Ogie Alcasid itinangging may problema sa pagsasama nila ni Regine Velasquez

Regine bilang tugon rin sa mga tsismis, nag-post ng larawan nila ni Ogie na magkatabi at sweet na sweet.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ogie Alcasid at wife na si Regine Velasquez, staying strong pa rin relationship at puno pa rin ng pagmamahal. Ito ang paglilinaw ni Ogie sa isa niyang tweet.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Ogie Alcasid and Regine Velasquez relationship
  • Love story nina Ogie at Regine

Ogie Alcasid and Regine Velasquez relationship

Larawan mula sa Instagram account ni Ogie Alcasid

Agad na tinuldukan ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid ang isyu na may problema sa pagsasama nila ng Asia’s songbird at wife niyang si Regine Velasquez. Sa kaniyang Twitter account ay diretsahang sinagot ni Ogie ang mga usap-usapan ng mga netizens ukol sa kanilang pagsasama ni Regine.

Sabi ni Ogie Alcasid, in love na in love pa rin sila ng kaniyang wife sa isa’t-isa at walang araw na nabawasan daw ang pag-ibig sa bawat isa na kanilang nadarama.

“I have read some tweets about my wife and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in love and there has not been a day where that love has for each has ever diminished.”

Ito ang sabi ni Ogie sa kaniyang Twitter account.

May isang netizen ang tila hindi naniniwala sa post na ito ni Ogie. Ayon sa netizen, ang pahayag ni Ogie na ito tungkol sa kanilang relasyon ay patunay lang na may pinagdadaanan silang problema. Maikli naman ang naging tugon ni Ogie sa naturang netizen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang hiwalay na post ay hiniling ni Ogie na sana lahat ay makaranas ng parehong pag-iibigan na mayroon sila ni Regine. Dahil ito daw talaga ay isang blessing.

“Guys, I wish you would really experience great love. It truly is a blessing.”

Samantala, si Regine nitong nakaraang araw lang ay nag-post ng larawan nila ni Ogie na magkatabi. Ang caption ng kaniyang post ay “My baba @ogiealcasid.”

May isang netizen ang napa-hashtag couple goals sa post na ito ng singer.

Larawan mula sa Instagram account ni Regine Velasquez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Ogie Alcasid sa birthday ni Regine Velasquez: “You are the air that I breathe, my rock, my heart and soul.”

Dimples Romana celebrates 19th wedding anniversary with Boyet Ahmee

Carla Abellana sa hiwalayan kay Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed.”

Love story nina Ogie at Regine

Nito lang Marso sa programang 'Magandang Buhay' ng ABS-CBN ay binalikan ni Regine ang naging pagsisimula ng relasyon nila ni Ogie Alcasid. Siya noon ay sinasabing 3rd party sa hiwalayan ni Ogie Alcasid at nauna nitong misis na si Michelle Van Eimeren. Ito ay hindi naman itinanggi ni Regine at inaming sa ganoong paraan talaga nagsimula ang relasyon nila ni Ogie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My husband and I started that way. Yun naman kasi we were good friends hindi ko naman sinasadya. Kasi hindi mo naman pinipili yung mga mamahalin mo e. Gusto ko bang may masaktan? May matitinong tao na hindi naman yun yung iniisip nila. It is just that sometimes it happens.”

Ito ang sabi ni Regine.

Dagdag pa ng singer, kung maari lang ibalik ang nakaraan ay hindi niya na pipiliing maging 3rd party. Ito ay dahil sa hirap na pinagdaanan niya at mga taong nasaktan ng relasyon nila ni Ogie.

“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa marriage nila at that time kasi hindi naman ako kasali doon, but it happened. I just have to say that it was so difficult."

“If I could bring back the time, I love my husband but siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan, na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together.”

Ito ang sabi pa ng singer.

Pag-amin pa ni Regine, matagal rin siyang nakaramdam ng pagka-guilty. Pero lagi daw noon sinasabi sa kaniya ni Ogie na hindi niya kasalanan ang mga nangyari. Kung ano man daw nangyari sa pagsasama ni Ogie at Michelle ay kasalanan nilang dalawa bilang mag-asawa noon.

“For a while I have to say, I have to live with that guilt forever. My husband would say, ‘It was not about you, it was about me and Michelle,’ but even then, I was there. I was part of it. I was the third party."

Ito ang naluluhang kuwento ni Regine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, matapos ang lahat ng nangyari, si Regine at Ogie ay 11 years ng kasal. Nito nga lang Disyembre ng nakaraang taon sa kanilang 11th anniversary ay sinabi ni Ogie na isang blessing na mahalin si Regine at nang makasama ito ay ang biggest gift na natanggap niya sa kaniyang buhay.

Larawan mula sa Instagram account ni Regine Velasquez

“Loving you is a blessing and being loved by you is pure heaven. Happy anniversary my love. Having you in my life is the biggest gift from above. I love you with all my heart Regine.”

Ito ang pagbati ni Ogie kay Regine sa kanilang 11th wedding anniversary. Habang si Regine ay may short but sweet na mensahe rin sa kaniyang mister.

“11 years. Happy anniversary baba @ogiealcasid I love you more.”

Ito ang pagbati naman ni Regine kay Ogie sa kanilang 11th wedding anniversary.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement