X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ogie Alcasid itinangging may problema sa pagsasama nila ni Regine Velasquez

5 min read
Ogie Alcasid itinangging may problema sa pagsasama nila ni Regine Velasquez

Regine bilang tugon rin sa mga tsismis, nag-post ng larawan nila ni Ogie na magkatabi at sweet na sweet.

Ogie Alcasid at wife na si Regine Velasquez, staying strong pa rin relationship at puno pa rin ng pagmamahal. Ito ang paglilinaw ni Ogie sa isa niyang tweet.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Ogie Alcasid and Regine Velasquez relationship
  • Love story nina Ogie at Regine

Ogie Alcasid and Regine Velasquez relationship

Ogie Alcasid itinangging may problema sa pagsasama nila ni Regine Velasquez

Larawan mula sa Instagram account ni Ogie Alcasid

Agad na tinuldukan ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid ang isyu na may problema sa pagsasama nila ng Asia’s songbird at wife niyang si Regine Velasquez. Sa kaniyang Twitter account ay diretsahang sinagot ni Ogie ang mga usap-usapan ng mga netizens ukol sa kanilang pagsasama ni Regine.

Sabi ni Ogie Alcasid, in love na in love pa rin sila ng kaniyang wife sa isa’t-isa at walang araw na nabawasan daw ang pag-ibig sa bawat isa na kanilang nadarama.

“I have read some tweets about my wife and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in love and there has not been a day where that love has for each has ever diminished.”

Ito ang sabi ni Ogie sa kaniyang Twitter account.

May isang netizen ang tila hindi naniniwala sa post na ito ni Ogie. Ayon sa netizen, ang pahayag ni Ogie na ito tungkol sa kanilang relasyon ay patunay lang na may pinagdadaanan silang problema. Maikli naman ang naging tugon ni Ogie sa naturang netizen.

Ogie Alcasid itinangging may problema sa pagsasama nila ni Regine Velasquez

Sa isang hiwalay na post ay hiniling ni Ogie na sana lahat ay makaranas ng parehong pag-iibigan na mayroon sila ni Regine. Dahil ito daw talaga ay isang blessing.

“Guys, I wish you would really experience great love. It truly is a blessing.”

Samantala, si Regine nitong nakaraang araw lang ay nag-post ng larawan nila ni Ogie na magkatabi. Ang caption ng kaniyang post ay “My baba @ogiealcasid.”

May isang netizen ang napa-hashtag couple goals sa post na ito ng singer.

Ogie Alcasid and Regine Velasquez relationship

Larawan mula sa Instagram account ni Regine Velasquez

BASAHIN:

Ogie Alcasid sa birthday ni Regine Velasquez: “You are the air that I breathe, my rock, my heart and soul.”

Dimples Romana celebrates 19th wedding anniversary with Boyet Ahmee

Carla Abellana sa hiwalayan kay Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed.”

Love story nina Ogie at Regine

Nito lang Marso sa programang ‘Magandang Buhay’ ng ABS-CBN ay binalikan ni Regine ang naging pagsisimula ng relasyon nila ni Ogie Alcasid. Siya noon ay sinasabing 3rd party sa hiwalayan ni Ogie Alcasid at nauna nitong misis na si Michelle Van Eimeren. Ito ay hindi naman itinanggi ni Regine at inaming sa ganoong paraan talaga nagsimula ang relasyon nila ni Ogie.

“My husband and I started that way. Yun naman kasi we were good friends hindi ko naman sinasadya. Kasi hindi mo naman pinipili yung mga mamahalin mo e. Gusto ko bang may masaktan? May matitinong tao na hindi naman yun yung iniisip nila. It is just that sometimes it happens.”

Ito ang sabi ni Regine.

Dagdag pa ng singer, kung maari lang ibalik ang nakaraan ay hindi niya na pipiliing maging 3rd party. Ito ay dahil sa hirap na pinagdaanan niya at mga taong nasaktan ng relasyon nila ni Ogie.

“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa marriage nila at that time kasi hindi naman ako kasali doon, but it happened. I just have to say that it was so difficult.”

“If I could bring back the time, I love my husband but siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan, na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together.”

Ito ang sabi pa ng singer.

Pag-amin pa ni Regine, matagal rin siyang nakaramdam ng pagka-guilty. Pero lagi daw noon sinasabi sa kaniya ni Ogie na hindi niya kasalanan ang mga nangyari. Kung ano man daw nangyari sa pagsasama ni Ogie at Michelle ay kasalanan nilang dalawa bilang mag-asawa noon.

“For a while I have to say, I have to live with that guilt forever. My husband would say, ‘It was not about you, it was about me and Michelle,’ but even then, I was there. I was part of it. I was the third party.”

Ito ang naluluhang kuwento ni Regine.

Sa ngayon, matapos ang lahat ng nangyari, si Regine at Ogie ay 11 years ng kasal. Nito nga lang Disyembre ng nakaraang taon sa kanilang 11th anniversary ay sinabi ni Ogie na isang blessing na mahalin si Regine at nang makasama ito ay ang biggest gift na natanggap niya sa kaniyang buhay.

Ogie Alcasid and Regine Velasquez relationship

Larawan mula sa Instagram account ni Regine Velasquez

“Loving you is a blessing and being loved by you is pure heaven. Happy anniversary my love. Having you in my life is the biggest gift from above. I love you with all my heart Regine.”

Ito ang pagbati ni Ogie kay Regine sa kanilang 11th wedding anniversary. Habang si Regine ay may short but sweet na mensahe rin sa kaniyang mister.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

“11 years. Happy anniversary baba @ogiealcasid I love you more.”

Ito ang pagbati naman ni Regine kay Ogie sa kanilang 11th wedding anniversary.

Twitter

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ogie Alcasid itinangging may problema sa pagsasama nila ni Regine Velasquez
Share:
  • Priscilla Meirelles sunod-sunod ang cryptic post at parinig sa social media, may problema nga ba sila ng mister na si John Estrada?

    Priscilla Meirelles sunod-sunod ang cryptic post at parinig sa social media, may problema nga ba sila ng mister na si John Estrada?

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Priscilla Meirelles sunod-sunod ang cryptic post at parinig sa social media, may problema nga ba sila ng mister na si John Estrada?

    Priscilla Meirelles sunod-sunod ang cryptic post at parinig sa social media, may problema nga ba sila ng mister na si John Estrada?

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.