Nate too.”

Ito ang pahayag ni Ogie na sinundan pa ng pagbibida niya dito na tinawag niyang super mom at wife.

“Ganyan siya kasimple at ka maalagain. Super Mom and Super Wife. Salamat mahal”, sabi pa ni Ogie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Special na mensahe ni Ogie  noong kaniyang 55th birthday celebration

Larawan mula sa Instagram post ni Ogie Alcasid

Samantala, nitong Linggo sa programang “Asap Natin To” ay nagkaroon ng tribute sa mga kanta ni Ogie bilang pagdiriwang sa kaniyang 55th birthday. Sa finale ng kaniyang birthday tribute kung saan kinanta ang ‘Pangarap Ko Ang Ibigin Ka’ ay naging emosyonal si Ogie.

Halos hindi na nga nito makanta ng maayos dahil nagsimulang tumulo ang kaniyang luha. Pero tinapos nito ang song number at sa huli ay sinabi ang dahilan kung bakit siya naging emosyonal.

Sa misis niyang si Regine na katabi niya noon at kasama niya sa pagkanta, ay ibinahagi ni Ogie ang dahilan kung bakit siya naging emotional. Pahayag niya, si Regine  ang siyang dahilan kung bakit siya napalapit sa musika na biggest companion daw niya.

“In the 55 years I’d live here on earth, my biggest companion was music. Through my ups and downs, it’s always been. But what brought music was you.”

Ito ang sabi ni Ogie na tumutukoy kay Regine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa ni Ogie na binalikan ang naging kasal nila ni Regine, lahat ng ipinagdidiwang niya sa buhay ay kasama si Regine. Tulad na lang ng birthday niya na ipinagdidiwang niya ay dahil sa kaniyang misis.

 “I know it’s my birthday. But you see, when I married you, when we got married, when the Pastor said ‘You are gonna be one’, that’s how I feel. So, everything else that I celebrate in life, I celebrate with you. So, it’s our birthday. You are my birthday.”

Ito ang sabi pa ni Ogie.

Dagdag pa ng singer-songwriter, karamihan ng mga kantang sinulat niya ay para kay Regine. At ito ay hindi lang daw basta tumutukoy sa kaniya. Ito daw ay ang plano ng Diyos na nagpapasalamat siya na nangyari.

Regine sinabing muntik na siyang maging matandang dalaga kung hindi dahil kay Ogie

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Regine Velasquez-Alcasid’s Instagram account

Si Regine may sagot naman sa revelation na ito ni Ogie. Sabi naman ng Asia’s Songbird, siya ang numero unang fan ng mister. Ito rin daw ay blessing sa buhay niya.

Ikinuwento niya rin ang naging pag-uusap nila ng anak na si Nate na kung saan sinabi niya na baka naging matandang dalaga siya kung hindi sila naikasal ni Ogie. Dahil para daw kay Regine, si Ogie lang ang nais niyang makasama.

“Last night, I was telling him, I cannot imagine my life not having you. I’d probably be an old maid. So thank you for marrying me. I cannot imagine being with anyone else but you.”

Ito ang sweet na sabi pa ni Regine sa mister na si Ogie Alcasid.

Sa huli ay nagpasalamat rin ito kay Ogie na nagbibigay daw ng peace sa buhay niya.

“Every day is not just an adventure but there’s also peace in my life because I have you. I love you so much. Thank you.”

Ito ang sabi pa ni Regine sa mister na si Ogie Alcasid sa 55th birthday nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang nitong Hunyo ay kumalat ang balitang may problema sa pagsasama ni Regine at Ogie Alcasid. Pero ang usaping ito agad tinuldukan ni Ogie at sinabing sila hanggang ngayon ni Regine ay in love sa isa’t isa.

“I have read some tweets about my wife and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in love and there has not been a day where that love has for each has ever diminished.”

Ito ang sabi ni Ogie sa isang tweet.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement